One

698 17 0
                                    

CHAPTER ONE

"Gia, mauna na muna kami. Sorry, ah? Sakay ka na lang ng bus. May emergency kasi sa bahay, eh. Hindi ka na namin maihahatid ng driver namin."

Paalam ni Peyn at mukha ngang kailangan na niyang umalis. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito para sa akin pero nginitian ko ito.

"Sige, Peyn. Okay lang. Go ahead. Ako na bahala sa sarili ko. Ingat na lang kayo." sabi ko at nag-aalala din para sa kanya at kung ano man ang emergency nito.

Nagkapaalaman na kami at umalis na nga sila. Kasalukuyan akong nag-aabang ng bus na masasakyan dito sa harapan ng mall kung saan kami nag-ikot kanina at kumain.

Ang hirap sumakay kasi puno lahat ng bus, eh. Medyo nakakangalay na rin at may ilan akong bitbit na pinamili.

Anong oras na din pala. Tsk, nakakainis naman at ang tagal ng sasakyan.

Susuko na sana ako at magtataxi na ng bigla ay sinwerte yata ako dahil may bus na walang masyadong laman ang huminto sa harapan ko.

Agad akong sumakay at hindi na nag-aksaya pa ng oras. Pagod na rin kasi ako, 'no.

Pagsakay ko ay nag-ikot na agad si Manong na condoktor at nagbayad naman na 'ko at sinabi kung saan ako bababa.

Maya-maya ay huminto 'yong bus at may lalaking sumakay. Ang bango niya at talagang umalingasaw 'yon sa loob.

Sana all, mabango.

Naupo siya sa tabi ko. Well, dalawahan lang ang upuan dito sa kanan sa bandang bintana ako at siya at sa gilid ko, sa kaliwa.

Medyo nakakatulog-tulog ako dahil sa pagod ng pamimili namin ni Peyn kanina kaya nauuntog-untog ako sa bintana na glass.

Nakakagawa ng tunog ang pag-untog ng ulo ko tuwing makakatulog ako.

Hindi naman ako dinapuan ng hiya dahil na rin sa antok na ako.

Medyo makapal talaga ang mukha, Gia.

Umupo na lang ako nang maayos sa huli dahil maingay 'yung pagka-kauntog ko sa glass ng bintana. Nakakahiya kahit pa unti lang kami rito sa loob ng bus, yes may hiya naman ako kahit papaano.

"Miss, kung inaantok ka. You can use my shoulder." sabi bigla ng katabi ko.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ng mask. Plus, naka-hoodie na itim pa ito at balot ang kabuuan.

Mukha namang gwapo pero teka- ano bang paki ko kung gwapo? Tsk.

Well, napansin kong malalim ang boses nito or baka naman inaantok kasi ako? Pero hindi, eh! Malalim ang boses niya! Nice voice.

Umiling ako at nahihiyang nagkamot ng ulo. Wala akong kuto, nahihiya lang ako kaya ako kumamot.

"H-hindi na po. Nakakahiya tsaka hindi naman kita kila-" naputol ang sasabihin ko ng siya na mismo ang nagpatong ng ulo ko sa balikat niya.

Nagulat ako dahil hindi ko naman siya kilala tapos pahihigain niya ako sa braso niya? Naawa lang siguro.

Sa sobrang kapaguran ko ba 'to o talagang komportable ako sa lalaking 'to? Bakit parang kilala ko siya? Napahikab na lang ako.

Geez, I slept on a stranger's shoulder.

Disclaimer:
Any similar names, places, events and plots to other stories are entirely coincidental.

Do not steal any of the IDEAS inside this story WITHOUT MY PERMISSION.

PLAGIARISM IS A CRIME.

CONTAINS:
Bad words, slow updates, wrong grammar, typo/error, short updates or chapters, landian na malupet.

PS. MAHAL KO SI LEEKNOW

Warning:
The author is not perfect. So, don't expect too much. Thank you.

There's only one rule and that is respect my works and i'll respect you.

Author-nim:
Yieee, sana magustuhan niyo 'to. Hikhok. Well, sana huwag kayong mabored. Actually, dati na akong nag-pub ng story ni Felix lamok pero hindi ko naitutuloy or dinidelete ko kasi pumapangit iyong flow no'ng plot. Nawawala sa hulo. Kaya ito sana talagang magustuhan niyo. Inspired to sa pagkasaky ko ng bus. Skl, kasi kanina may gwapo akong nakasakay sa bus. Gago, gwapo. Basta gwapo niya. Sayang, 'di niya ako tinabihan kasi Mama niya tumabi sa akin. Huhu. Tapos ayon, biglang naglakbay ang utak ko at kung saan-saan na umabot ang imagination ko na humantong dito sa pagbuo ng plot nito.

EDITED.

Bus | Lee Felix Where stories live. Discover now