Bintana (7)

4.3K 155 0
                                    

Ang salaysay ni Rannie:

Mag uumaga na ng mapagod ako… umiinom ako ng maligamgam na gatas na dinala ni ate. Ganun ang ate ko kapag puyatan ang trabaho ko. Kaya siguro nakakatagal ang bayaw ko sa pagiging nagger niya, bukod sa maganda at sexy ay may pagka thoughtful din siya.

May pumaradang malaking close van sa dating bahay nila Margaret. May ibinababang mga furnitures ang mga nagbubuhat.

"May bagong kapitbahay na pala kami.", nasabi ko sa sarili. Nang makaramdan ako ng antok ay nahiga na ako. Di ko na namalayan ang nagaganap sa paligid ko pagkatapos.

Nang magising ako ay pahapon na. Nag exercise muna ako sandali. Nang pawisan na ay bumaba na ako sa kusina. Wala si ate, siguro ay nagto tong-its sa kapitbahay. Kumain ako at pagkatapos ay naligo na. Bago ako maupo sa mesa ko ay sumilip muna ako sa bintana. Nakasanayan ko na kasi ang ganun habang nagkakape.

Kita ang mga tao sa loob ng bahay ng bago naming kapitbahay. Ang kurtina ng bintana ay nakatali sa magkabilang gilid. Dati kasi ay nakalugay ang makapal na kurtina nila margaret kaya nakikita ko lang ito kapag nagpapahangin sa terrace o kaya ay nasa garden.

Napansin kong may tatlong batang puro lalake. Magkakasunod lang ang laki ng mga ito. Malamang ay magkakapatid dahil magkakamuka. Isang matangkad na lalaki, siguro ay tatay ng mga bata at may dalawang babae. Asawa siguro yung isa na maganda manamit at baka kasambahay yung isa pa..

Umalis na ako sa tabi ng bintana ng maubos ang iniinom kong kape at nag umpisa na ako magtrabaho..

The Untold Real Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon