Chapter37:

396 31 14
                                    

AFTER 4 MONTHS:

"Kamusta naman po siya, Doc?" Nag-aalalang at medyo kinakabahan kong tanong sa doktor.

"Well, Ayos naman ang lagay niya. Hindi naman siya napuruhan. Kailangan niya lang magpahinga." Sagot ng doctor.

"See? Sabi ko naman sayo ayos lang ako. Tsaka, ikaw dapat ang magpahinga ngayon. Salamat nga pala, bro." Pasalamat niya don sa doctor na kaibigan niya. Dr. Martin.

Doctor nga pala ang mokong!

Nandito kami ngayon sa hospital dahil umiral na naman pagiging bobo ni Matthew sa pagmamaneho. Mabuti nalang hindi rin ako napuruhan.

"Okay lang ako, wala naman akong nararamdaman na kakaiba." Sabi ko habang nakaawang ang bibig. Ako pa talaga ang iniisip niya eh siya ngayon ang may dugo sa noo.

"Tss. Nurse, paki-check narin siya." Utos niya sa nurse. Agad naman itong nagsilapitan kaya wala na akong nagawa at mapilit ang mokong.

"Napakasweet pala ni Mr. Gomez sayo, Ma'am. Sana makahanap rin ako ng ganoong klase ng mapapangasawa." Naiinggit na sabi ng isang nurse.

"Ayy nako! Nagkakamali ka, hindi ko siya asawa. Kaibigan ko lang si Matthew." Ilang beses ang ginawa kong pag-iling. Lagi nalang kaming pinagkakamalang mag-asawa, nahihiya na ako para sa kaniya.

"P-pasensiya na po, Ma'am." Paumanhin niya. Yung mukha ng nurse hiyang-hiya talaga.

"Okay lang. Baguhan ka dito? Si Matthew at Ako ay magkaibigan lang, karamihan sa hospital na 'to alam ang bagay na 'yon." Pahayag ko.

"Opo. Baguhan nga lang po ako, pasensya na po ulit."

Inalalayan niya akong makatayo kasi medyo mataas yung higaan. Pagkabukas ko ng pinto si Matthew agad ang sumalubong sa akin. Kunot ang kaniyang noo habang nakapamulsa.

"Ang kulit mo talaga. Diba sabi ng doctor magpahinga ka?!" Singhal ko sa kaniya.

"Nagamot na nila ang noo ko para saan pa ang pag upo ko habang hinuhulaan kung okay ka lang ba."

"Okay lang ako! Tss. Tara na nga!" Inis kong sabi at hinampas ang braso niya. Hinila ko ang necktie niya para sure na susunod siya. Sa pagkakaalam ko kanina inexplain ko na sa nurse yung relasyon namin ni Matthew, bakit ngayong titili-tili siya?





"Kumain ka na.." Utos ko sa kaniya.

Bingi ba siya? Nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang nakanguso ang labi.

"Subuan mo ako." Pagpapabebe niya.

Binatukan ko siya. "Matthew... hindi naman nadisgrasya yang kamay mo diba? Kumain ka mag-isa mo."

"A-aray! Ang sakit ng kamay ko. Look, diko maigalaw ng maayos." Pinakita niya sa akin ang kamay niya na naka-steady lang.

Umikot ang mata ko at mabilis siyang sinubuan, yung parang mabibilaukan na siya. Wala akong pakialam kung mabilaukan siya ngayon, kasalanan niya 'yan.


Weyt....



Kaparehong-kapareho ito ng araw na nagpapasubo rin siya sa akin. Nabilaukan siya non at galit na hinugasan ang kaniyang kamay.

Tss. Bat ko ba siya naaalala?

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

"Y-yeah, wait kakausapin ko lang yung nurse kung kailan ka madidischarge." Sabi ko at hinila ang kamay sa kaniya.

"O-okay."

Sa limang buwan na nakalipas hindi ko masasabi na nakalimutan ko na ang lahat, sariwang-sariwa parin ito. Masaya na ako sa ngayon dahil nandyan si Matthew para gabayan ako, nandito yung baby ko para tanggalin ang lungkot ko. Hindi pa man siya lumalabas sa mundo sobra na yung sayang hatid niya sa akin.

And bukas, bukas na kami luluwas ng bansa balak kong magsimula ng bagong buhay kasama ang magiging anak ko. At siguro pati narin si Matthew na matalik ko ng kaibigan ngayon.

About naman sa Cafe, nagpatayo narin kami sa ibang bansa para may pinagkakaabalahan ako. Si Nayi at mga kaibigan ko lang ang nakakausap ko. Hindi ko sinasabi yung location ko dahil alam kong sasabihib lang nila.

"Ahm, Kailan pwedeng madischarge yung patient sa room 203?"

"Room 203, Mr. Gomez. Ahm. Pwede na po ngayon. Pero kung gust---"

"Ahh okay salamat."

Nagugutom na ako since matapat lang naman ng hospital na ito yung 7/11 lumabas na ako para bumili. Balak kong bumili ng hotdog sandwich dadalawahin ko na para pati rin kay Matt.

Buti nalang hindi masyadong mainit hinintay ko munang maubos yung mga sasakyan mabagal akong maglakad ngayon.

Pinagbuksan ako ng pinto ng guard. Wow naman. I feel special.

Siyempre pagpasok ko makikita ko na agad ang sandamakmak na hotdog sandwich. Pero, dalawa lang kukunin ko.

Pumunta na ako sa counter para magbayad yung iba mababait sila dahil pinauna nila ako. Kaso yung dalawang nasa harap kong babae ayaw pasingitin ang pakwan na kagaya ko. Well, pakwan din pala yung isa.

May nakita akong chocolate. Hinawakan ko iyon. Pero hinawakan din ng babaeng buntis. Binitawan ko iyon ng makita kung sino ang babaeng buntis.

"N-naya?" Gulat niyang banggit sa pangalan ko, halata ang gulat sa mata niya.

"Sayo na yan. Since sanay ka naman kumuha ng hindi sayo. Yan sayong-sayo na saka pwede ba.. wag mo akong kakausapin na para bang kaibigan kita. Duh! Nakakadiri ka." Irap ko sa kaniya at nagbayad sa counter.

"Keep the change, Miss." Sabi ko.

Lumabas na ako at bigla nalang may humawak sa kamay ko. Hindi naman ako interesado don sa chocolate.

"Naya sandali!" Tawag niya ulit.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako."

"Naya... magpapaliwanag ako..."

"Paliwanag saan? Ipapaliwanag mo kung gaano ka kapabaya sa sarili para magpabuntis sa iba tapos ipaaako sa isang lalaking may asawa na? Kung paano mang-agaw ng atensyon? Shame on you. Nakakahiya ka. Sana lang hindi lumaki yang anak mo na gaya mo." Inis ko ng sabi.

"H-hindi.... kahit wag na akong patawarin.... kahit si Justin nalang."

"Naks, maaawa na ba ako niyan?"

"Isipin mo na ang mga bagay na gusto mong isipin. Si Justin... naaawa ako sa kaniya bilang kaibigan niya. Naging miserable ang buhay niya simula ng iwan mo siya. Please bumalik ka na sa kaniya." Pakiusap niya. Pinagbabalakan niya pang lumuhod pero pinigilan lang siya ng babaeng kasama niya.

"Bakit mo ba ginagawa 'to? Bakit ba mahilig kang manghimasok sa problema ng may problema?"

"K-kasi ako yung dahilan kung bakit kayo umabot sa ganito. Gusto kong maging ayos na kayo dahil hindi na kinakaya ng konsensya ko."

"Ganon ba? Problemahin mo yang konsensya mo." Pagmamatigas ko bago sila tuluyang iwan.







"M-matthew, umalis na tayo.... nakita ako ni M-marie siguradong sasabihin niya kay Justin." Umiiyak kong sabi kay Matthew pag kapasok ko ng silid niya.

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Shhh. Don't worry, nandito lang ako. Hindi ko hahayaang malapitan ka niya."

MARRIED TO MR. UNKNOWN (Justin)Where stories live. Discover now