Chapter Seven - A letter for Hilda

133 3 1
                                    

I want to dedicate this chapter to my mom, because everyday should be a day thanking you.

I love you, My Hilda

Mama. Isang salita na hindi matutumbasan ng kahit na ano. Isang salita na hinding hindi kayang higitan ng kahit na sino.

In my thoughts, hindi ako naging perfect daughter to you.

Ang dami kong nasabing masasakit na salita dahil lang akala ko sa sarili ko na tama yung pinagsasabi ko. Ang dami kong nagawa na nakasama ng loob mo just because akala ko kaya ko na. Hingin ko man ang kapatawaran mo, hindi sapat yun sa oras na ginugol mo para buhayin ako. Hindi sapat ang pagsabi ko ng salamat, sa hirap at pagod na tiniis mo para mapakain at mabihisan ako. Hindi sapat ang libo libong "I love you" ko, para sa walang kapalit na pagmamahal mo sa akin.

Hindi ka lang isang tao na nakasanayan kong mahalin dahil ikaw ang naging ina ko. Hindi ka lang isang indibidwal na nakasanayan kong pasalamatan dahil sa walang sawa mong pagmamahal sa akin. Hindi ka lang isang babae na nakasanayan kong respetuhin dahil sa pinapakita mong lakas ng loob at katapangan sa pagharap mo sa lahat ng hamon sa buhay mo. Ikaw si Hilda. Ang taong mamahalin ko habang buhay dahil sa tiwala at pagmamahal mo sa Diyos na kahit gaano kahirap ang mga nangyayari, hindi mo nakuhang bitawan ang pananampalataya mo sa Kanya.

Yan si Hilda ko.
Hilda for President. HAHAHAHAHA I love you Ma!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What's My Purpose?Where stories live. Discover now