Chapter 58

414 30 3
                                    

A N D R E I

Nandito na ako sa downtown & believe me or not, first time kong nakarating sa ganitong place. First time ko sa Canada mga bes! Naloloka ako, di pa naman ako nagdala ng english words.

Pumasok muna ako sa isang Coffee Shop malapit sa place na pagkikitaan namin ni Tin.

Nag-order lang ako ng coffee, pang-painit ng natutulog kong puso. char lagot ako kay Tin pag nagkataon na nalaman niya.

Habang nagbabasa ako ng news paper na binigay sa akin nung isang service worker, nagulat ako kay kumakatok sa window na nasa gilid ko lang.

Oh so wala rin palang pinag-kaiba ang Canada sa Manila, may mga nanlilimos di- ang ganda namang nanlilimos neto.

"Wait! I'll take a photo of you." Sabi ko sa kanya and sana nabasa niya yung bibig ko.

She smiled. *look at the picture above*

"Anong ginagawa mo diyan?" Basa ko sa bibig niya.

Sinenyasan ko siya na pumasok and have a late breakfast with me. Late kasi siya ng gising, well ako rin naman.

"Sorry, hindi ako nagising sa alarm." Sabi niya at umupo siya sa harapan ko.

"It's fine. Anong gusto mo?" Inabot ko sa kanya yung menu and tumingin naman siya ng pwede niyang kainin.

hile we are eating tinitignan ko lang siya kung anong gagawin niya sa napakalaking croissant na sinerve sa kanya.

"Anong tinitignan mo?" Sabi niya sa akin habang pinupunasan yung knife & fork niya ng tissue.

Ganyan ba dito? Ako kasi ginamit ko na agad yung utensils para sa waffles ko. Sa Pilipino hindi uubra yung nga ganyan, kahit naka kamay pa di ba?

"Uhm, wala naman." Sabi ko at intinuon ko na yung tingin ko sa waffles ko.

Nakita ko na hiniwa niya yung croissant sa plate niya and nilagyan niya ng special strawberry jam ng coffee shop na 'to. May choices din naman siya: butter & blueberry.

"Grabe ka tumingin sa akin." Sabi niya sa akin pagkasubo niya ng hiniwa niya.

Namiss ko 'to. Yung nga brunch moments namin sa Green Mall. Yung mga umagang parang ayaw ko na matapos, kasi kasama ko siya.

"Ngayon naman nakangiti ka mag-isa, okay ka lang?" Sabi niya sa akin at tinapik naman niya ako sa noo ko.

Aray! Ang sakit nun ah.

"Wala. Namiss lang kasi kita kasama." Sabi ko sa kanya at napangiti naman siya.

Buong mag-hapon kaming maglilibot sa downtown & Gastown. Mamayang hapon pa kami didiretso sa bahay nila.

Ilang araw nalang balik Manila na naman ako. Sasama kaya siya?

"Anong gusto mong puntahan?" Sabi niya sa akin paglabas namin sa Coffee Shop na kinainan namin.

"Kahit saan, wala naman akong masyadong alam dito eh." Napakamot naman ako sa ulo ko.

Ngumiti siya at kinuha niya yung kamay ko at tuluyan na kaming lumayo sa cafe na kinainan namin.

Ang dami rin palang tao sa downtown nila. Ang daming building pero hindi naman matataas, mga nasa 3 floors lang. Ang ganda rin nung mga buildings, and super fancy yung cafes & restaurants.

"Ang ganda no?" Sabi ni Tin habang hinihintay namin yung traffic light mag-red para makatawid na kami.

Hanggang ngayon magkahawak pa rin kamay naming dalawa. Hindi ko na 'to bibitawan.

I • All About You (COMPLETED)Where stories live. Discover now