Kabanata VI

26.5K 736 149
                                    

"Can I skip being sad and just be happy?"

HALOS maghapon akong nakatitig sa kawalan. Umalis si Van Angelo. He told me he needs to go to his work─sa company siguro nila. And I told him I don't mind.

Gusto ko talagang iparamdam sa kaniya na wala akong pakialam sa kaniya at hinding hindi mangyayari iyong gusto niya na um-akto kaming totoong mag-asawa. Sa papel lang iyon.

Bagot na bagot ako dahil iyong phone ko, nasa kaniya pa rin. I really hate him for controlling my life. Sukdulan na ang galit ko sa kaniya. I hate him to death at lalo pa iyong nadadagdagan. Sabi niya, bibigyan niya ako ng new phone pag-uwi niya. Para saan pa? I need Tim's cellphone number. Pero kung iisipin, may facebook naman. I can just contact him through that.

Naiisip ko nga na maglayas, tumakas o ano pa man makalayo lang kay Van Angelo pero alam na yata niyang balak kong gawin iyon kaya may mga bodyguards na nakabantay sa labas ng bahay na 'to. Pakiramdam ko bilanggo ako. Hindi nga nakulong ang pamilya pero parang ako naman ang nakulong. Nakulong sa taong kinasusuklaman ko.

Huminga ako ng malalim.

"Mrs. Ynarez, ano po ang gusto niyong dinner? Magluluto po ba ako o gusto niyong magpa-deliver? May mga number po ako ng mga sikat na restaurants─"

"I'll cook." Sabi ko. Sa sobrang bored ko, siguro malilibang ako kapag nagluto ako.

Kaninang umaga ay dumating si Manang Fe. Siya ang makakasama ko rito sa bahay. Nasa fifties na siya at mukhang mabait naman siya. Isa raw ito sa pinagkakatiwalaan ng pamilya Ynarez sabi ni Van Angelo.

"Pero, Mrs. Ynarez, kabilin-bilinan ni Sir Van, huwag na huwag kang hahayaang mapagod."

Hindi ko alam kung magpo-pokerface ako. Abnormal ma ba talaga 'yang si Van Angelo?! Ginagawa niya akong lumpo.

"I want to cook, Manang Fe."

Ngumiti siya. "Kung iyon po ang gusto niyo. Kumpleto po sa mga ingredients ang ref."

"Thank you. Pero... can I ask a favor?"

"Ano po 'yon, Mrs. Ynarez?"

"Can you stop calling me that? Pwede na sa akin ang Sunny."

"Naku, hindi po pwede. Kailangan ko kayong igalang dahil katiwala ako dito."

Umiling ako. "You're older than me, and besides mas gusto kong tinatawag ako sa pangalan ko."

"Pero─"

"Ako ang bahala kay Van Angelo."

Para pa siyang nag-isip. "Kung ganoon, Miss Sunny nalang po."

"Okay, Manang Fe. Ako na po ang bahala sa kitchen. Gusto kong mapag-isa."

Tumango lamang siya. Pumunta ako sa kitchen. Ayoko kasing may manonood or mag-a-assist sa akin sa pagluluto. Hilig ko ito dahil nabuhay akong mag-isa. I cook for my own food hanggang sa naging hobby ko na rin siya.

Malaki ang kitchen. Napakalinis at minimalist style. Mukhang ganito ang stye ni Van.

Nagtingin tingin ako ng mga pwedeng lutuin. Sa dami ng laman ng ref, hindi tuloy ako makapag-decide.

Iniisip ko rin kung bibigyan ko ba si Van Angelo ng lulutuin ko. Huwag nalang kaya? Pero naisip ko, sa kaniya pala lahat ng 'to. Pera niya ang mga ipinambili ng mga laman ng ref so... fine, I need to give him some.

NAKAUPO ako sa dining table nang dumating si Van Angelo. He's walking towards me habang tinatanggal ang necktie niya.

Love's Debt (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon