033

541 31 6
                                    

033

Here

"Asan na ba si Ryujin? Ang kupad-kupad naman no'n maglakad." Naiiritang wika ni Lia unnie habang palingon-lingon sa loob ng gate ng school.

"Sus, alam niyo namang pandak si Ryujin-unnie syempre maikli legs kaya ang bagal maglakad." Sabi ni Chaeryeong-unnie at pabirong iginulong ang kanyang mata. Napatawa na lamang ako sa sinabi niya. Ang hilig talaga nitong asarin si Ryujin-unnie. Actually, sila ang mahilig mag-asaran sa amin. Ewan ko ba 'to sa dalawang 'yan, mas umaasal pa silang maknae kaysa sa akin.

"Manahimik na kayo andyan na 'yung pandak." Hindi ko alam kung anong ire-react ko nang sabihin iyon ni Yeji-unnie kaya naman natatawa na lamang akong umiling atsaka lumingon sa gate at nakita na namin ang pigura ni Ryujin-unnie na naglalakad na papunta dito.

But, she looks... irritated?

"Anong nangyare dyan sa mukha mo?" Nagtatakang tanong ni Yeji-unnie nang lumapit sa amin si Ryujin-unnie. Halos maging isa na lang 'yung kilay niya tapos sobrang clenched na clenched pa 'yung bagang niya. Oh my G?

"What happened, unnie?" I asked her.

"Mukha kang may babanatan any minute." Sabi rin ni Chaeryeong-unnie habang tinitignan si Ryujin-unnie. Dahil sa sinabi niyang iyon ay mabilis na umangat ang tingin niya sa amin habang iritado pa rin 'yung ekspresyon ng mukha niya.

"Oo, babanatan ko na talaga 'yang si Choi Yeonjun."

Halos lahat kaming apat ay nagulat dahil sa sinabi niya. Nanlaki naman ang aking mga mata nang sabihin iyon. C-Choi Yeonjun? 'Yung hyung ni Kai?

"W-What happened? Ano ba ginawa sa'yo?" Natatarantang tanong ni Chaeryeong-unnie.

"Sinaktan ka ba? Gusto mo bugbugin natin?" Maangas na tanong ni Yeji-unnie.

"Hindi." Simpleng sagot lang ni Ryujin-unnie kaya naman lalo kaming naguluhan. Ano ba 'tong si unnie ayaw pang sabihin kung ano!

"Eh, anong ginawa niya sa'yo?" Tanong ni Lia-unnie.

"Panay asar sa akin ng pandak daw ako sarap bugbugin."

Our jaw dropped.

"What?" 'Di makapaniwalang tanong ni Yeji-unnie.

"Pandak ka naman talaga eh." Sang-ayon ni Chaeryoung unnie kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Ryujin-unnie kaya naman nag-peace sign siya.

"Akala ko pa naman kung ano na," sabi ko at bumuntong hininga. Akala ko pa naman eh nag-away sila ng malala or may ginawang mali 'to si Yeonjun-oppa kay Ryujin-unnie kaya ganito na lang 'yung mukha niya pero hindi naman pala. Inaasar lang pala siyang pandak.

"Halika na nga. Gutom na ako tsaka ikaw Ryujin para matanggal na 'yang init ng ulo mo milktea na tayo." Yaya sa amin ni Lia-unnie atsaka siya naglakad patungo sa Milktea House. Sumunod naman kami sa kanya habang sila 'yung tatlo kung unnie nag-uusap sa likod; sila Chaeryoung-unnie, Yeji-unnie and Ryujin-unnie.

Tahimik lang kaming naglalakad ni Lia-unnie hanggang sa makarating na kami sa may Milktea House. Hindi pa kami nakakapapasok ni Lia-unnie dahil hinihintay namin 'yung tatlo dahil ang babagal nila maglakad.

Napairap na lamang si Lia-unnie dahil sa kabagalaan nila.

My eyes widened when I spotted Kai's figure inside the milktea house.

Oh my God. He's here?!

Out of loveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora