Espiritu
Pahayag ni Miguel…
Hindi ko mapaniwalaan na nangyari sa akin ang isang napaka lagim na bangungot na yun. Nang magising ako ay hapon pa lang. Maliwanag ang loob at labas ng aming bahay.
Gaya ng payo ng tatay ni Aling Lydia ay nagpadasal pala ang nanay ko. Nasa kalagitnaan sila ng pag rorosaryo ng marinig nilang umuungol ako. Nung una ay di daw nila pansin ang ungol pero ng lumakas na ay natukoy na nilang sa silid ko ito nangagaling.
Napaigtad ang nanay ng maalala niyang rest day ko nga pala at natutulog pa ako.
Nang mapasukan ako ng nanay sa loob ng silid ko ay unat na unat daw ako at naninigas ang panga ko.
Ang akala niya ay inaatake ako gayong wala naman akong highblood o sakit sa puso. Kaya pilit niya akong ginising. Nakailang yugyog pa raw siya sa akin bago ako nagising.
Nang mahimasmasan na ako ay sumali na ako sa mga nagdadasal. Habang nagdadasal ang mga kasama ng nanay ko ay palinga linga ako.
''Gising na ba talaga ako, o panaginip pa rin ito?'', tanong ko sa sarili ko.
Hinanap ng mata ko ang kamukha ko. Baka kasi makita ko na naman. Napailing ako sa naisip kong ganun.
"Para akong baliw nito eh" , bulong ko sa sarili. Nang mapatingin ako sa may gate namin ay nakita kong nakatayo doon ang tatay ni Aling Lydia.
Nakatingin siya sa akin kaya nakaramdam na naman ako ng takot. Iniwas ko ang tingin ko at nagdasal ako ng nakapikit.
![](https://img.wattpad.com/cover/26448209-288-k1287.jpg)
YOU ARE READING
The Untold Real Stories 2
HorrorAng mga kwento na inyong matutunghayan ay base sa tunay na karanasan ng mga taong nasasangkot. Sama-sama nating buksan ang nakapinid na pintuan ng kanilang kasaysayan...... Espiritu Guni-guni o isang katotohanang mahirap ipaliwanag? Alamin ang kwent...