Chapter 17: Earth

54 6 0
                                    

Zero

"We have only two weeks to get the Stone"

Naay! Two weeks nalang ba talaga Ms. Mystica? Sya nga pala andito kami sa Training Room. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Whaaaa! Pero kahit papano, naniniwala ako na kaya namin mapagtagumpayan ito. Loko akong tao, pero tingin ko dapat na akong magseryoso.

"And Mr. Zero, be ready"

Anoo daw?! Be rea---

"I said be ready!"

Ayt. Mind Reading. Bakit kaya ako pinagreready?

"Blaze, attack Mr. Zero" sigaw ni Ms. Veronica na agad namang ikinagulat ko.

Unang umatake sa akin si Blaze na babatuhin ako ng isang malaking fireball. Agad naman akong gumawa ng makapal, malapad at mataas na concrete wall at nung sapat na ang laki nito itinumba ko ito sa direksiyon niya. Akala ko tapos na ngunit biglang nagliyab ang mga ito at naging abo.

"Not so fast"

Misteryoso niyang sabi habang tinatanaw ko siya. Nakatayo na agad siya ng matuwid. Pano ko ba to gagawin.

Dahil sa pagiisip nakalimutan ko na ang laban at hindi ko napansin na nakapalibot na sa akin ang mga fire crystals na kahit anong oras ay pwede tumama sa akin na magiging dahilan para masunong ang katawan ko.

"Too slow huh?"

Isip.

Isip.

Isip.

Alam ko na!

"Hindi lang eto ang ability ko. I can do one more thing"

Matapos kong ibulong yun sa sarili ko. Mabilis akong tumakbo malapit sa mga fire crystals niya saka iyon tinabunan ng basang putik. Matapos kong lagyan lahat agad akong pumunta sa gitna saka pinatuyo ang basang putik tapos dinurog ang mga yun upang maging alikabok.

"Woah"

Yan nalang ang nasabi ko matapos kong gawin ang mga yun. Dahil mayroon akong speed ability hindi niya napansin lahat ng kilos ko.

"Ako naman"

Mabilis akong tumabi kay Blaze at naghulog ng mga buto ng mga halaman ko. Matapos yun ay lumayo ako sakanya upang iangat ng mga halamang yun na naging dahilan ng pagkakabuhol sa kanya habang nakabitin sa mga sanga nito.

"Elizabeth it's your turn"

Nakuha agad ang atensiyon ko sa sinabi ni Ms. Mystica. Babalik sana ako ng tingin kay Blaze pero wala na ito. Si Elizabeth nalang ang nakikita ko kasama ang isang balde ng tubig.

"Pano mo ako mamatalo, gamit lang ang tubig nayan?"

Hindi siya sumagot saka kumuha ng tubig sa balde gamit ang dalawa niyang kamay. Tila ba naglalaro ang mga kamay nito. Tapos, pina rami niya ang mga ito. Mga malilit na bilog ang nakahilera sa harap niya. Nang maayos niya ng pagkakaayos ng mga iyon, ginawa niya itong patalim.

Sa sobrang pagkamangha di ko namalayan iaatake niya pala it sa akin. Pero di naman nakakasakit ang tubig, hindi ba? Nung pinatama niya na ito sa akin mabilis ulit akong gumawa ng maliit na concrete wall para magsilbing kalasag ko. Pero di sapat ang bilis ko kaya nadaplisan ako ng isa sa kaliwang braso. May dugo ito, kaya ibig sabihjn nasugatan ako. Pero paano?

"Water can also bring harm to us" sabi ni Ms. Msytica.

"Don't under estimate me" inis na sabi naman ni Elizabeth

Matapos niya sabihin yung itinaas niya ang kanyang kamay saka ng paulan ng tubig dito sa training room. Tiningnan ko lang ulit ang mga ito hanggang matanto ko na isa itong water crystal na kapag dumikt sayo ay parang mga bubog. Marami ng tumama sa katawan ko kaya ramdam ko ang sakit.

"Water crystals?"

"Of course"

Sarkastiko siya sumagot sa tanong ko. Hindi ko nalang pinansin ang nararamdaman kong sakit. Gumawa muna ako ng kalasag na gawa sa putik. Hindi ito ganon katibay upang maging silungan ko. Bawat bagsak ng isang crystal, ay gumagawa ng bitak sa aking kalasag.

Paano na to?

"Kaya mo yan" si Gabbi

Mahina pero dinig dinig ko ang mga salita na lumabas sa bibig ni Gabbi. Nagisip ako ng paraan. Muli akong tumingin kay Elizabeth. Nanggagaling sa kamay niya ang lahat. Sa paghigpit ng paghigpit niyang kamao, ganoon kadami ang mga crystal na bumabagsak.

"Kailangan kong mabuksan ang kaniyang palad para matigil ang ulan"

Mabilis akong kumilos papalapit sa kaniya saka at umikot sa paligid niya. Nang makita ko na ang pagkalito sa mga mata niya. Inabot ko ang kamay niya gamit ang akin, binuksan iyon at hinawakan upang hindi niya ulit maisara.

Ang lambot ng kamay niya

Pabagsak kong ibinababa ang isa kong kamay upang bumagsak ang mga alikabok na nagawa ko dahil sa aking pagikot.

"WOAH" si Marco

Hindi ko maintindihan ang mga mukha nila para silang kinikilig na ewan. Maliban kay Gabbi na hindi maipinta ang mukha.

"Bakit?" takang tanong ko

"Bro look at your hand" si Blaze na may pa ngisi ngisi pa

Tumingin ako sa isa ko pang kamay at nakita ko ito nakahawak sa kamay ni Elizabeth. Inalis ko ito agad dahil nakita kong pulang pula ang pisngi ni Elizabeth.

WHAAAAAA!!

"I'm sorry"

Yan nalang ang nasabi ko dahil sa hiya.

"Okay la--"

"Good, Zero. You are ready. Go to your room" si Ms. Mystica

"Wait, Gabbi. Be ready for tomorrow" si Ms. Veronica

Si Gabbi na bukas? Eh diba galing lang siya sa Hospes? Bakit siya agaddd? Nakooo. Aarte agad yan. Magrereklamooo

"Ok Ms. "

Ano raw? Si Gabbi ba talaga yung sumagot? Hindi umarte. Hindi nagreklamo. Ano nangyari dun. Nagiba yata ang ihip ng hangin.

Gabbi

Inaasahan ko nang ako yung susunod. Pero hindi ko maitatanging nakaramdam parin ako ng kaba dahil don. Kung titingnan ang itsura ni Zero. Duguan at sugatan.

"Inaasahan kong bukas, aagos ang dugo ko sa mga lupa dito"




































Thank you guys for reading. Please click the star icon if you like this chapter. Also, if you have suggestion or anything, please don't think twice to put it to the comment box. Lastly, please follow me. LOVE Y'ALL

Academia de FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon