Twenty

143 5 0
                                    

Shin Gianna's
POV

Tapos na 'yung movie at sa katunayan mga tulog nga yata sila, eh.

Hindi naman nila sinabi na mag-ooernight sila dito pero ayon at wala na 'kong nagawa. Elangan naman na itaboy ko sila.

Lahat sila dito natulog at hindi ko inaasahang maski si Yera ay dito matutulog.

Ex siya ni Felix and knowing na kasama namin 'yong ex niya dito mismo sa loob ng pamamahay namin hindi ko maiwasang mag-overthink.

Hindi tuloy ako makatulog. Lintek! Bumangon ako mula sa malambot kong kama at tsaka tumayo para bumaba sa may kusina.

Iinom na lang ako ng gatas para makatulog. Tsk, ang galing ko kasing mag-overthink.

Dederetso na sana ako sa ref nang makitang may tao pala do'n. Mabuti at hindi ako napatili.

"Felix?" tawag ko rito ng makita nang maayos kung sino iyon.

"Bakit gising ka pa?" tanong niya sa 'kin at mukhang nagulat din.

"Hmm. Hindi ako makatulog, eh." sabi ko at dumeretso na sa ref para kumuha ng gatas.

Nagsalin ako sa baso ko habang nakamasid lang ito sa'kin kaya tinignan ko ito.

"Gusto mo?" tanong ko at umiling lang naman ito.

Ibinalik ko na sa loob ang gatas dahil ayaw naman daw niya.

Naupo ako sa tabi nito habang hawak ang isang baso ng gatas.

"Bakit gising ka pa din?" tanong ko din at uminom sa gatas bago siya tinignan.

"I just can't sleep too." sagot nito.

"Parehas pala tayo." sabi ko na lang.

Nakakaubos naman kasi ng topic. Malay ko bang nandito siya. Edi sana nag-search ako ng mga interesting topics sa internet.

"Bakit pala naisipan niyong dito matulog ngayon?" tanong ko sa kanya sabay inom ulit sa gatas.

"Sina Han at Leeknow ang nakaisip nito." sabi nito at ngumiti ng kaunti.

I bit my lower lip, nag-iisip ng pwede pang itanong.

"Gising pa ba sila?" tanong ko sa kanya.

Kanina kasi sinabi kong natutulog sila pero hindi talaga ako sure kasi knowing Dreya and Peyn? Tsk, hindi magpapatulog ang mga 'yon.

"Yup. Naglalaro sila do'n." tipid na sagot nito.

Awkward.

"Hello?"

Nagkatinginan kami ni Felix ng makarinig ng boses na papalapit.

"Nandito kami sa bahay ng bruha. Bakit?"

Bahay ng bruha? Teka- bastos 'to, ah? Bahay namin 'to. So, ako 'yong bruha? The acidity? Palayasin ko siya diyan, eh.

Dapat tatayo na ako at susugurin ang nagsasalita nang awatin ako ni Felix at sumenyas na manahimik ako at umupo.

Napairap na lang ako at walang magawang umupo na lang ulit sa kinauupuan.

"Bakit pa? Alam ko namang makukuha ko si Felix sa kanya. Hindi ako natatakot dahil akin naman talaga siya dati pa, eh." sabi ni Yera.

Oo. Si Yera 'yon. Sino pa ba? Hindi naman ako tatawagin ng ganyan ng mga kaibigan ko, eh.

I hate her. Sabi ko na may something sa kanya, eh. Two-faced bitch, amp. Akala mo sinong mabait.

Kanya raw si Felix? Hah! Asa. Mauunahan ko siya. Sorry siya. Hindi kanya si Felix. Walang kanya.

"Lee Felix. Let's be official. Be mine and I'll be yours."

EDITED.


Author's Note:
Sorry sa late update! Magrereview kasi ako for our upcoming exam. Ang daming rereview-hin sa T.L.E. Grabe naman kasi magbigay si Ma'am. May A.P at Math pa. Goodluck talaga sa 'kin. Thank you for reading! <3

Bus | Lee Felix Donde viven las historias. Descúbrelo ahora