Chapter 42: Tormented Lover

26 1 0
                                    

Alex

"Nakausap mo na ba siya?" Tanong ko kay Marco

"Hindi, tahimik pa din siya"

"Sobrang laki na ng pinagbago niya, hindi ko na makita yung Zero na masaya"

Nag uusap kami ngayon ni Marco habang kumakain ng snacks dito sa dining. After 2 years, ganun pa din siya. His cycle is just sleeping training and eating alone. Magisa lang siya, walang kinakausap, walang pinapansin.

Si Diana at Selene ay paminsan minsan bumibisita at laging tinatanong ang lagay ni Zero ngunit sila ay hindi nakakakuha ng kahit ang salita mula kay Zero. Kahit ang Dalawang Miss ay hindi niya kinakausap. Kapag tinatanong namin siya tatango lang o kaya iiling.

'Cold'

"Dre, gusto mo? Luto yan ni Alex" pag aaya ni Marco nang makarating si Zero galing sa labas. Galing siguro sa training.

Umiling lang siya saka dire-diretsong umakyat papunta sa kwarto nilang dalawa. Ang sabi ni Marco sa akin, kahit daw nasa iisang kwarto sila, tila hindi padin sila nagkikita. Sa tuwing gigising siya ay wala na daw si Zero sa sariling kama, at kung hihimbing naman, wala pa din si Zero sa kanila.

Maaga itong kumakain at gabi na kung maghapunan. Gumagawa talaga siya ng paraan para mapagisa.

"Kailan kaya dadating ang panahon na bumalik ang dati siya? Yung masaya, laging nakangiti, at agad kang napapatawa" Tanong ko saka ininom ang orange juice na nasa aking baso.

"Bigyan pa natin siya ng ilan pang panahon para makapagisip isip" sagot niya naman.

"Sana malapit na ang panahong iyon, hindi ko na makakayang makita siyang ganiyan ang lagay. Ang hirap Marco"

"Ganun talaga" malungkot na sambit niya

"Paghahandaan ko na siya at syempre ikaw ang maghahatid" pag uutos ko.

Paminsan-minsan hinahatiran namin siya ng pagkain. Nakakatuwang kinakain niya naman ang mga iyon, at pagtapos na siya, pasimple niya inililigpit ang mga plato na nagamit.

Habang hinahandaan ko siya ay naisipan kong lagyan ang tray ng isang sulat.

'Cheer up bro! Magiging maayos din ang lahat. Andito lang kami'

Napangiti pa ako habang idinidikit ang papel. Sana mapagaan nito kahit papano ang nararamdaman niya.

"Marco, iakyat mo n--"

Natigilan ako nang biglang nawala si Marco dito sa dining. Halatang ayaw niya na magakyat baba para lang maghatid ng pagkain. Kahit kelan talaga, tamad.

Wala akong nagawa. Ako ang magaakyat nito sa taas. Dahan dahan akong humakbang sa bawat palapag ng hagdan dahil isang pagkakamali lang ay mahuhulog ang hawak kong tray na mayroong laman pagkain sa ibabaw. Sa kasamaang palad eh nagkamali ako ng apak kaya nadikit ang icing ng cake sa isa kong daliri.

"Ahh" daing ko nang madumihan ang aking kamay

'Marco, ikaw ang may kasalanan nito'

Patuloy ako sa hakbang upang mabilis na maihatid itong pagkain pero simula ngayin dinoblehan ko na ang pagiingat.

'Ayokong mapuno ng icing ang damit ko'

"Whooo"

Napabuntong hininga ako nang makarating ako sa tapat ng pinto na walang masyadong disgrasya.

Inilapag ko na ang tray sa mesa sa tabi ng pintuan. Kumatok ako ng dalawang beses saka bumaba na. Sigurado akong narinig niya ang katok ko kaya malamang kinakain na nun ang pagkain na inihanda ko.

Academia de FantasiaWhere stories live. Discover now