Chapter 9: Same babies

70 8 0
                                    

Zylex's P.O.V

Saturday

*KRING* *KRING* *KRING*

Narinig kong nag vibrate ang phone ko kaya agad akong napabangon para tingnan kung sino tong istorbo natoh! -_-

WHAT?! Bungad ko sa kabilang linya.

Tss pumunta ka dito ngayon babae, gagawin natin yung research.

Pagkatapos nitong magsalita ay agad ng binaba ang telepono niya. Tss napaka bossy ng taong yun ah tsaka inuutasan niya ba ako? Loko yun ah! Wait... Sino ba yun? Ang aga aga akala mo naman kung sino ang putcha.


TOK! TOK! TOK!


YAH ZYLEX KIM BANGON KANA JAN! bungad sakin ni Suzy. Ano bang kailangan sakin ng mga taong toh? Nasisiraan na ako sakanila! Wala na akong pahinga!!!

ANO BANG KAILANGAN MO?!

Hihihihi pinapatawag ka ng Kuya mo sa baba ^_^

Ginulo ko ang buhok ko saka hinagis yung phone ko sa kama ko sa sobrang inis! Hays!!! Dali dali akong pumunta sa banyo saka nag tooth brush at naghilamos. Di ko narin alam kung nasugatan ba gilagid ko neto basta ang alam ko naiinis ako! Agad narin akong naligo dahil alam ko na ang iuutos sakin ni Kuya. Papupuntahin niya ako dun sa lalaking yun tss...

Bat di nalang kasi dito sa bahay?! Ako pa talaga ang dapat mag adjust?! Ako ang babae tas ako pinapapunta niya sa bahay niya tsaka hello? Ako ang boss niya for pete's sake kaso hindi ganun ang tingin sakin ng putcha!

Buset naman! Kayang kaya ko nang gawin yun kaso wala akong time dahil tamad na tamad ako so wala nanaman akong choice kundi ang magpatulong sakanya. Andami rin kasing pinapagawa nina Hal Abeoji, gusto pa niya akong papuntahin sa Company namin. Ang gulo naman nila, anong gagawin ko dun? Tutunganga lang? hays


Agad na akong bumaba nang natapos na akong magbihis. Nadatnan kong nakaupo si Kuya Zyron sa sofa habang kumakain ng egg sandwich. 8am palang at nambubulabog na dito ang loko. Kita kong naka jogging pants pa siya at gray shirt. Tss anong pumasok sa kukote neto?

What the hell are you doing here Hyung? Dito ka pa talaga nag breakfast ah? Wika ko saka tumungo sa kusina at kumuha ng Delight milk sa fridge.


Tss nag jogging kami ng kaibigan mong yan sabay turo niya kay Suzy na may kausap sa phone.

Hayst, bat di mo sinabi sa lalaking yun na dito nalang namin gagawin yun pesteng research na yun?! >_<


Siya ang may gusto non Sis.


Naguguluhan na talaga ako! Minsan may oras na si kuya ang boss nila tas may time rin na yung gagong yun ang sinusunod nila. Ano ba talaga?!


Sabihin mo nga sakin Hyung, sino ba talaga ang nasusunod sa inyong dalawa??? Hah?! Para alam ko kung sino ang susundin ko! -_-


Ahahahaha myghad sister, alam mong ako ang mataas sakanya pero mas malakas siya kesa sakin so siya ang sundin mo ahahaha patawa tawa pa niyang sinabi. Tss walang kwenta....


Paano naman ako makakarating dun? E wala akong sasakyan and hindi ko alam ang bahay niya tss.. Uutusan ako e hindi ko alam ang bahay nila, di rin sakin sinabi ng loko kanina at di rin man lang tinext tss. Ano ako? Manghuhula? Tsaka pano naman niya nakuha number ko?



My Secret QueenWhere stories live. Discover now