PART 1.3 (Chapter 3)

520 12 0
                                    

Samantala

TAHIMIK na nakatitig si Zach sa dalawang babaing naroon sa gitna ng hallway. Gusto niyang mailing dahil sa ginagawa ni Ayumi. Mabuti na lang at walang taong dumadaan sa bahaging iyon. Dahil kung hindi iisipin ng mga ito na may deprensya ito sa pag-iisip. Iyon ay dahil ito lang ang naroon sa bahaging iyon at nakaluhod sa sahig habang inaalo ang umiiyak na si Sabina. Maliban sa mga kaluluwang nagkalat sa hallway.

Nagsimula nang magliwanag ang katawan ng teenager, sa kulay ng kaluluwa nito. At ang kulay na iyon ay naghahangad ng hustisya. Kung ganun, hindi lang isang aksedinte ang nangyari sa mga ito. Dahil hindi naman sana dapat mamatay ito kung isang natural na aksidente lang ang lahat. May tao sa likod ng kamatayan nito.

Nakadama siya ng awa para dito, pero ano bang magagawa niya. Wala siyang karapatang maki-alam bilang isang soul collector.

Pero ang ipinagtataka niya, bakit sa kaluluwa ni Ayumi lumapit ang tatlo. Hindi ba dapat sa taong pumatay dito? Natigilan siya.

"No!" Tutol niya, hindi niya nakita sa nakaraan nito ang bagay na iyon. O baka hindi iyon dapat ipakita sa kanya. Parang biglang lumakas ang pitik ng pulso niya dahil doon.

"Ayumi, "tawag niya dito na ikinalingun nito sa kanya. Kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito, na parang umabot sa puso niya. Gusto niyang mainis dahil sa awang nararamdam niya para dito. Walang salitang naglakad siya palapit dito. At hinila ito. Sumunod rin dito si Sabina. "Nag-iisip ka ba, gusto mo bang isipin mga tao na baliw na dahil sa ginagawa mo." Sermon niya dito.

"Isipin ko pa ba 'yon, hindi mo ba nakitang naiwan dito si Sabina. And she's so helpless." Paliwanag nito habang hila niya ito. Then he took her directly to her private room.

"Makinig ka, " aniya dito, pero binalingan niya si Sabina. "Multo siya at ikaw nasa katawan mo ang kaluluwa mo. So meaning hindi ka puweding umasta na parang baliw dahil lang nakikipag-usap ka sa multong hindi nakikita ng mga tao sa paligid mo. " Naiiling na paliwanag niya sa mga ito. " At ikaw naman---"baling niya kay Sabina. Gusto niyang sabihin na umalis na lang ito, pero piniligilan niya ang sarili. Dahil alam niyang hindi maari iyon.

"Just wait!"

"Wait saan?" Tanong nito.

"I don't know. Basta may soul Collector na darating para sa'yo."

Naging masaya si Ayumi ng sabihin ng Doctor na maari na itong lumabas, pero pinag-iingat pa rin ito. Ayon dito hindi nawala ang namuong dugo sa bahaging iyon ng utak niya. Pero dahil hindi maaring operahan dahil critical ang posisyon ng dugo sa utak niya. Binigyan lang ito ng gamot na maaring tumunaw sa namuong dugo. Sinabihan rin nito ang dalaga na huwag baliwalaain nang anumang masakit sa ulo nito.

"You're not driving your car anymore okay." Ang ama nito na dumating rin sa araw na iyon. "I'm so glad your safe. " Masayang saad nito saka niyakap ang anak. Hanggang sa nagpaalam ang mga magulang ni Ayumi., upang ayusin ang bill ng hospital.

"Iiwan rin kita dito. May kailangan akong gawin." Paalam niya Ayumi. Puwede naman kasi siyang umalis na lang basta pero hindi niya alam kung bakit nagpapaalam pa siya dito. Ngumiti pa ito sa kanya ng ubod tamis. Dahilan upang mapangiti rin siya dito.

"Wow, marunong ka palang ngumiti. " Napapantastikuhang saad nito. "At ang guwapo mo sa ngiting iyon."

"Your out of your mind." Iyon lang at iniwan na niya ito. Ayaw sana niyang pansinin ang pang-aasar nito pero hindi niya maiwasang mapangiti na lang.

Zach Half Blood (The Fallen Angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon