Chapter 4

9.7K 156 4
                                    


Nang matapos mag-agahan sa bahay ng kapit-bahay ko ay mabilis akong bumalik sa bahay para uminom ng maraming tubig. Ang lalamunan ko ay parang sinunog at binugbog sa sobrang sakit. Hirap din akong magsalita. Thank you god to have a very talented neighbor.

Napamura ako nang pumasok sa isip kong may meeting pala ako mamaya sa bagong endorser ng kompanya ko. Ang mas nakakainis pa ay paano ako magsasalita sa harap niya kung ganito ang lagay ko? Badtrip na hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantalon at tinawagan si Den.

"Napatawag ka?" 'Yon na agad ang bungad niya sa akin.

"C-can you... can you meet Mr.Yakimora? I-I h-have a m-meeting with him 15 mintes f-from now and I c-can't come." Hirap na sabi ko saka marahang lumunok at napangiwi nang sumakit na naman ang lalamunan ko.

"Anong nangyari sa 'yo at hirap ka yatang magsalita?" Nagtatakang tanong niya.

"I-I just ate m-my neighbor's food and I a-almost fucking die." Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. "D-den, n-nariyan ka pa b-ba?" Tanong ko nang lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya nagsasalita.

"Akala ko ba ayaw na ayaw mo sa kapit-bahay mo dahil sa may saltik ito?" Tanong niya. "Ikaw ah, 'wag mo sabihing type mo na 'yang kapit-bahay mong isip bata?"

Agad na pinatay ko ang tawag dahil sa narinig. Fuck that man. He's not helping! Mabilis na nagsulat ako ng mensahe para kay Den.

To Den:

Naawa lang ako sa kaniya. Anong type ka riyan? At 'wag na 'wag mong kalilimutan ang pinapagawa ko sa 'yo kung ayaw mong ipagiba ko 'yang bahay mo.

Agad na ipinadala ko ang mensahe at mabilis na nagbihis para magpunta sa doctor. Hindi magandang isawalang bahala ito.

Thanks to my stupid neighbor. She did great to put me in this situation. Tsk, kung alam ko lang sa una pa lang hindi na ako pumayag sa alok niya. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko saka lumabas ng bahay.






Shasta's POV

Bagot na pinaikot-ikot ko sa lamesa sa office ni kuya ang cellphone ko. Kanina ko pa kasi tinatawagan si Brayden pero ayaw naman niya sagutin ang tawag ko. Huwahhhh... buryong-buryo na ako. Hinihintay ko rin ang tawag ni Glen dahil sabi niya ay magba-bonding daw kami ngayon pero bakit wala pa rin siya?

Nababagot na muli kong dinial ang numero ni Brayden at malapad na ngumiti nang makitang sinagot niya rin sa wakas.

"Good morning Brayden!" Masiglang bati ko.

"Ang saya natin ngayon ah." Bakas ang saya sa kaniyang boses.

"Naman! Ikaw ang dahilan eh."

"Good to hear that." Sabi niya't bahagyang natawa. "Anyway, bakit ka nga pala napatawag?"

"Gusto ko mag-ayang mamasyal. Nabuburyo na kasi ako eh." Matamis ang ngiti sa mga labing sabi ko.

"Naku, busy ako ngayon eh. Pwedi bang sa ibang araw na lang?"

Agad na bumagsak ang mga balikat ko sa sinabi niya. Napapansin ko lang nitong mga nakaraan na sa tuwing niyayaya ko siya ay palagi na lang niya akong tinatanggihan. Hindi kagaya noon na siya na mismo ang nag-aaya at halos lahat ng oras niya ay para lang sa akin.

Namimiss ko na yung dating kami.

"S-sige naiintindihan ko." Tugon ko na mabigat ang dibdib at mabilis na tinapos ang tawag.

Sexual Addiction (Editing)Where stories live. Discover now