Chapter 18

121 8 0
                                    

***Joy Abigails POV***

Maaga pa sa maaga akong nagising ngayon, eh kase naman ang dami daming text ni kuya Jin sakin, vibrate ng vibrate yung phone ko ang aga aga, iisa lang naman ang tanong niya.. Ihhhhh!!! Di pa kase umamin na may gusto siya kay ate eh..

Paglabas ko naman ng kwarto ay nakita kong nagsusulat si ate sa lamesa

"Ate" tawag pansin ko dito

"oh gising ka na pala"

"oo te, may makulit kaseng text ng text sakin.. Teka! bakit suot mo si RJ anung meron ngayong araw na to?" tanong ko, usually sinusuot niya lang yun kapag may activities siya or presentation sa office nila.. Lucky charm daw niya... Haha

"may charity event kase kami" tipid na sagot nya.. "nga pala 4 days akong mawawala.. Sa Singapore kase yung event"

"4 days!!!Singapore!!!"

"oo susulatan na nga lang sana kita kase madalian yung utos sakin eh.. Pero dahil gising kana ok na.. Nakapag paalam na ko ng maayos, magpakabait ka, wag kang papagutom" bilin niya sabay hila ng maleta niya palabas

"OK... Si kuya Jin nga pala~"

"si Jin?"

"oo te, eh kase~"

"Joy tigilan mo na kaka utos kay Jin na dalhan ako ng pagkain sa office namin, nakakahiya na sa tao, feeling ko naiistorbo na siya.."

"pagkain??"

"oo... Ilang araw na siyang nagdadala ng lunch ko.. Nakakahiya na, buti nalang at aalis ako para makapag-pahinga naman siya" seryosong sabi niya na nakataas pa ang kilay...

"pero wala naman akong inuutos!" reklamo ko

"anung wala?? For the record, 3times na siyang pumunta ng office ko para dalhin ang lunch ko noh, ang sabi niya inutusan mo daw siya, wag kang anu dyan!"

"minsan ko lang siya in utusan, hindi ko naman siya inutusan ulit" pout ko, tinignan ako ni ate sa mata

"sigurado ka?" alanganing tanong niya

"oo nga!" giit ko, mukhang napaisip si ate.. bakit ko naman utusan yun eh alam ko ang tamad tamad nyang lumabas ng bahay nila..naku!

"o..Ok.. so bakit siya nadadala ng pagkain dun kung di mo siya inuutusan?"

"baka concern siya sayo kase palagi kang hindi kumakain...." sagot ko... bigla nalang siyang namula "uyyy si ate.. Kinikilig.." pang-aasar ko pa

"hindi noh.. Duhhh!" kunot noong sagot niya sabay lakad palabas

if I know Kinikilig na siya haha

"ay.. ATE!" tawag pansin ko dito,

"ay oo nga pala.. Thank you dito, dagdag sa lucky charms ko" sabi niya sabay pakita sakin ng bracelet na RJ na kamukhang kamukha pa ng kwintas niya.. ang ganda!!!

Magsasalita pa sana ako pero tumakbo na siya pababa papunta sa taxi na naghihintay sakanya..

Yun kaya yung regalo ni kuya Jin?? mukhang lumalaban na siya sa doraemon ah.. Maganda to... Haha

Pero teka? Singapore ang punta niya, Singapore din ang punta ni kuya Jin... O my!!! Destiny are you working again???

***Jin's POV***

hidden feelings The Im(possible) Dream Book 3Where stories live. Discover now