Chapter 36: Ms. Sungit

50 5 2
                                    


Suzy’s P.O.V


I’m looking myself now in front of a mirror. I wonder paano natansya ng Kapre na yun ang katawan ko talagang bagay na bagay at kasyang kasya ko tong binili niyang dress sakin. Simple lang siya pero kitang kita ko ang kasexy-han ko. If I’m not mistaken, it’s one of the famous work of Sherri Hill. This Black dress showcases my sweetheart neckline with a cutout lace up back. The fitted skirt accentuates my curves perfectly. Napangiti nalang ako bigla habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin.



Babes! Let’s go! Rinig kong tawag sakin ni kapre mula sa first floor. Agad ko nang inayos ang sarili ko at kinuha ang pouch ko saka bumaba. Pinadala ni Kapre kay Butler Han ang dress kong ito at nagpadala narin siya ng mga make-up artist para ayusan ako. Kaya ko namang mag make-up pero syempre nagpa make-up nalang ako para naman di masayang yung effort niya ahaha.



Zyron’s P.O.V



Ang tagal naman ng babaeng yun. Mali-late na kami sa event hays. Di nagtagal ay nakarinig akong ng foot steps pababa ng hagdan kaya naman saktong pagkalingon ko ay nakuha na ng babaeng nasa harapan ko ang atensyon ko. She’s damn Beautiful. Ang sexy rin niya sa suot niya. Ang galing ko namang pumili, pumunta pa ako ng France kaninang madaling araw para lang ipagawa ang dress niyang yan kay Sherri Hill at sulit naman dahil ang ganda niya.



Tss what are you looking at? Tara na. Sambit niya nang makababa na siya at di ko namalayang nasa harapan ko na pala siya. Inayos ko ang suot ko at ipinuwesto ang kamay niya sa braso ko.


Let’s go. Sabi ko. Lihim akong napangiti dahil buti nalang at di niya tinanggal ang kamay niya. Masaya ako sa tuwing ganito ang status naming, di ko lang alam basta yun na yun.



Pinasakay ko na siya sa passenger seat at sumakay narin ako sa driver’s seat saka pinaharurot ang kotse sa Venue ng event.



Third Person’s P.O.V



You look stunning. Wika ni Zyron habang deretsong nakatingin sa daan at hindi rin maiwasan ni Suzy na mamula dahil sa sinabi ng binata. Hindi maipaliwanag ng dalaga ang nararamdaman niya sa tuwing sweet sakanya si Zyron. Hindi niya alam kung pinagloloko lang ba niya ito o kaya ay totoo talaga ang sinasabi nito. Pa-fall talaga ang isang toh bulong ni Suzy.


Alam niya kasing inaasar lang niya siya sa tuwing sinasabihan niya ito ng ‘Babes’. Masakit para sakanya na tanggapin na hindi totoo lahat ng sweetness na ipinakita sakanya ni Zyron dahil matagal na siyang may lihim na pagtingin rito. Pero kahit papaano ay umaasa siya na balang araw babalik rin sakanya ang pagtingin niya kay Zyron.



Makalipas ang labing limang minuto, nakarating narin sila sa isang hotel kung saan gaganapin ang Charity Ball na dadaluhan nila. Agad nakuha ng mga reporters at mga tao ang atensyon nila nang sila ay makababa mula sa sasakyan ng binate. Pareho silang sikat at kilala ng mga tao dahil sa taglay nilang charms at dahil narin sa dala dala nilang pangalan, isa ang pamilya nila sa pinaka sikat at pinaka mayayaman sa buong mundo kaya hindi na malabong pag usap usapan at pagkaguluhan sila.


Smile Babes bulong ni Zyron kay Suzy. Ngumiti sila sa harap ng camera ng mga media, they look like a real couple. Aasahan ni Zyron ang paglabas nilang dalawa sa balita dahil panigurado ay magkaka-issue sila pero hindi na nag aalala ang binata dahil sabik rin itong ipakita sa publiko.


Welcome Mr. Zyron Kim! Bati sakanila ng lalaking nasa mid-50s na. Naka-formal attire ito at halatang business man rin ito.


Good evening Mr. Gutierez bati naman ni Zyron sakanya. Napadako ang tingin ng lalaki sa babaeng kasama ni Zyron.


My Secret QueenWhere stories live. Discover now