Chapter 11

483 20 0
                                    

T I N

Lumapit si Ate Des kay Andrei at pinatayo siya sa kinauupuan niya.

"Andrei naman!" Sabi niya at halatang galit siya.

"Nagusap na tayo, di ba." Dugtong pa niya.

Eto na naman sila, ako na naman tong hindi maka gets.

Ako na naman yung huli sa kwentuhan. Ako na naman yung out of place.

"Andrei naman." Galit na talaga si Ate Des.

Tumayo si Andrei tapos humarap sa akin.

"Tin, una na ako." Sabi niya sa akin tapos napataas nalang yung kilay ko.

"Wait nga." Sabi ko sa kanila tapos napatigil sila sa akin.

Nakita ko naman yung gulat sa mukha ni Ate Des.

"Why are you like that?" I asked them. Kahit si Kib na nasa likod ni Ate Des, nagulat.

"Tin, please understand us!" Napasigaw na siya, sobrang pula na ni ate des.

"Paano ko kayo maiintindihan, hindi niyo nga pinaiintindi!" Sabi ko sa kanila at pumagitna na si Andrei sa amin.

"Pwede ba wag tayo dito magusap? Please!" Hinila na niya si Andrei sa kamay pero sumunod ako sa kanila.

Hindi ko hahayaan na hindi ko malalaman kung bakit sila ganito sa akin.

"Ano bang meron?!" Napatigil silang lahat sa sigaw ko.

"Tin! Ayaw naming malagay si Andrei sa alanganin." Sabi ni Kib sa akin kaya naman lalo akong naguluhan.

"Hindi ko ba dapat malaman kung anong meron?" I said.

"Hindi na, tin." Sabi ni Ate des habang nakatingin sa mga mata ko.

"I have to!" Sigaw ko sa kanila.

Hindi ko na mapigilan yung sarili ko sa galit na nararamdaman ko ngayon.

"Tin, pl- -" naputol yung sasabihin ni Ate Des ng bigla akong magsalita.

"I think, I love him.  Mahal ko na siya." Nanlaki naman yung mata nilang lahat.

"Hindi ba sapat na dahilan 'yon?" I asked them.

Puro luha na yung umaagos sa mga mata ko, wala ng sakit. kasi finally, nasabi ko na yung dati ko pa dapat sinabi sa kanila.

The next thing I knew, nasa mga bisig na ako ni Andrei.

"Tin, please." Sabi ni Andrei sa akin at hinahalikan ako sa noo ko.

Bumitaw siya ng yakap at dumiretso na agad sa sasakyan niya.

Bakit parang ako pa 'tong may kasalanan? Ano bang ginawa ko?

Pinaharurot na nila yung sasakyan nila at lumabas na sila agad ng subdivision namin.

- - - - - - - -

A N D R E I

Pagpasok ko sa 9th floor nakita ko na walang naglalarong Archers sa court which is nakakabahala, kasi wala sila.

Sabi ni Aljun sa akin dito daw kami magkita pero wala naman siya.

And then I saw a girl sitting next to her gym bag while she's busy with her phone.

"Tin." Nilapitan ko siya.

I missed her.

It's been 2weeks after nung nangyari sa subdivision nila.

I • All About You (COMPLETED)Where stories live. Discover now