Chapter 29

5.8K 117 5
                                    


SHASTA's POV

Nagising akong pakiramdam ko ay parang may nakamasid sa akin.

"Is she's awake?" Tanong isang tinig.

"Maybe." Tugon ng isa.

Nagtatakang iminulat ko ang mga mata at nahigit ang hininga nang bumungad sa akin ang dalwang mukhang curious na nakatitig sa akin. Agad na napagapang ako paatras at kinakabahang napakurap kurap.

"S-sino kayo? M-mga akyat bahay kayo 'no?"

Nakapoker face na tumingin sa akin ang isa. "Paano namin hindi aakyatin ang bahay mo eh wala naman kaming susi."

Nakamot ko ang sentido. Oo nga naman Shasta. Tsk tsk. Ba't di ko naisip iyon? Buti na lang talaga matalino ako. Hwehwehwe.

"Ah..." Tumango tango ako. "Nga pala, anong kailangan niyo?" Tanong ko.

Naghikab ang isa at nahiga sa sahig na muling ikinakurap kurap ng mata ko.

"Pinapabantayan ka sa amin ng boss namin. Tsaka matutulog muna ako. Kagabi pa ako hindi natutulog eh." Anang babaeng nakahiga sa sahig at ipinikit ang mga mata.

Agad itong napabangon nang sipain siya ng kasamang babae. "Callie, 'wag mo ngang dalhin dito 'yang kadugyutan mo. Nakakahiya ka."

"Eh sa dito sa sahig ko gustong mahiga. Malamig at masarap sa pakiramdam."

Nagtsk ang babaeng sumipa rito at hinarap ako saka humingi ng pasensya. "Pasensya na sa kasama ko. Dugyot kasi 'yan kaya ganiyan."

"Hoy Hena, narinig ko 'yon ah." Ani Callie pala ang pangalan.

"Heh! Manahimik ka riyan. Buti nga binabawasan ko ang kahihiyang ginagawa mo." Saway naman ni Hena pala ang pangalan sa kasama na muli na namang nahiga sa sahig at ipinikit ang mga mata na para bang komportableng komportable sa ginagawa.

'Ang weird.'

"Gusto mo ng kumot?" Tanong ko rito.

Lumingon siya't nginitian ako. "Puwede manghiram?"

"Oo naman. Teka lang i--" hindi ko natapos ang sasabihin ang patalon siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi ko tuloy maiwasang hindi humanga. Paano niya nagawa iyon?

"Saan ba 'yong kumot na sinasabi mo at ako na ang kukuha?" Tanong nito.

Itinuro ko ang walk in closet ko. "Naroon. May malaking cabinet sa dulo niyon. Doon ko iyon nilagay."

Muli itong ngumiti at naglakad patungo sa closet.

"By the way, I'm Hena at ang dugyot naman na iyon ay si Callie. Kung nagtataka ka kung sino ang boss namin ay si Dalton. Inutusan kaming bantayan ka dahil sa hiling ng pinsan niyang si Kade." Magalang nitong sabi.

Tumango tango ako. Nabaling ang tingin ko sa wall clock ko 9:45 A.M. pa lang.

"Nag-agahan na kayo?" Tumango siya. "Gusto mong gawan ko kayo ng miryenda?"

Napangiti siya. "Puwede ba?"

Malapad akong ngumiti. "Oo naman." Tugon ko at bumaba ng kama. "Dito niyo gusto magmiryenda o sa salas na lang?"

"Puwede bang sa salas na lang."

Lumapad ang ngiti sa mga labi ko. "Puwedeng puwede." Paulit ulit itong nag-bow at nagpasalamat. Hindi ko tuloy maiwasang mailang. "Puwede bang 'wag ka nang maging magalang sa akin? Itrato mo na lang ako na para bang tropa mo ako." Sabi ko sa kaniya. Kita ko sa sulok ng mata ko ang paglapag ni Callie ng unan at kumot sa sahig saka nahiga.

Sexual Addiction (Editing)Where stories live. Discover now