PART 2.3 (Chapter 3)

441 14 0
                                    


KINABUKASAN, maagang umalis ng bahay si Ayumi, nagising siyang wala si Sabina sa paligid niya kaya. Nag-ayos siya para dalawin ang boyfriend niya, naghanda siya ng pagkain para dito. At kailangan rin niyang magtungo sa office niya. She drive on her own kagaya ng nakagawinaan niya. Mabuti na lang at tulog pa ang ama niya kaya nakapaGmaneho siya. Isang oras rin ang ginugol niya sa biyahe.

Pero hindi niya inaasahang nakasalubong niya ang kapatid niya ng magbukas ang elevator ng basement. Halatang nagulat pa ito ng makita siya.

"What are you doing here, ate?"Kuryos na tanong niya dito. Pansin niya ang pagkailang nito bago tumuwid ng tayo.

"Ah well, my company wanted to buy this property, since alam mo na---"nagkibit balikta pa ito. "Actually mukhang hindi natuwa si Danny sa proposal."Dagdag pa nito saka nag-iwas ng tingin. "Don't get me wrong I am just doing my job." Anito saka sinabing nagmamadali raw itong bumalik sa office. Kaya hinayaan na lang niya ang kapatid.

Pagpasok niya sa office ni Danny, pansin niyang hindi na ito nasurpresa ng dumating siya, saka nito tinapos ang pakikipag-usap sa kausap nito sa telepono nito. Then hid the phone to the small drawer of his table.

Sa halos dalawang taong relasyon nila ni Danny, never niyang nagawang buksan ang cellphone nito. Naniniwala kasi siya sa privacy, at dapat nagtitiwala siya sa taong pinagkakatiwalaan ng puso niya. Pero sa sandaling iyon parang may nag-uudyok sa kanya tingnan ang cellphone nito, pero nakahiyaan na rin lang niya. Inilapag niya sa lamesa nito lunch box na dala niya para dito.

"Hindi ba dapat nasa bahay ka at nagpapahinga, you just went out from the hospital." Nasa tinig nito ang concern.

"Anu ka ba, alam mo na mang hindi ako sanay magkulong sa bahay. Beside I just missed you. Hindi ka na tumawag kagabi. " Kunwa'y tampo niya dito. Kaagad naman itong tumayo at hinila siya patungo sa sofang naroon. Saka siya niyakap ng mahigpit. Then lean his head on her shoulder.

"I'm sorry sobrang busy lang ako pero don't worry makakabawi rin ako sa'yo when I'm done with all my troubles. Nagpromise si Mama na siya na daw ang bahala sa wedding preparation." Napangiti siya. Ang totoo, halos ang araw na lang ng kasal nila ng hinihintay. Because everything was all set. Ang Mama niya at ina nito ang punong abala para sa preparation.

"Teka, I haven't seen our engagement ring?" Noon siya napatingin sa kamay niya. Hindi niya naalalang ibinalik sa kanya ang singsing. Baka naitabi ng ina niya o ng kapatid niya.

"Oo nga, hindi ko napansin na wala ang singsing sa kamay mo. Baka naitabi ni Mama." Aniya saka hinalikan ito sa pisngi.

"Babe, wala ka bang maalala kung paano ka naaksidente? Or anything happened before the accident?"Kuryos na tanong nito. Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang parehong tanong na iyon ng kapatid niya sa isip niya.

"Bakit mo naitanong 'yan? Ganyan rin ang taong sa akin ng kapatid ko sa hospital?"

"Ah wala, naisip ko lang, ikaw ang taong kilala ko na sobrang maingat magdrive. But accident happened, ang mahalaga ligtas ka at maayos para mayakap kita ng ganito." Nakayakap siya dito ng maagaw ang atensyon niya ng kung ano. Napamulat siya at napatitig sa direksyon na iyon. Nagulat siya sa nakita, o mas tamang sabihing natakot siya. Isang babaing nakaitim ang naroon sa opisina ni Danny, the woman black soul was radiating. At galit ang nakikita niya sa mga mata nito. Gusto niyang balewalaain iyon, pero bigla na lang kasing bilis ng hangin nasaharap na niya ito, scaring her soul out of her.

