CHAPTER 1(SILENT CRYING)

851 17 0
                                    


"MOM, I think we should gave her up!"Ani ni Mitchel sa ina nila na panay ang punas ng kamay ni Ayumi. Naroon siya ng sabihin ng doctor na baka hindi na siya gumising pa. Which make her so sad. Ayaw pa niyang mamatay. Marami pa siyang plano sa buhay. Napakarami pa sana niyang pangarap.

"Gave her up? Mitchel alam mo ba ang sinasabi mo, gusto mong mamatay na ang kapatid mo. Tatlong araw pa lang siyang walang malay tao." Pasigaw na saad nito.

"Mom, narinig mo naman ang sinabi ng doctor right? Mas lalo lang siyang mahihirapan. She's almost brain dead. Pinapaasa lang tayo ng doctor! "

"No, ate please don't say that, mabubuhay pa ako lalaban ako."Singit niya kahit alam niyang hindi naman siya maririnig ng mga ito.

"I can let her die, Mitchel. Hindi maaring mamatay si Ayumi." Tuluyan nang napahagulgol ang mama niya, na hindi niya kinaya.

"Bakit ka ganyan, bakit gusto mong isuko ako agad!" Nagtatampong tanong niya sa kapatid. Pero kahit maglupasay pa siya alam niyang walang saysay iyon. Noon siya nagpasyang lumabas.

"Happy now? Masaya ka ba talagang makita ang sarili mo sa ganyang kalagayan?" Salubong na taong sa kanya ni Zach, ang masungit niyang sundo---or whatever he is. "Masokista ka siguro ano?"

"Alam mo ang sama ng ugali mo, wala ka man lang bang alam sa salitang sympathy."Nakasimangot na saad nito. "I want to live, anong dapat kung gawin?" Puno ng determinasyon ang mga mata niyang nakatitig dito, pansin siya ang pag-iwas nito.

"I'm not God to answer that. It was you who wish to die, kaya humiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo kahit pa hindi mo pa oras. Maaring bumigay ang katawan mo kapag itinigil nila ang life support sa katawan mo, and that will make you a wandering soul. By then maari ka nang makapasok sa hangganan, pero mananatili ka roon hanggang sa takdang panahon." Mabang paliwanag nito. Hindi niya alam kung bakit parang napakasungit ng lalaking ito. Pero mula ng magising siyang wala sa katawan niya ay hindi na ito umalis sa tabi niya. Pero hindi naman nito masagot ang tanong niya kung mamatay ba siya o hindi. Pero ang gumugulo sa isip niya, ay ang sinabi nitong she did wish her death.

"Umalis na tayo dito?" Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Iyon nang napagkasunduan nila ang manatili sila sa hospital ng ilang araw. Akala niya ay napapayag niya ito dahil naawa ito sa kanya, iyon pala ay may ilang kaluluwa itong susunduin kaya ito pumayag na manatili doon.

"San ba tayo pupunta?"

"Sumonod ka lang, pero huwag mo akong kakausapin. Hanggang wala tayo sa bahay? Bawal kang magsalita o mag-ingay!" Mando nito. Para naman tuloy siyang batang sumunod na lang dito. Pero ikinagulat niya ng sumakay sila sa isang midnight blue na kotse na nakaparada sa parking ng hospital. At ang mas ipinagtaka niya ay ng iwasan ito ng isang lalaking kasalubong nila kanina. At tumango pa dito ang lalaki. Pero ng sinalubong niya ito. Tumagos lang sa kanya ang lalaki. Mabilis siyang sumakay sa kotse ng sumenyas ito.

"I don't understand, nakita ka ba ng lalaking iyon?" Pero hindi ito sumagot. Nagdrive lang ito, at huminto para magbayad ng parking fee.

Hanggag sa makarating sila sa isang malaking bahay na may mataas na bakod ay hindi ito nagsalita pa.

Iginala niya ang mata sa paligid. Mas malaki pa ang bahay nito sa mansion nila sa. At napakaraming iba't ibang klase ng orchids at halaman ang nakatamin sa bakuran nito. May dalawang babaing naka-uniforme pa ang sumalubong dito saka ito binati sa may pinto. Sinabi ng may edad na babae na naghihintay ang ina nito sa Entertaiment room. Malawak ang salas ng bahay nito.

Zach Half Blood (The Fallen Angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon