11

144 11 21
                                    

Chapter 11

Kaibigan




Tristan's Pov

Bumalik ulit ako rito sa restroom pagkatapos kong kausapin si Claire. Hindi ko alam pero parang nakaramdam kasi ako ng hiya dahil sa itsura ko ngayon.

Btw black hoodie and pants ang suot ko ngayon.

(*kriiiiing kriiing*)

Ethan Calling

Hayst si Ethan lang pala.

"Oh bakit?"

"Ang tagal mo naman bakit ba bumalik ka ulit sa Cr?"

Mainitin talaga toh -_-

"Papunta na ko dyan naiwan ko lang yung wallet ko."

Naiwan ko naman talaga yung wallet ko pero ang totoong dahilan kaya bumalik ako ay para magsalamin, inayos ko lang yung buhok ko kasi ang gulo pala kanina.

Nakakahiya kay Claire!

"Bilisan mo na tapos na ako oh."

"Oo na pero teka, humiram ka ulit ng cellphone kay Claire?"

"Hindi, kanina pa umalis sila Claire. Kay Caleb ako nanghiram, nandito rin pala siya."

(Caleb - Suga)

"Ay ganun ba? Sige sige punta na ko dyan"

(End call)

Nakaalis na pala sila Claire:(

Aaminin ko, may gusto ako kay Claire matagal na. Unang kita ko pa lang sa kaniya parang tinamaan ako ng pana ni kupido e.

Kaso hindi ko ipinapahalata at hindi ko rin maamin dahil may gusto si Ethan sa kaniya at isa pa.........baka iwasan niya ako, ayokong masira yung pagkakaibigan namin.

*****

Ethan's Pov

"Papunta na raw siya." Ibinalik ko na yung cellphone kay Caleb at kinuha naman niya ito. "Ano pala ginagawa mo rito?" Tanong ko. Sakto kasi pagkatapos ng turn ko sa counter e biglang pumasok si Caleb.

"Bibili akong pagkain naubusan na ako ng stocks." Tugon niya.

"Pupunta kami sa bahay ni Benj, gusto mo sumama?" Tanong ko ulit. "Hindi na, tinatamad na rin ako." As usual matutulog lang ito. Sa amin magtotropa kasi eh si Caleb talaga ang pinakamahirap ayain lalo na pag galaan. Mas pipiliin niya talaga yung kama niya kaysa sa amin.

"Woah Caleb himala at napalabas ka ng bahay" Nandito na pala si Tristan.

"Tsk minsan lang toh noh" Sabi ni Caleb. "Sige na mauuna na ako, dami ko pang bibilhin." Dagdag niya pa.

"Sige sige aalis na rin kami." Paalam ko. "Ingat kayo!" Sambit niya.

"Yieeee concern si fafa Caleb" Pang-aasar ni Tristan kay Caleb.

"Gag*!" Sigaw niya sa amin at tinawanan lang namin siya.

Sinamaan niya lang kami ng tingin at tsaka tumalikod na sa amin.

"Hahaha tara na nga, malapit na pala mag 10pm" Sambit ni Tristan.

Naglakad na kami papunta sa kotse ni Tristan pero nagpresinta rin ako na ako na ang magdrive at pumayag naman siya.

Truth or Dare (ON-GOING)Where stories live. Discover now