Chapter23:

505 34 0
                                    

Today is Sunday!

Justin's Pov

ISANG linggo na kami dito sa resort kasama parin ang aking butihing kaibigan na si Sejun. Kasama ko ngayon si Naya, natatakot kasi akong iwan siya ulit at baka mangyari na naman ang nangyari nung nakaraan.

Hindi pa rin ako makamove on sa nangyari, it was all my fault. Kung maaga lang akong dumating edi sana hindi ko siya nakitang umiiyak sa gilid ng sofa.

Noong nakita ko siyang umiiyak gusto kong saktan ang sarili ko. But... nevermind. Babawi nalang ako.

"Maligo naman tayo." Yaya niya.

Kunot noo kong tiningnan ang paa niya na ngayon ay maayos na ang lagay. Umiral na naman kasi pagiging clumsy niya.

"Ikaw bahala." Sagot ko lang.

Nagningning ang mata niya at lumiwanag ang kaniyang mukha. Oa ba? Pero ganon narin 'yon.

"Sa isang kondisyon." Dagdag ko habang nakangisi.

Biglang napalitan ng lungkot ang kaniyang masayang mukha.

"Ano naman yun?" Nakabusangot niyang tanong.

"Wait me here, Wifey." Sabi ko at pumasok sa kwarto namin para kumuha ng damit.

Kumuha ako ng leggings at short na pandoble saka narin ang Hawaiian shirt.

Itinago ko muna sa likod ko ang mga damit. Tsaka inagaw ang atensyon niya.

"Hey!" Sabi ko.

"Oh? Ano na? Ano na ang kondisyon mo 'Hubby ko'?" Sa tono ng boses niya halatang naiirita na. May halo kasing pagka sarcastic.

"Here." Ipinakita ko sa kaniya ang mga damit na kinuha ko. Tiningnan niya ako na para bang naguguluhan.

"Huh? Para saan toh?" Tanong niya.

"Yan ang isusuot mo. Para safe, Wifey." Sabi ko.

At ngayon ang mukha niya ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Habang ako ay ngingisi-ngisi sa harap niya.

"Tss.. Ang daya mo naman." Nakangusong sabi niya.

Nilapitan ko siya at niyakap para aluin. Hinalikan ko rin ang kaniyang noo.

"Ayokong may tumitingin na iba sayo. Mas maganda nga yan eh. Hindi ka nila mapapansin. HHAHA!"

"Agaw pansin ako niyan. Ako lang naka ganito."

"Let see." Sabi ko nalang at natatawa pa rin.

Pinagbihis ko muna ang aking napakagandang asawa at para masigurong isusuot niya talaga iyon. Samantalang ako naman ay naka beach short at sandong puti.

Lumabas na si Naya dala parin ang nakabusangot niyang mukha. Awww.

"Hapi ka na??--- teka!" Nilapitan niya ako at inamoy. Biglang nagdilim ang mukha niya.

Kumaripas siya ng takbo pabalik sa kwarto namin. At nung pagbalik niya may dala na siyang Hawaiian Beach Polo.

"Para saan toh?" Tanong ko sa kaniya.

"Baka gusto mong kainin. Tss. Isuot mo yan. Para fair. Tss. Ako lang dapat makakakita niyan. Yun lang, if may makikita ako." Sabi niya at bumungisngis. "Saka maliligo karin naman bakit kapa nagpabango? Nang aakit ka ba?"

"Bakit naakit ka ba? RawR!" Panloloko ko at sinabayan ng nakakalokong ngiti.

"Iww. Kadiri."

"Ano naman kung makita nila? Eh ikaw lang naman ang nagmamay-ari." Sabi ko na ikinataas ng kilay niya.

"Hayy, ewan ko sayo. Parang naiiba na ang usapan. Mabuti pa magbihis ka na. Sakit sa eyes, Hubby."

Everytime I hear the word hubby from her. Makes me smile.

"------A-aray!" Daing ko ng may kung bagay ang tumama sa aking napakagwapong mukha.

"Ang sabi ko magbihis ka na, hindi mag-imagine ng mga bagay-bagay." Irap niya sa akin.

Nagkibit balikat nalang ako. Tumalikod siya at sinimulan ko na ang pagbihis.

Pagkatapos ng makita ni Naya na tapos na ako. Nauna na siya sa paglakad. Sinuot ko nalang ang sun glasses ko.

Iniwan niya ako!




"Naya, sandali lang." Tawag ko sa kaniya pero mukhang hindi niya ako narinig.




"Nay----"




"Hi Mr.?" Tanong ng babaeng humarang sa dadaanan ko.

Iiwasan ko sana siya kaso hinarang niya ako kasama ng kaibigan niya. Dalawang babae ngayon ang nakaharang sa dadaanan ko.

Tss.


Mas matangkad siya kay Naya ng 2 inches. Pero, di hamak na MAS maganda, MAS desente at MAS karespe-respeto si Naya. Pero ganun pa man, I need to respect her too.

Nakatututok ang mga mukha nila sa mukha ko na para bang hinihintay na sagutin sila at tanggalin ang shade.

"I'm Justin De Dios, nice meeting you both." Nakangiti kong sabi at tinanggal ang shade.

(O-o)

Ilang beses kumurap ang dalawang babaeng nasa harapan ko. Yung para bang nakakita ng Anghel.

Well, Anghel naman talaga ako.

" I'm Katrina Celedez, nice meeting you Mr. De Dios. Btw, saan ang punta mo?" Pagpapakilala niya at inilahad ang kamay.







Nagulat na lamang ako ng maramdaman kong nakalapat ang malambot na labi ni Naya sa akin. Sobrang tagal ng pagkakalapat non kaya damang-dama ko. Hindi ito yung pinakafirst time na nagkiss kami pero ito na siguro yung pinakamatagal.




Paanong nakalapit sa akin ang babaeng ito?

"Ooopps!" Sabi ni Katrina at bakas sa mukha ang pagkabigla.

Kumalas na si Naya sa pagkakahalik at hinarap ang dalawang babaeng nakaaligid sa akin.

"Hi GIRLS, I'm Naya Llien Reyes-De Dios. Justin's wife. I hope mali ang iniisip kong nilalandi niyo siya. Dahil kung hindi, humingi na kayo ng tulong kay satanas. Dahil ready na akong kaladkarin kayong dalawa." Matapang na sabi niya at ngumiti ng peke. What a creepy smile?

"N-no, n-nakikipagkaibigan lang kami." Sabi ni Katrina.

"If that so, nice meeting you." Sabi niya sabay hila sa akin papalayo sa dalawang babae.

Hila-hila na ako ngayon ni Naya. Habang wala parin ako sa huwisyo dahil sa nangyari kanina. Maya-maya may kinalkal siya sa bulsa ng short niya.

"Mabuti nalang at nagdala ako nito. Nalingat lang ako sandali nakikipaglandian kana." Pagseselos niya.

Inilabas niya ang wipes at ipinunas sa palad ko. Pati narin ang braso at mukha ko. Baka daw kasi may bacteria na nadikit galing sa dalawang babae.

"Ang dami talagang higad sa paligid pero mas marami yung nakikipaglandian sa higad, kadiri." Pagpaparinig niya.

"Hindi ako nakikipaglandian, iniwan mo kaya ako--"

"Sinisisi mo ko?!"

"Hindi, sabi ko nga mali ako."

MARRIED TO MR. UNKNOWN (Justin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon