Chapter 39

93 3 0
                                    

******

Mabilis lumipas ang weekend namin ni Jana, hindi muna kami umuwi dahil gusto naming matapos muna ang lahat ng revisions namin para next week ma enjoy ko ang weekend kasama ang kapatid ko..

"grabe ang aga aga pa pinaaalis na agad tayo ni sir Clyde" reklamo ni Jana

"Ok lang yun para maaga tayong makabalik sa office" sagot ko naman

"ihhh gusto ko nga makita yung bagong chef eh, diba ngayon yung dating nun?"

"oo, pero narinig ko sina mam kanina sabi kagabi pa dumating, tapos ngayon ang dating sa staff house" sagot ko naman

"ihhhhh ang daya naman, hindi man lang natin siya nakita"

"hahahaha baliw ka talaga! Makikita naman natin siya mamayang gabi, loka.. Sa isang bahay lang kaya tayo nakatira" react ko

"sabagay..." pagsang ayon niya maya maya pa ay bumulong siya "mamaya magpapahatid na ko agad sa office, hindi na kita hihintayin ah... para ma meet ko na yung chef tapos kwentuhan nalang kita ng itsura niya"

Loka loka talaga to! 🤣🤣🤣

"cge tapos tignan mo kung pwede kong maging boyfriend, dapat mas gwapo kay Jin ah" biro ko

"oo sige.. Patingin nga ng picture ni Jin mo" pagsang ayon naman niya

Nilabas ko ang cellphone ko ipakita ko ang picture namin ni Jin sa SG

"awww shocks! Taas naman ng standard mo!!?" react niya

"Well... Dapat mas gwapo dyan ah" bilin ko

"hay naku, mag old maid ka nalang" inis na sabi niya sabay scroll pa ng gallery ko "ay ba... teka? Akala ko bang wala kang picture niya?" taas kilay na tanong niya sakin

"ahhhh anu ahmm sayang kase yung View sa picture dyan noh" pagdadahilan ko sabay hablot ng phone ko

"hmmm" halata ng di siya naniniwala

"uy uy, dito kana oh, manong Mario dyan na po si Jana" baling ko sa driver namin.. Huminto naman si Manong Mario at bumaba na nga si Jana

"hoy babae, hindi pa tayo tapos magusap ah!" banta nito sakin..

"babye!" sagot ko lang sakanya sabay sara ng pinto

Alam ko kase ugali ni Jana hindi niya ako titigilan hanggat hindi niya na kukuha ang gusto niyang sagot...

***Jana's POV***

"Manong Mario, ikaw po ba nagsundo dun sa head chef natin?" tanong ko sa driver namin habang nagbabyahe na kami pabalik ng office hindi na namin hinintay si Cheena dahil number 156 pa daw ang number niya at 25 palang ang sineserve ng BIR

"opo mam" sagot niya

"gwapo po ba?"

"gwapo naman po, hindi ko po masyadong nakita yung mukha kase nakahood po"

"ayyy sayang naman, palagay mo Manong, bagay ba sila ni Cheena??"

"ahmmm siguro po, masyado pong gwapo yung lalake para kay mam Cheena baka lokohin lang po siya" parang nagdadalawang isip na sabi niya

"medyo may kasamaan din ugali mo Mang Mario eh, maganda naman si Cheena, hindi lang nag-aayos"

"sabi niyo po eh" sagot lang ni mang mario

hidden feelings The Im(possible) Dream Book 3Where stories live. Discover now