December 22, 2019 [5]

831 42 9
                                    

"Sige, banat pa more, Pipoy!" sabi niya. Napahinto ako sa pagngiti.

"Ay, 'di kinilig?" tanong ko sa kanya. Grabe kasi 'yong reaksiyon niya, akala ko pa naman kikiligin siya, hindi naman pala. Ako lang pala 'yong kinilig, akala ko gano'n din siya pero hindi pala.

"Ba't kikiligin? Char! S'yempre napangiti mo 'ko," sagot niya. Hanep, dayari, sobrang tuwa ko no'ng pagkatapos niyang sabihin 'yon. Napangiti ko na naman siya! Sobrang saya ko kapag napapasaya ko siya.

"Mau, alam mo naman 'di ba? Ay, ako lang pala," pagbabago ko sa usapan. Medyo naging seryoso ang tono ng pananalita ko.

"Na ano?" tanong naman niya na parang interesado sa sasabihin ko. Sa bagay, lagi naman siyang interesado sa mga kinukwento ko. Siya 'yong tipo ng babae na handang makinig sa mga sasabihin ko, mapakwento man tungkol sa buhay ko, sa mga kalokohan ko, mapa-problema man o hindi, handa siyang pakinggan ako at bigyan ako ng magagandang payo sa kung anong dapat kong gawin, para sa ikabubuti ng kalagayan ko.

"Na crush kita..." sabi ko nang walang alinlangan.

"Huh?" medyo gulat niyang tugon pero alam ko naman na alam niya na. Kunwari nagulat lang siya, hay, mga babae talaga.

"Oo. Dati, kasi ngayon gusto na kita..." muli kong saad dahilan para matahimik siya ng ilang segundo. Nabigla kaya siya sa sinabi ko? Galit kaya siya sa sinabi kong 'yon? Sana naman hindi.

"So, hindi lang basta banat 'yong kanina?" tanong niya. Sa wakas nagsalita rin siya. Akala ko magagalit siya.

"Hindi ngunit lagi akong nagbibiro, biro na lahat ng sasabihin ko." Napabuntong-hininga na lang ako matapos sabihin 'yon.

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Where stories live. Discover now