Chapter 47

385 44 2
                                    

A N D R E I

"Ibalato mo nalang sa akin yan." Sabi ni Amélie kay Elaine bago ko siya yakapin.

Pero kumalas ako ng yakap nung biglang magsalita ulit si Elaine mula sa kabilang linya.

"For what?" Mataray na tanong ni Elaine sa kanya.

Napatingin naman sa akin si Amélie kaya naman napatikom ako ng bibig. Hindi ko alam natatakot na ako, sa mga pwedeng gawin ni Elaine sa amin.

"Ako na ang tatapos." Sabi ni Amélie sa ate niya at nakikita ko kung paano tumulo ang mga luha niya habang kausap si Elaine.

"Ibabalato ko 'to sayo, pero kailangan si Andrei ang kapalit." Nanlaki yung mata namin pareho nung narinig ko yung pangalan ko.

Ano pa bang kailangan mo?

"Ate stop it! Tama na 'to!" She just reached her patience.

"Then, I'll shoot this girl. Nangangati na ako, Amélie. Ang tagal kong hinintay ang chance na 'to, believe me kapag sinabi ko ginagawa ko." Nanlaki naman tung mata ko lalo sa mga sinabi ni elaine.

Hindi ko alam na ganiyan pala siya. Walang puso. Nakakagalit talaga.

Kinalabit ko si Amélie at sinabi ko sa kanya kung saan kami magkikita.

"Okay. Promise me na last na 'to." Sabi ni Amélie pero natawa lang si Elaine.

"San kayo magkikita?" Sabi ni Amélie sa kapatid niya habang ako?

Eto, unti unting binu-buo yung sarili ko. Kinakabahan ako, una dahil sa lagay ni Tin at pangalawa, yung pwedeng maging lagay ko kapag nakipagkita na ako kay Elaine.

Handa na ba talaga ako? Am I really willing to surrender my life for her?

"I'll text you the details okay? We'll make a deal first bago ko pakawalan 'to." Sabi ni Elaine bago niya ibaba yung call.

Napatingin sa akin si Amélie bago siya magsalita. Hindi mo masabi kung ano ba talaga yung nararamdaman niya.

Napahawak siya sa ulo niya bago niya ulit subukan magsalita sa harapan ko.

"Andrei, I'm really sorry. Please forgive her." Sabi niya bago tumulo ang mga luha na kanina pa gusto kumawala.

"Kelan daw ako pupunta dun? I need to see her. Please kahit ako nalang, wag niya lang saktan si Tin." Nakatingin ako sa mata niya at nakita ko yung awa sa kapatid niya na si Elaine.

Hindi ko alam na aabot kami sa ganito. I really don't know, the fuck.

"I'll forward it to you, drei. Have a rest first." Sabi niya sa akin.

Nung isang araw pa akong walang tulog at walang maayos na pahinga. Kakaisip sa mga nangyayari sa paligid ko.

I decided to go home sa unit ko, I know this is a tough battle. But si Tin? She's worth all the risk, kung eto talaga yung katapusan ko, I'm would be glad kasi atleast nakabawi ako sa kanya.

"Kuya." Sabi ni Vince pagbukas niya sa pinto ng unit namin pero dumiretso lang ako sa kama ko.

Humiga ako dun kahit hindi pa ako kumakain buong araw. Pagod na ako. Pagod na pagod ako, pero para kay Tin kayang kaya ko pa.

"Andrei." Isang pamilyar na boses yung narinig ko pagsara ng pinto ni Vince

Pag-angat ng ulo ko nakita ko si Des and Kib. Agad naman akong nilapitan para yakapin, pero bago pa nila ako mayakap. Nayakap ko na sila.

I • All About You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon