Chapter 20: Air 1

53 5 0
                                    

Alex

Ano ba kasing problema ko. Bat ko ba nasabi yun. Muntik na ako dun ahh.

"Congrats Marco, sobrang galing mo, sana kasing galing kita pag dating ng araw, I lov---"

Di ka nagiisip Alex. Di ka nagiisip

I love you? Muntik ka na talaga.

"Alex"

"Ano?!"

Ngumuso naman si Gabbi dahil sa pagsigaw ko sa kaniya. Di ko yun sinasadya loko kasi tong bibig na to eh, may sariling desisyon.

"Why are you screaming?!"

"Wala kang pakialam!"

"Ahh ok! Gusto ko lang sabihin sayo na kainin mo yang pagkain mo! Kasi lumalamig na! Ikaw nalang ang hindi tapos kumain!"

"What's happening to you two? Magkatabi lang kayo jan nagsisigawan pa kayo" saway saamin ni Ms. Veronica

Kasabay pala namin sila kumain lagi pag naghahapunan dito sa dining hall. Pag nag aagahan naman ay kami lang apat. At yung tangahalian, minsan di na namin nagagawa dahil sa mga pagsasanay. Kaya pagdating ng Dinner Lamon na ang ang ginagawa ni Zero at Peter hindi na Kain.

"Sorry po miss"

"Bukas pala ay ikaw na ang magsasanay, Alex" sabi ni Ms. Veronica habang hinihiwa ang kaniyang pagkain

"Ikaw na ang pinakahuli dahil sa susunod na linggo na ang Eclipse"

Ako bakit ako? Saka bakit ako ang huli?

"Ikaw ang huli sapagkat ikaw ang huli" sarkastikong sabi ni Ms. Veronica

"Paano po sila Liza? Blaze? at Peter? Hindi po ba sila magsasanay?"

"Alex, bihasa na sila. Simula pagkabata ay puro pagsasanay ang mga inaatupag nila. Kaya di na nila kailangan ang bagay na iyon"

"Ahh. Sige po maghahanda po ako sa isip at sa pisikal para bukas"

K I N A B U K A S A N

"Aleeeeeeex! Gising naaaaaaaa"

As usual, bunganga nanaman ni Gabbi ang gumising sa tenga ko.

"Wag ka magugulat kung isang araw nakatahi na yang bibig mo paggising mo ha!"

"Ang brutal mo naman, sabi kasi ni Ms. Mystic ay mas magiging maaga daw ang pagsasanay mo para makapagpahinga tayo. Para may lakas tayo bukas"

"Oh, e anong oras na ba?"

"Alas Singkooooooo!"

"Ano?! Alasingko?"

"Tanga! Alas sais ang oras ng pagsasanay mo!"

"Ay weh?"

Hindi niya ako sinagot at itinuro nalang ang banyo. Ibig sabihin nun ay pinagaayos na ako.

"Antagal mo sa banyo!"

"Oo na saglet"

May taxi ba? Madaling madali?

"Tara na, antagal mo magayos"

Naglakad na kami papunta sa aming dining area. At nandun na sila Marco at Zero.

"Ohh, Good Morninggg" bati ni Zero

Nginitian ko lang siya at binagsak na ang sarili sa aking upuan.

Academia de FantasiaWhere stories live. Discover now