09

163 12 9
                                    

Chapter 9

Si Ethan




Claire's Pov

"Salamat din, ingat ka"

"Salamat din, ingat ka"

"Salamat din, ingat ka"

"Salamat din, ingat ka"

AHHHHHHHHHHH MABABALIW NA AKO!!

Kanina pa yan nagpapaulit-ulit sa isip ko! Hindi na rin ako makapagfocus sa pinapanood namin ngayon dahil kay Ethan!

"Claire, okay ka lang?" Rinig kong bulong sa akin ni Lexi

Ngumiti at tumango lang ako sa kaniya bilang sagot. Ewan ko ba, wala rin kasi ako sa mood magsalita.

Ngumiti naman siya pabalik at ibinalik ang tuon sa palabas. Napabuntong hininga na lang ako at naisipan na kumain. Kumuha ako ng popcorn at sinubukan magfocus sa palabas para makalimutan si Ethan pero...

"Ay Claire ba't pala walang roller coaster?"

O.O

"AHHHHHHH ayoko ng roller coaster! Ayoko ng grocery store! Ayoko ng bunny smile! Ayoko ng salitang ingat! Ayoko ng--"

Napatakip ako bigla ng bibig ko nang marealize ko ang lahat ng pinagsasabi ko. Shet baliw na ata talaga ako!

Napatingin ako sa mga kaibigan ko at halata sa mga mukha nila ang pagtataka.

"Anong pinagsasabi mo dyan Claire? Pati ano? Ayaw mo ng roller coaster eh diba favorite mo nga yon!" Nagtatakang tanong ni Luna.

"Ah haha baka nagsawa lang talaga ako" Sagot ko naman at awkward na tumawa.

"Eh ba't nasama yung grocery store, bunny smile at salitang ingat?" Tanong naman ni Hazel

"Ayaw mo na ba ng bunny smile ko?" Sabi naman ni Kaylee at nagpout.

"Hindi wala lang yon. Marami lang tumatakbo sa isip ko ngayon." Saad ko.

"Tulad ng ano? Or I mean tulad nino?" Nakasmirk na tanong ni Sofia. Hala nakakahalata na kaya siya?

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Myra kay Sofia.

"Eh kasi kanina sa grocery store nakita namin na magkasama si Claire at Ethan" Sabi niya dahilan para mapatingin silang lahat sa akin. Waaahhh pahamak naman itong si Sofia oh T^T
Magsasalita na sana ako nang bigla akong unahan ni Elle.

"Magsabi ka nga ng totoo Claire kay-"

Hindi natapos ni Elle ang kaniyang sasabihin nang magsalita si Lexi

"Huwag mo na ituloy yan sasabihin mo. Maglaro na lang tayo ng Truth or Dare!" Excited niyan saad.

"Ok fine" Sabi naman ni Elle pero nakatingin pa rin ng seryoso sa akin.

"Eto na yung bote oh, may naisip din ako para masaya!" Sabi ni Chloe. "Teka may isip ka ba?" Natatawang sambit naman ni Lexi dahilan para hampasin siya ni Chloe.

Natawa lang kaming lahat at tsaka ibinalik ulit ang tuon kay Chloe.

"Ang naisip ko ay dapat may rules! Una, kapag nagtruth ka eh sa susunod na turn mo ay bawal ka ulit mag truth dapat dare naman, kumabaga bawal maulit ne? At ayun isa lang naisip ko hehe." Chloe

"Sige pwede na yan. Start na tayo ako muna magpapaikot." Sabi ni Luna at ipinaikot na ang bote.

Sh*t huwag ka tumapat sa akin! Ayoko mapaamin ng wala sa oras.

Huminto na ang bote at

YESSS! Kay Sofia ito tumapat at si Kaylee ang magtatanong.

"Ok Sofia, truth or dare?" Tanong sa kaniya ni Kaylee

"Truth" Mabilis pero kalmadong sagot ni Sofia.

"Woah bilis ah, osige uhmmm simple lang itong tanong ko kaya sagutin mo sana nang totoo." Sabi ni Kaylee "Sure" Kampanteng sagot naman ni Sofia.

"Ok so sinong latest crush mo?" Ang tanong ni Kaylee.

Napatigil naman saglit si Sofia dahil siguro hindi niya inaasahan na ganun yung tanong. Napansin ko naman na napatingin muna siya sa akin at napalunok bago magsalita.

"U-uh si ano,

















si Ethan."

**********

Eyyyyy pasensiya na guys maikli lang yung naupdate ko ngayon. At isa pa sorry rin po kasi opo naalala ko na sinabi kong sa monday ako mag-uupdate pero ngayon tuesday na ako nakapag-update dahil sa sobrang busy talaga kahapon at maraming gawain kaya sana maintindihan niyo po hihi.

Sana po magustuhan niyo~^^
Lovelots♡♡♡

Truth or Dare (ON-GOING)Where stories live. Discover now