Espiritu (finale)

5.5K 193 15
                                    

Ang salaysay ni Miguel:

Hawak ko pa rin ang ulo ko, pakiramdam ko ay malalaglag iyon kapag di ko hinawakan. Hinawi ko ang kurtina ng silid ko...pupunta ako ng kusina para kumuha ng tubig. Di ako makahinga ng maayos dahil sa takot.

Papunta na ako sa kusina, madilim pa rin. Binuksan ko ang ilaw... Nakatingala ako na hinintay ang pagsindi ng flourescent...Hindi sumindi... Naisip ko na malamang eh napundi na naman... Nang ibaba ko ang tingin ko ay lalo akong di nakahinga... nakita ko na dumaan ang sarili ko sa may gilid ko!!..... di ko na kinaya.. sumigaw na ako ng malakas.

"Miguel!..Miguel!", narinig kong tawag sa akin ng nanay. Dumilat ako, "nananaginip ka anak", sabi niya....nang luminga ako sa may pintuan ng silid ko ay nakita kong may mga babae pa siyang kasama. May mga hawak na rosaryo ang mga ito.

Next story Bintana

The Untold Real Stories 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang