December 22, 2019 [9]

1.1K 56 14
                                    

Swerte ko naman at nakita ko siya sa harap ng locker niya. Pagkatapos niyang ilagay ang mga gamit niya sa locker, nakita niya ako noong paalis na siya. Pero nilampasan niya lang ako no'n. S'yempre ako ang ginawa ko hinabol ko siya.

"Maureen, what's wrong? Tell me," sabi kong ganyan kasi baka ayaw niya ng Tagalog e, baka lalo pa siyang magalit kapag 'di ko siya inenglish do'n kasi kami nag-away bago niya patayin 'yong call.

"Alam mo, nakakainis ka, Pipoy!" sabi niya sa 'kin. Inirapan niya lang ako. S'yempre, kinilig ako no'n dayari kahit inirapan niya ako. Ikaw ba naman mairapan ng taong gusto mo, bakit 'di ka kikiligin 'di ba? 'Di naman ako manhid, malandi, oo, saka maharot. Charot!

"Sorry, sorry kung nagalit ka dahil 'thanks' lang ang nasabi ko, hindi ko kasi alam ang isasagot ko..." sabi ko sa kanya saka ako napayuko.

"Pano'ng hindi?" tanong niya sa 'kin dahilan para itaas kong muli ang ulo ko para makita siya sa magiging reaksyon niya sa sasabihin ko.

"Hindi ko alam... dahil hindi ko maintindihan! Sensiya na, nose blooding ako sa English mo!" sagot ko. Hindi na 'ko nagsinungaling pa. 'Di ko kayang magsinungaling sa kanya.

"Seryoso?" tanong niya na parang 'di naniniwala.

"Oo," sagot ko at mukhang nakumbinsi ko naman siya para maniwala sa sinasabi ko.

"Hays, akala ko pa naman trip trip lang mga sinabi mo kaya nasaktan ako kasi akala ko 'di ka seryoso," sabi niya habang nakatingin sa mga mata kaya naman 'di ko maiwasang mapatingin na rin sa mga mata niya.

"Seryoso ako, hindi porke't joker ako, 'di na ako magseseryoso. May isa lang akong request," sagot ko ng diretso sa kanyang mga mata.

"Ano?" tanong niya at hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"P'wede bang pakiulit 'yong sinabi mo kagabi pero tagalog? Sorry, bobo ko," sabi ko at napayuko ako. Nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako sa sinabi ko. I think don't deserve her. Siya may pinag-aralan, ako wala. Siya matalino, ako bobo. Siya mayaman, ako hamak na mahirap, janitor.

"Sshh, don't say that. Pipoy, hindi ka bobo. Walang taong bobo, mapanghusga marami. At 'wag kang makikinig sa sasabihin nila dahil kamahal-mahal ka pa rin kahit gan'yan ka, mabuti kang tao at may malaki kang ano... puso," aniya dahilan upang lumakas ang tibok ng puso ko. Siya na talaga ang babaeng gusto ko. Pinapalakas niya ang loob ko tuwing pinanghihinaan ako.

"So ano, nga 'yong sinabi mo kagabi?" tanong ko dahil naeexcite na rin ako sa sasabihin niya.

"Sabi ko, gusto rin kita at may pag-asang mahalin kita," sabi niya pero may pagdududa pa rin sa 'kin kasi shet nakakabigla 'yong sinabi niya.

"Talaga? Bakit parang ang haba ng english mo kagabi?" sabi ko. Para kong ewan, ba't ko pa tinanong. Shet! Totoo ba kasi?

"Ayan ka na naman, hmp!" sabi niya tapos inirapan niya na naman ako. BWIKWIKWIK~

"Oh, sorry na... totoo?" tanong ko pa ulit. Gusto ko makasigurado ako.

"'Di 'wag ka maniwala, bye na nga!" sabi niya tapos umirap na naman saka tumalikod pero hinabol ko siya at nagpunta ko sa harap niya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

"Uy, ito naman, e... Thanks!" sabi ko. Ngayon pa lang pala dapat ako magsabi ng 'thanks', BWIKWIKWIK~

"Pero gusto pa kitang makilala ng lubusan, Pipoy," sabi niya sa 'kin habang yakap-yakap ko siya at naramdaman kong yumayakap na rin siya.

"Mau, 'di ka nandidiri sa 'kin? Yuck, oh! 'Di ako naligo," sabi ko tapos natawa lang siya.

"Hindi! Bakit? Tanggap kita," sagot niya saka kumawala sa mahigpit kong yakap.

"Yiiiiieeee!" sabi ko saka tumawa.

"Sira!" sabi niya sinenyasan ko naman siya na wait. Kinuha ko bag ko 'yong diary ko.

"Gusto mo pa akong makilala?" tanong ko at mabilis siyang tumango. Inabot ko ang kanyang mga kamay at ibinigay sa kanya ang diary ko. "Basahin mo 'yan, marami kang malalaman tungkol sa akin d'yan."

O, hanggang d'yan na lang muna dayari! 'Wag kang mag-alala may kasunod pa 'yan, hayaan mo ikukwento ko sa 'yo lahat ng mga nangyari sa 'min ni Maureen no'ng mga panahong tumigil ako sa pagsusulat sa 'yo.

Dugyot pa rin sa 2020,
Pipoy

Ay mali!

May jowa na sa 2020,
Pipoy

Ay mali pa rin!

Magkakajowa bago mag-2020,
Pipoy

PS. BWIKWIKWIK~Nakakapagod na rin kasing mag-SANA ALL. This 2020, sana no more sana all. Sana sila naman ang mapapa-sana all sa 'kin. #SANAALLnomore #SanaAllMayJowaSa2020

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Where stories live. Discover now