2

3.6K 109 5
                                    

"Bee wait" oh andito lang pala 'tong bruhang to.

"Saan kaba galing?!" tanong ko na nakataas ang kilay sabay pasok sa university.

"Dun sa-"

"Ang panget niya" natigilan kami ni janealle sa bulungan.

"Oo nga"

"Grabeh may ganyan pa pala ka panget"

"Bee isa nalng talaga susugurin ko na sila"

"Ang ganda ng kasama niya pero yung isa?"

"Personal alalay siguro siya" bulong ba yon? napaka judgemental naman pala ng mga tao dito.

"Hoy anong sinabi nyo?! Best friend ko kaya 'tong sinasabihan nyo" di ko na napigilang sumugod si janealle.

"Oh sorry girl ah, totoo naman kasi" arteng sabi ng mukhang clown dahil sa kapal ng make up. Bwiset na 'to, mas maganda pa aso namin sakanya e.

"Ano sabi mo!?" sabay sabunot sa tatlong babae?

Warfreak din pala 'tong bestfriend ko. Inawat ko na siya dahil baka ay ma guidance kami sus maryusep.

"Kapag narinig ko pa ulit ang bulungan niyo kakalbuhin ko talaga kayo" aniya habang nagpipigil. Ayos lang naman sana kasi hindi naman ako naapektuhan sa sinasabi nila.

"Bwesit ka! Tandaan mo 'to at nang alalay mo. Magbabayad kayo" napaka oa naman.

"Okay ka lang?" ako pa tinatanong niya e siya naman 'tong nakipag-away.

"Ikaw kaya 'tong nakipag-away" sabi ko sabay ayos ng buhok niya

"Tara na baka ma late pa tayo"-tignan mo to parang walang away na naganap eh.

"Bee di tayo magkaklase?" nakasimangot na tanong ni janealle. Nasa class C kasi sya habang ako nasa Class A.

"Mag-aral ka kasi di yung puro ka love life" sinimangutan pa ako lalo ni janealle.

"Basta pag may nang-away sayo text ka kaagad" Lumakad na lang ako papalayo sa kanya. Praning eh!

Pagdating ko sa classroom wala pa naman ang prof namin, nagsimula na naman ang bulungan. Tss! Naghanap ako ng upuan dahil may lima pa namang vacant chairs. Doon na lang ako sa bandang kanan katabi ng sleeping guy para wala akong maistorbo.

Pagkaupo ko ay siyang dating ng teacher namin

"Good morning class, since this is the first--"

"Andyan na ang mga prince" sigaw ng isang clasmate kong babae.

"Kyaaaaa ang gwapo nila"
"Campus prince!"

Biglang umingay ang classroom namin pati teacher namin nakikisabay na rin.

"Hi" napatingin ako sa nagsalita, si sleeping guy pala.

"Hi"sabi ko sabay ngiti.

"Nick pala" Sabay abot ng kamay niya sakin, inabot ko rin ang kamay ko sakanya.

"Crystie"

"Ang ingay no?" nagulat ako ng may inilagay siya sa tenga ko.

"Para di ka maingayan" aniya sabay ngiti. Ngayon ko lang napansin ang gwapo niya pala.

"Ehem" napatingin ako sa lalaking nagsalita.

"Bakit?"

"Uupo ako, alis!" e bakit di sya umupo? pinapaalis pa nga ako ang kapal!

"May vacant chair pa dun" wika ko at narinig ko na naman ang bulungan. Tanga rin nila magbulungan naririnig ko.

"Hala ano daw?"
"Ang landi niya panget naman!"
"eww nagpapasikat!"

"Anong sabi mo?!"

"Bingi ka ba?" biglang lumakas ang bulungan ng mga kaklase ko. Anoba? sana ay nag kwentuhan nalang sila sa harap ko.

Nagulat naman ako ng may biglang bumuhat sakin. putek, baket may pagbuhat?

"Hoy anong ginagawa mo?!" akmang aalis na sana kami ng biglang pigilan sila ni nick. bushet naman to oh.

"Pre ibaba nyo siya" sige nick iligtas mo ko.

Nagsigawan ang lahat ng biglang suntukin ng isang lalaki si nick. bushet talaga, di ako na inform na action school to. Hoy itigil nyo yan at baka ma guidance tayo.

"Wag kang makialam" aniya at lumabas na habang buhat-buhat parin ako.

Im The Campus Casanova Maid (Completed)Where stories live. Discover now