008

649 42 20
                                    

008

RIP

"Sa labas na lang tayo ng campus mag-lunch." Biglaang sambit ni Kai nang ibulsa niya 'yung cellphone niya. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Wait!

"Ayokong makita tayo nila Soobin hyung kaya sa labas tayo mag-lunch, huwag ka na mag-assume na iyaya kita ng date." Biglaang sabi niya kaya naman napasimangot ako. Napaka-harsh talaga ng isang 'to! Tsaka kasi masama bang mag-assume? Nakakagulat kaya na sinabi niyang sa labas na lang kami kumain! Pero sabagay, baka makita din ako nila Yeji unnie kaya mas okay na 'yun sa labas kami kumain.

"Ah, okay." Nasabi ko na lang din at sumunod sa paglalakad niya.

"Doon tayo sa may Milktea House," tumango lamang ako sa sinabi at tahimik sumunod sa kanya habang naglalakad. Pabor naman ako kung kahit saan kami kakain basta kasama ko siya. Truth to be told, ngayon ko lang makakasama si Kai kumain ng lunch. Actually, this is the first time na kaming dalawa 'yung magkasama ever since naging crush ko siya. It's been a year na rin simula nung maging crush ko siya.

Malapit lang sa school 'yung Milktea House na tinutukoy ni Kai kaya mabilis la kaming nakarating. Pagkapasok namin doon ay naramdaman ko kaagad ang lamig since ang daming aircons na nakasabit dito sa Milktea House na 'to.

"Ano 'yung iyo?" Tanong sa akin ni Kai while he's scanning the menu. Nakatingin lamang ako sa kanya dahil namangha ako sa side profile niya. Ang gwapo na niya kapag naka-front view tapos ang gwapo niya pa kapag naka-side view siya! Mas lalong nakikita 'yung tangos ng ilong niya! Tapos 'yung mata niya naman natatakpan ng kaunti dahil humahaba na 'yung bangs pero sobrang bagay talaga sa kanya na medyo mahaba 'yung buhok.

"Yuna."

Napabalik naman ako sa realidad ng mag-snap ng fingers si Kai sa harapan ng mukha ko upang ibalik ako sa sarili ko. Napangiti ako ng awkward dahil doon. Shit, nakita kaya ni Kai na parang halos nakanganga na ako kakatitig sa side profile niya? Gosh, huwag naman sana.

"A-Ano nga ulit 'yun?" Tanong ko ulit. Shit, bobo mo, Yuna! Sabing huwag mong papahiyain 'yang sarili mo sa harapan ni Kai eh!

"Anong order mo." Sagot niya sa akin.

"Ah, isang extra large salted caramel na milktea with 100 sugar level tapos one slice black forest." Hindi ko na kailangan tignan 'yung menu para hanapin kung ano 'yung order ko dahil kabisadong-kabisado ko na since dito kami lagi nagmi-milktea nila Yeji unnie kapag may pasok.

"Okay, hanap ka na lang ng table." Sabi niya at aalis na dapat siya kaso mabilis ko siyang pinigilan.

"Why?" Nagtataka niyang tanong.

Dinukot ko sa loob ng bulsa ng skirt ko 'yung wallet and naglabas ng pera. "Bayad natin."

Umiling lamang siya. "No need, this is my treat."

Nanlaki naman kaagad 'yung mata ko dahil sa sinabi niya. Wait. "Hala, no! 'Di ba kaya I invited you kasi ite-treat nga kita ng lunch—"

"No, hindi nakaka-gentleman kapag nagpapalibre 'yung lalake sa babae kaya this is my treat. No need to treat me because just like what I've said earlier, okay lang 'yung nangyare. Hindi naman ako nagka-amnesia or what, you're just paranoid." Sabi niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi tumango. Matapos no'n ay naglakad na siya papunta sa may counter at habang ako naman ay naghahanap ng table namin.

Kagat-kagat ko ang aking labi habang naglalakad papunta doon sa bakanteng table dahil sa kilig. Bwisit ka, Kai Kamal Huening! Bakit mo naman ako pinapakilig ng ganito? RIP sa puso ko.

Out of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon