Kabanata III

33.5K 902 113
                                    

"I hate the pain I feel in my heart."

NAKATITIG ako sa salamin. I'm staring at myself. Ako pa ba 'to? Do I look like I'm happy even when I smile? Bakit hindi ko na maramdamang masaya ako kahit nakangiti ako? Bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko?

Simpleng dress lang ang isinuot ko. Hindi sa kailangan kong paghandaan ang dinner kasama ang pamilya ko at pamilya ni Van Angelo but still, I want to look decent in front of them.

Ilang beses nang tumawag si Tim pero ni isa hindi ko sinagot. Hangga't hindi ko pa nagagawan ng paraan ang nangyayari ngayon sa buhay ko, hindi ko pa siya kayang kausapin. I don't want him to worry pero ayoko rin naman siyang saktan kapag nalaman niya ang sitwasyon ko. Nasaktuhan lanh din talaga na one week siyang wala.

I still believe na makakagawa ako ng paraan para hindi makulong ang pamilya ko. I don't need to marry him. I hate him to death.

Huminga ako ng malalim saka dinampot ang simpleng sling bag ko at susi ng kotse ko. Lumabas na ako ng condo ko diretso sa parking area sa baba.

Pagkasakay ko ay agad akong nagmaneho.

Halos ilang beses ko nang nire-rehearse sa isip ko ang mga sasabihin ko sa harap nilang lahat mamaya. I don't want to show them that I am weak. Gusto kong makita nila na desidido akong magawan ng paraan ang nagawa ng pamilya ko without marrying their damn son.

Nakakainis lang dahil kahit ilang beses na nating inulit ulit sa isip natin ang sasabihin natin, biglang parang mawawalang parang bula kapag ilalabas mo na sya sa bibig mo. No, I needed to do everything.

Who are they to ruin my life? Who are they to try to fucking decide with my own life?

Hindi ko namalayang nakarating na ako sa village na 'to. Kilala naman ng guard ng village ang kotse ko dahil taga rito ako. It's just that, hindi na ako umuuwi dito.

Ipinarada ko ang kotse ko sa tabing kalsada saka bumaba. Naglakad ako papasok sa gate. Agad naman akong ipinagbukasng guard house.

Nang makapasok ako ay diretso ako pumasok sa loob. Isanh katulong ang sumalubong sa akin.

"This way, Miss Sunny."

Kilala na nila ako, gano'n? So maybe they are all here waiting for me to arrive. Hindi sa nagpapa-importante ako pero sa tingin ba nila, mae-excite ako na pumunta rito? Kung hindi ko lang kailangan na magmakaawa kay Mr. Ynarez, hindi ako sisipot ngayon.

Bumungad sa akin ang malawak na hapag kainan. The people there are looking at me.

My parents, my brother and sister, Mr. and Mrs. Ynarez and Van Angelo who's now staring at me.

Napahigpit ang hawak ko sa sling bag ko. Pinalakas ko ang loob ko. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanila na mahina ako. Gusto kong ipakita ang tibay ng loob ko─na hindi ako sunud sunuran sa pamilya ko─na may sarili akong desisyon at paninindigan.

"Sunny, iha, sit down." Sabi ni Mrs. Ynarez.

Tumikhim ako saka ngumiti. Saka ako umupo sa tabi ng Ate ko. She's glaring at me─sila pa ang galit? They don't know how much I hate them for doing this to me.

"Now, let's start this conversation while eating? Nagpahanda kaki ng ilang putahe. Enjoy the foods." Sabi ni Mrs. Ynarez.

"When is the wedding?" Nangibabaw ang boses ni Mr. Ynarez. "Van, do you have your dates?"

"We haven't talk about the date, Dad. We'll let you know after this meeting." Sagot ni Van Angelo.

Sure na sure na sila na papayag ako sa kasal na gusto nila? How dare them.

Love's Debt (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon