Chaptet 41

5.4K 134 4
                                    

Pag-uwi ko ay agad na hinubad ko lahat ng saplot ko sa katawan. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa araw na ito. Hindi ko alam kung saan ako pagod. Sa trabaho ba o sa kakaisip ng paraan kung paano siya paamuin.

Magulo ang isip na pumasok ako ng banyo para maligo. Itinapat ko ang sarili sa ilalim ng shower at hinayaan ang tubig na maglandas sa katawan ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko nang makaramdam ako ng kaginhawaan. Habang nakapikit ay muling pumasok sa isip ko ang nangyari. Naguguluhan talaga ako sa mga inaakto niya. Hindi ko siya maintindihan. Wala rin naman akong ginagawa na ikagagalit niya.

Marahas na nagpakawala ako ng hangin dahil sa inis at kawalan ng pag-asa. Inisip ko ang mga nagdaang araw dahilan ng kakaibang inaakto niya at pakikitungo niya sa akin. Iniisip ko kung may nasabi ba akong ikakasama ng loob niya pero wala naman. I'd been a good partner for her. I never lied or cheated her.

"Ano ba kasing ginawa ko? Hindi ko naman puwedeng isisi sa kanina ang pagiging ganoon niya dahil ilang araw na siyang mataray at masungit. At hindi ko alam kung bakit. Ugh!"

Naiiritang tinapos ko ang paliligo at agad na lumabas ako ng banyo saka nagtungong bedside table at kinuha roon ang cellphone ko. Nag-dial ng number at um-order ng cake na orange ang flavor.

Alam ko kasing sa mga nakalipas na araw ay puro mga pagkaing may kinalaman na lang sa orange ang kinakain niya. At hindi ko rin alam kung bakit.

Nang matapos ay agad na nagtungo akong closet ko para magpalit ng pambahay na damit.

Matapos kong mag-ayos ay pasalampak na nahiga ako sa kama. Tumitig sa kisame habang nag-iisip ng dapat gawin kung paano na naman siya susuyuin. Sa mga nakalipas na mahigit isang lingo kapag nagagalit siya ay sobrang hirap niyang paamuin. Hindi naman siya nagsasabi ng kung anu-anong masasakit na salita sa akin pero hindi naman siya namamansin. Ini-ignore lang niya ako kesyo daw naiirita siya sa akin gayong wala naman akong ginagawang hindi niya gusto.

Ibinibigay ko lahat ng kailangan man niya oh hindi. Naninibago rin ako sa paminsan minsang panlalamig niya na nagpapakaba sa akin at the same time ay nagpapatakot din. Natatakot na baka iwan niya ako at alam kong ikababaliw ko iyon. But as I've promised, even if she will out of love, well I don't know if she loves me but even if she will walk away, I will always find a way to make her stay.

Padapa akong nahiga at nagbuntong hininga. Nalilito ako't nahihirapan na dahil parang pakiramdam ko ay ayaw na niya sa akin na nagsasawa na siya sa akin.

Pinukpok ko ang ulo sa naisip. No way! Hindi mangyayari iyon at kahit ano pa ang gawin niya ay hinding hindi ko siya pakakawalan. Kahit ipagtulakan pa niya ako palayo. Dahil ako. Ako lang ang maaaring magmamay-ari sa kaniya. I mark her in so many times as mine. Ngayon ko pa ba hahayaan na maghiwalay kami? And... I'm planning to make her my lifetime partner.

Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon hanggang sa makarinig ako ng doorbell. Sa pag-aakalang ang order ko na iyon ay agad na tumayo ako't dali daling lumabas ng bahay dala ang wallet at spare key ng bahay niya.

Saktong paglabas ko ng gate ay bumungad sa akin ang delivery boy.

"Your order sir." Sabi nito't nag-abot ng papel at may pinapiramahan na siya ko rin namang ginawa.

Ibinigay ko ang bayad ko bago kinuha ang cake at tinalikuran siya saka naglakad patungo sa bahay niya.

Gamit ang spare key ay binuksan ko ang gate ng bahay niya't pumasok bago iyon sinara't ni-lock.

Walang imik na naglakad ako sa bakuran ng bahay niya at nang marating ang pinto ng bahay niya ay agad na binuksan ko iyon. Nagbuntong hininga pa muna ako bago ihakbang ang mga paa papasok at dumeretso na sa kusina at inilapag ang cake sa lamesa bago lumabas at hinanap siya.

Sexual Addiction (Editing)Where stories live. Discover now