"Oh my god!" Bulalas niya saka naitulak palayo si Danny. Nanginig siya sa takot ng halos idikit ng babae ang mukha nito sa kanya. Then she keeps saying something.

"Papatayin ka rin niya." Iyon ang sinabi nito. Sigurado siya doon. Bago ito biglang naglaho sa hangin dahil hinila ito ni Zach na bigla na lang dumating doon.

"Are you okay!" Nalilitong tanong ni Danny na hinawakan pa ang kamay niya. Hindi niya napigilang mapatitig dito. At hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng black lady na iyon. Ang nakakatakot na titig nito ay nagpanginig sa katawan niya. "Your shaking!" Anang nito saka kinuskos pa ang kamay niya.

"What was that?" Hindi niya mapigilang itanong kay Zach na noo'y nakatayo sa likod ni Danny. Pero hindi ito nagsalita.

"Bakit?" Worried na tanong ni Danny. Napa-iling na lang siya. " Is your head aching." Sinapo nito ang mukha niya. Saka muli siyang niyakap. Umiling lang siya bilang sagot. Kitang kita niya ang pagsalubong ng kilay ni Zach saka bigla na lang itong nawala.

Hindi naman nagtagal ay nagpaalam siya kay Danny. Ayaw pa siya nitong paalisin, dahil nag-aalala ito sa kanya. Pero sinabi niyang okay na siya. Hindi naman siya nito napilit na ihatid siya. Nagbilin pa ito na tawagan siya kapag naka-uwi na siya.

Nadatnan niya sa basement si Zach, naghihitay sa labas ng kotse niya. Mabilis siyang sumakay sa kotse at ganun rin ito. At ng nasa loob na ito, he was in his flesh. Believe talaga siya sa kakayahan nitong maglaho na lang at muling magpakita sa kanya in his normal human form.

"Why there's a black soul in my boyfriends office?" Nahihintakutang tanong niya dito. "At sinabi niya papatayin rin ako. " Kinuskos niya ang braso niya. she's having a ghost bumps just thinking of the black soul.

"She's died with so much hatered, kaya itim ang bumabalot sa kaluluwa niya. At hindi siya nakakatawid sa lagusan hanggang hindi nawawala ang matinding galit sa puso niya. Kahit ang mga tulad naming soul collector ay walang magagawa para sa kanya." Paliwanag nito. "Teka nasaktan ka ba?" Tanong nitong nilingon pa siya. "I'm sorry kung natakot ka. You should have just called me sooner." Dagdag pa nito.

"Hindi kita tinawag?" Depensa niya.

"Eh bakit ako nasa tabi mo ako ngayon. You called for me even without you knowing it, dahil kung hindi. Hindi ko malalaman kung nasaan ka. In a times like that, just say my name." Anito na bahagyang ngumiti.

May kung anong init na humaplos sa puso ni Ayumi dahil sa ngiting iyon ni Zach. Baka nga tama ito. Pero sa kahit ano pang dahilan malaki ang pasalamat niya na dumating ito, ayaw naman niyang mga freak out habang nasa harap niya si Danny. Hindi naman niya maaring sabihin ditong may black soul siyang nakita kaya siya natatakot. Baka mapagkamalam pa siya nitong baliw.

"Thank you!" Biglang nasabi niya dito. Hindi  alam ni Ayumi kung para saan 'yon.  Pero ang pagdating nito sa ganung pagkakataon ay nagbibigay ng assurance sa kanya  na safe siya kapag nasa tabi niya  si Zach. Pero wala siyang narinig na sagot mula dito.

Zach Half Blood (The Fallen Angel)Where stories live. Discover now