Chapter14:

606 41 0
                                    

NANG matapos na kami sa pagliligpit ng nagkalat na bubog. Nauna ng bumaba si Justin. Pero bakas parin sa mukha niya ang matinding pagkairita.

Ngayon, sabay kaming kumakain. Tahimik lang kami, hindi gaya ng dati na puro irapan, kutsaan, busitan o ano pa man.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya sumisigaw kanina. Pero minabuti ko nalang na itikom ang aking bibig.

"Ako na." Sabi ko ng akmang liligpitin niya ang mga pinagkainan.

Malamig niyang sinalubong ang mga mata ko. Anong nangyayari?

"Ako nalang." Malamig niyang sagot at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Para akong napako sa kinakatayuan ako. Ayoko ng ganito, hindi ako sanay. Ibang Justin De Dios ang kasama ko ngayon. Sana namang bumalik na yung totoong Justin.

Ano bang ginawa ko? Sobrang kulit ko? Sorry na. Gusto ko lang naman na samahan sina mama.

"Justin...." Tawag ko.

"Hmmm." Sagot lang niya.

"Wala, aakyat na ako." Sabi ko nalang.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na." Sabi niya habang hinihugasan yung plato.

May chance na.

"Yung nangyari kanina, gusto ko lang sabihin sayong hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. Gusto ko lang talagang samahan sina mama." Sabi ko bago umakyat papuntang kwarto. Hindi naman kasi siya sumagot.

Bakit ba ang tahimik niya ngayon? Ang mahalaga nag-explain na ako. Nakay Justin na yon kung magtatampo parin siya. Nasasaktan ako, hindi ko maipagkakaila yon. Nasanay akong jolly ang lalaking yon.

"A-aray!"

"Bat ba hindi ko binuksan yung ilaw?" Tanong ko sa sarili. At sinipa ang nakaharang na bangkito.

Calling....

Ma, Kamusta po si Nayi? Kumain na po ba kayo ni Daddy?

📞:Hayys, Anak. Maayos na ang lagay ni Nayi. Oo. Kumain na kami.

Si Ken po?

📞: Siya ang nagdala ng makakain. Nakaka-awa ang batang iyon. Sobrang lungkot ng mukha.

Oo nga po ehh, nakita ko rin siya kanina. Sorry ma. Hindi ko na kayo nasamahan. Bigla po kasing tinopak si Jah.

📞:Okay lang anak. Kaya na naming asikasuhin si Nayi, unahin mo muna ang asawa mo. Baka nagseselos na yan.

Yay! Ma, naman nagagawa mo pang magbiro.Sige na po, matutulog na ako. Pupunta po ako dyan bukas.

📞: Si Justin?

Hindi ko po alam sa kaniya. Baka may pasok po siya bukas.

📞: Sige, kung may gagawin kayo bukas. Wag na muna kayong mag-abalang pumasyal dito. We can handle this.

Call Ended

Ipinikit ko nalang ang mata ko at nirelax ang aking utak. Una yung sa mga kaibigan ko, pangalawa yung kay Nayi. Ano pa ba? Sana ito na ang last.

Taktee! Hindi pa pala ako naghahalf bath.

Dahil sa naalala, mabilis kong tinungo ang kubeta at sinimulan ng mag-asikaso ng sarili. See? Sa sobrang pag-iisip ko nakalimutan ko ng asikasuhin ang sarili ko.

Justin's Pov

MAAGA akong umalis ng bahay, mayroon lang akong importanteng gagawin. Pero bago yon ay ipinagluto ko muna si Naya at nag-iwan narin ako ng note, para naman wala na siyang ibang gagawin bago pumunta sa hospital.

Thanks to Stell, siya ang nagbigay ng procedure paano iluto yung adobo.

Unknown

Nandito na ako.. Ayokong pinaghihintay ako kaya dalian mo.

📩Ok, malapit na ako. Sweetie :)

Messages deleted

Ilang sandali lang ay nakarating narin ang taong hinihintay ko dito sa Starbucks.


Umupo siya sa kaharap kong upuan habang suot-suot ang nang-aakit niyang ngiti. Ipinuwesto niya rin ang kaniyang dalawang braso sa taas ng lamesa.

"Mabuti nakarating ka na." Panimula ko.

Lalong nagliwanag ang ngiti niya, dahilan para maalibadbaran ako.

"Of course ayaw kitang pinaghihintay, sweetie." Konti nalang sasabog na ang utak ko. Fuck that sweetie!

Inayos ko ang bara sa lalamunan ko bago mag salita ulit. "M-marie..."

"Stop! Ayokong marinig ang susunod mong sasabihin." Ang mga ngiti sa labi niya ay napalitan ng lungkot. At nararamdaman kong konti nalang ay luluha na ang mga mata niya.

"Marie....."

"Nahihilo ako, sandali lang." Pagdadahilan niya. Akmang tatayo na siya para umalis ng hawakan ko siya sa kamay.

"Marie, tapusin na natin 'toh.

Humarap siya sa akin. Basang-basa na ang mukha niya ng mga luha. Ang sama ko.

*Pak!

"Ganon nalang yon? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko? Jah, bakit?" Tanong niya. Naaawa ako sa kaniya. Anong karapatan ko para saktan ang babaeng nasa harap ko.

"Marie may asawa na ako." Pagtatapat ko.

"Anong sabi mo? May asawa ka na? Tss. Ginamit mo lang ako." Sa sobrang lakas ng pagkakasabi niya naagaw ang atensyon ng mga tao sa loob.

"Hindi sa ganon..."

"Hindi sa ganon? Hayys. Bakit ba ako umaasang magiging loyal ka sa akin? Oo nga pala, napilitan ko lang pala sa relasyon na ito. Salamat sa isang taon na relasyon, relasyon na ako lang ang nagmamahal."

Bago kami ikasal ni Naya mayroon ng kami. Tama ang sinabi niya, hindi ko ginusto ang relasyon na yon. Isang kasunduan namin ng mga kaibigan ko. Ngayon pinagsisisihan ko na ang kasunduang yon. Babaeng, marunong magpahalaga ang nasaktan ko.


Kahit alam niyang kasunduan lang yon, kumagat siya para hindi ako mapahiya. Hindi ko alam na mahuhulog siya sa akin ng ganon kabilis. Ayoko man siyang saktan, pero hindi pwede. Ayoko ng dagdagan ng isa pang kasalanan ang kasalanang nagawa ko.

Matagal ko ng plinanong hiwalayan siya, pero hindi ko magawa dahil mayroon siyang  family problem. Idagdag mo pa don ang malalang sakit ng tatay niya. Matindi ang nararamdaman niyang sakit kaya ayoko ng dagdagan muna yon.

Hindi naman ako ganoon kasama para lalo pa siyang idala sa bangungot. Habang nasa abroad siya kasama ang nagpapagaling niyang ama naganap ang kasal namin ni Naya. Kaya sa totoo lang, wala talaga siyang kasalanan.

"I need to go." Paalam niya at patakbong nilisan ang starbucks.

Napabuntong hininga nalang ako. Atleast kahit papaano at nabunutan ako ng tinik sa dibdib. I hope, hindi na malaman ito ni Naya. Dahil pag nalaman niya ito. Siguradong isusumpa niya ako.

Susunduin ko nalang siya sa Hospital. At para makausap ko narin siya about sa inakto ko kahapon. Kailangan kong humingi ng tawad. Dahil alam kong pinipira-piraso niya na ang utak niya para alamin kung bakit ganon ako kahapon.

MARRIED TO MR. UNKNOWN (Justin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon