07

152 12 10
                                    

Chapter 7

Grocery Store




Claire's Pov

Hi pov ko na naman pala, lab na lab talaga ako ni otor hahaha. So back to the story, nandito kaming lahat ng mga baliw kong kaibigan sa bahay nila Kaylee. Well naisipan kasi namin mag sleep-over and ito na siguro ang pang seventh time na gagawin namin ito.

Wala rin kasing kasama si Kaylee sa bahay nila ngayon dahil yung parents niya is nasa Korea at wala naman kapatid si Kaylee so sasamahan namin siya ngayon gabi.

"Gurls magmovie marathon naman tayo oh" suggest ni Luna habang bored na bored na nakahiga sa sofa.

"Oo nga noh? Kay may mga movies ka ba rito?" Tanong ni Elle.

"Marami dyan puro horror pa. Ang kaso lang e wala tayong foods" nakapout na sabi ni Kaylee.

"Edi bumili. Maaga pa naman oh, siguro may bukas pang grocery store" sabi naman ni Chloe.

"Ok so sino sasama? Ako sure na at syempre hindi naman pwedeng ako lang mag-isa duhh" sabi ni Kaylee at tumayo para mag-ayos ng buhok.

"Sasama me, wait lang magpapalit lang akong t-shirt" excited na sambit ni Sofia at dumiretso na sa kwarto.

"Ako rin sasama ako, baka ayaw ko yung bilhin niyo hahaha" Chloe

Bigla naman akong napaisip kung sasama ba ako or hindi. Kasi ewan ko, gusto ko sumama kasi nararamdaman ko na may magandang mangyayari ang kaso lang e inaatake naman ako ng katamaran hayst.

"Claire sama ka na!" Nagulat na lang ako nang bigla akong kinalabit ni Sofia.

Well ok fine sasama na rin ako.

"Eh sige, ayos naman na itong suot ko diba?" Tanong ko sakaniya at napatango-tango lang siya.

Yung suot ko kasi is short na white at black na crop top, feeling ko mukha akong endorser ng modess hahaha hayst bahala na.

"Ako si Claire, Chloe at Sofia yung bibili ng foods at kayo pumili na kayo ng movies ah. Saglit lang naman kami." Sabi ni Kaylee bago kami umalis.

Share ko lang, kaming lahat pala ay nakashorts ang pinagkaiba lang ay nakatshirt silang tatlo.

"Tricycle na tayo, delikado na maglakad oh" sabi ni Sofia.

"Sige, ay teka ayun oh-- KUYA GROCERY PO!" Sigaw ni Kaylee kay kuyang tricycle driver na halatang nagulat.

Sumakay na kami sa tricycle ni kuya at kaming dalawa ni Chloe ang nasa tabi ni Kuyang tricycle driver habang nasa loob naman sila Sofia at Kaylee. Inunahan kami e -_-

*****

After ng ilan minutes ay nakarating na rin kami sa grocery store. Tuwang-tuwa naman kaming tatlo nina Sofia at Chloe dahil nilibre na kami ni Kaylee ng pamasahe.

"Oy hindi yon libre ah, babayaran niyo ako mamaya!" Sabi naman ni Kaylee pero binelatan lang namin siya hahahaha

Bago pumasok ay nagplano muna kami like kung sino ang bibili ng drinks o junk foods.

Claire - Chicheria
Sofia - Popcorn
Chloe - Drinks
Kaylee - Mga sweets

"Uy hindi ko kasalanan pag hindi niyo nagustuhan mga pinamili ko ah" sambit ko sakanila pero tinawanan lang nila ako.

"Hahaha basta damihan mo ah. Kita-kita na lang tayo sa counter." Sabi ni Chloe.

Naghiwa-hiwalay na kaming apat at syempre ako dumiretso na agad sa mga chicheria.

Kumuha na rin ako ng basket kasi sure naman ako na hindi ko mabubuhat lahat yon. Ang napili ko na lang na kuhanin ay mga malalaking chicheria para hati-hati na lang kami at hindi na magsosolo.

Mayroong Chippy, Mr Chips, Vcut, Tortillos, Nova, Piattos at marami pang iba. Ang kaso lang ay wala pa akong nakikitang Roller Coaster chips, eh ayun pa naman yung favorite ko.

Nag ikot-ikot lang ako at nagbabasakaling may makikita akong Roller coaster at hindi nga ako nagkamali dahil may nakita akong nag-iisang Roller Coaster na nakahalo sa lagayan ng mga cereal.

Naisip ko siguro may isang bata ang hindi pinayagan ng magulang na bilhin yung Roller Coaster hahaha ang swerte ko naman!

Kukuhanin ko na sana ito pero sa 'di sinasadyang pagkakataon ay kamay ang nahawakan ko imbes na yung chicheria.

Dumiretso agad ang tingin ko sa taong nagmamay-ari ng kamay at laking gulat ko nang mapagtanto ko kung sino ito....








Sheeeeeeeeeeet!! Anong ginagawa ni Ethan dito!?

*****

Ethan's Pov

"Oy ba't nasa iyo yung cellphone! Ikaw ha baka nagbabasa ka na dyan" sambit ni Tristan na nagpagulat sa akin dahil  hawak ko pa rin yung phone niya.

Sh*t nahuli niya ako.

"Oh ayan na" sabi ko at inabot sa kaniya. "Chinat ko lang si Claire, naiwan ko yung cellphone ko eh"

Nakakainis lang kasi sa dinami-dami na pwedeng maiwan ay yung cellphone ko pa talaga tsk. Akala ko kasi nasa bulsa ko na yung pala akala ko lang psh.

"Tsk tsk ikaw talaga kita mong kachat ko siya e" sabi niya habang nakapout psh

"Tss anong paki ko edi ichat mo na lang ulit mamaya. Psh saan pala tayo pupunta?"Tanong ko dahil gusto ko muna ilayo yung topic kay Claire. Ayoko siyang pag-usapan lagi dahil baka mamaya ilan beses na siyang nasasamid, nakakaawa naman haha.

"Daan muna tayo diyan sa Groceryhan naccr na ako e, tas ikaw bumili ka ng pagkain natin. Puntahan natin si Benj." Sabi niya at nagsimula nang maglakad papunta grocery kaya napakibit-balikat na lang ako at sumunod sa kaniya.

Pagkapasok namin sa grocery ay pansin ko na medyo marami rin tao at mahaba rin ang pila sa counter. Psh maghihintay pa ako nang matagal.

"Ethan cr lang ako ah, pili ka na ng makakain natin" sabi ni Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa restroom.

Kumuha na ako ng basket at inuna ko muna yung mga pagkain. Nasa kalagitnaan na ako ng pamimili ng aming drinks nang makita ko ang isang pamilyar na mukha.

Teka si Chloe toh ah? Siya lang kaya mag-isa? Tanong ko sa sarili ko.

Magkakasalubong na sana kami nang bigla akong tumalikod dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung sakaling mag haharap kami. Baka mamaya magtanong pa siya about kay Claire.

Nagdire-diretso ako ng lakad hanggang sa mapunta ako sa bilihan ng mga chicheria. Tss asan na ba si Tristan? Hindi ko siya matawagan or matext kasi wala akong dalang cellphone!

Napahinga ako ng maluwag nang mapansin kong sa kabilang direksyon na pumunta si Chloe. Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagpili ng mga pagkain at bigla kong napagtanto na walang Roller Coaster! Sh*t ayun pa naman yung hinahanap ng dila ko.

Napunta ako sa seksyon na bilihan ng mga cereal at kumislap bigla ang mga mata ko nang makitang may roller coaster dito na nakahalo.

Kukuhanin ko na sana ito nang mapansin kong may babae rin na balak kuhanin ito kaya binilisan ko ang kilos ko dahil baka maunahan pa ako pero hindi ko inaasahan na magkakahawak kami ng kamay.

Sa 'di malaman na dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya bigla akong lumingon sa babae at nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Claire ito!!



Oh sh*t!





"Cla-Claire?"

"E-Ethan?"

**********

Truth or Dare (ON-GOING)Where stories live. Discover now