8

2.6K 56 2
                                    

Deanna's POV
@BDL resto

Walang ka tao tao dito sa resto ni Bei dahil reserved to para sa amin.

Shempre andito kami ni Bea at Ate Ly, Amy, Kat, Ate Den, Jho, Jema, Maddie, Ponggay, Jaja, Dani and Vannie

Oh diba ang rami namin. Nasa MOA yung resto nila Bea kaya nagtataka ang mga tao kung bakit close ang resto nila, famous kasi tong BDL resto

"Chef Chi, cook all the foods they want" utos ni Bea

"Yeheyyy, ako gusto ko matikman lahat ng foods" sigaw ni Ella

"Chef Chi, sundin mo ang uutusin nila, may pupuntahan lang kami nila Deanna at Ate Ly" dagdag ni Bea

"Yes po" sabi ni Chef at inentertain sila ella

"San kayo?" Tanong ni Kat at dahil dito ay ang atensyon ni Jema, Den at Jho ay nasa amin

"NBS" maikling sagot ko

"Ahhh, ikli ng sagot mo baby D" maktol ni Kat

"Last question, san kayo aaral?" Seryosong tanong ni Amy

"ADMU" Simple kong sagot at naghiyawan sila

"Why?" Cold na tanong ni Aly

"Kasi pwede namin kayo ma recruit" sabi ni Amy at natakpan niya ang kanyang bibig noong na realize niya ang kanyang sinabi

"I- I mean pwede namin kayo recruit sa band" sabi ni Amy

"Yeah oo nga" gatong ni Kat para maniwala sila

"Geh, una na kami, order lang kayo diyan" sabi ni Bea

We are heading to National Book Store at andito kami sa may section kung saan banda ang Harry Potter Books, well we like magical stories eh

"So bibilhin mo ba yung set?" Tanong ni Bea

"Yep/Yeah" sabay naming sagot ni Ate ly

"Eh kompleto niyo na lahat ng libro ah" maktol ni Bea

"Bibili kami" final kong sagot

"Bibili na rin ako eh, pero pwede bukas nalang" sabi niya

"Ok, tara alis na tayo" sabi ko ng may tumawag ng pangalan ko

"Deanna" sigaw ng kung sino at lumingon kami tatlo

"So si Deanna na kayong tatlo" sarkastikong sabi ni Fhen.

Yup si Fhen Emnas yung nakita namin, naging kaibigan namin siya sa US, tito niya yung stock holder ng company, binisita niya raw yung pinsan niya dun last year, alam namin yung lahat ng past niya pero hindi niya alam yung sa amin

"Akala ko ba ayaw mo magbasa ng libro, eh bat ka andito" sabi ni Bea

"Ay taray mo teh" natatawang sabi ni Fhen

"Well, I'm here with my cousin, yung binisita ko sa US" sabi niya

"So? Dito na kayo for good" tanong ni Ate ly

"Yep, sa ADU ako aaral pero si Jessa, yung cousin ko sa ADMU" sabi niya

"Ahhh okay"sabi ni Ate ly

"Naka ilang mention ka na diyan sa pinsan mo pero hindi pa namin yan nakikilala, sa US ba siya nakatira? Baka ma nosebleed kami kaka english" sabi ko

"Kala mo din kung hindi kayo tumira sa US" sabi niya

"Kahit na, we entered a Filipino school" sabi ko at dumila sa kanya

"Wait tatawagin ko lang ha, andun siguro yun sa Harry Potter na section" sabi niya at umalis

"Pareho sila ni Ate Jia, mahilig sa Harry Potter" malungkot na sabi ni Ate Ly

Si ate Jia, siya yung taong nagturo sakin pano mag volleyball at pano maging setter, siya yung nag impluwensiya sa amin tatlo na magbasa ng Harry Potter.

Habang wala pa sila ay nag cellphone muna kami

"Well guys, here she is, Jessa Emnas" sabi niya at napa angat kami ng tingin

Nagulat kami sa nakita namin at niyakap siya bigla

"Who are you, Why are you touching me" sabi niya

"H-hindi mo na ba kami naaalala" naiiyak kong sabi

"No, but you look familiar" sabi niya

"Jess, baka magkakilala kayo at nakalimutan mo lang" sabi ni Fhen at bumling samin ang tingin niya "sorry ha, sabi kasi ni tito nasangkot siya sa isang car accident sa US kaya may amnesia siya" sabi ni Fhen

"Sorry but Fhen can we go, I really need to buy this Book" sabi niya at pinakita yung libro ng Harry Potter

"Sige guys una na kami" paalam ni Fhen

"I-im possible" nauutal na sabi ni Bea

"T-totoo ba yun?" Sabi ni Ate Ly

"Baka si Ate J-





























-------------------
A/N

Cliffhanger muna HAHAHAHA, next update niyo nalang malaman kung sino at bago tayo pumasok sa love life nila Bea, Aly at Deanna, siguro short flashback muna.

I hope you enjoyed this Chapter, see yah in next update:)

This is our fightWhere stories live. Discover now