17

2.1K 51 3
                                    

Jema's POV

Nakakabwiset si Deanna, simula nung Linggo na pinakilala niya si Ricci bilang fiancé niya, hindi na niya ako masyadong pinapansin, kaya andito ako ngayon sa room namin, nakikinig sa boring na lesson at second day na namin

*toot

Hala may nag text, sino kaya?

Tiningnan ko yung phone ko

Ahh yung secret fiancé ko yung nagtext

OTP
Fiance: Good morning hon

Me: Morning din

Fiance: San ka?

Me: Classroom po

Fiance: Wow ha, marunong ka pala mag po

Me: yes naman, magalang kaya ako

Fiance: Sige bye na hon, nag bell na eh

Nag bell sa kanila? Eh nag bell din dito

Possible kayang andito rin yung fiance ko

"Jems, tara na" yaya ni Ella

"Lutang nanaman si Jema Galanza" sabi ng isang pamilyar na boses na nagpangiti sa akin

"Oh ba't ka andito?" Tanong ko

"Bumabawi ako sa best friend ko eh, may nagsabi kasi sa akin na nagtampo raw dahil hindi ko masyado pinapansin" sabi niya

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Sinuntok ko ng mahina yung balikat niya

"Ang daya mo naman Deans, porket andyan na yung fiance mo eh kakalimutan mo na ako?" Sabi ko

"Sorry na, babawi na ako" nakangiting sabi niya sa akin at may naramdaman akong kakaiba sa tiyan ko

"Yow tara na nga, gutom na ako" sabi ni Ella na lumabas na ng room at umalis, sumunod rin kami sa kanya

Marami akong naririnig na nagtitilian dahil kay Deanna, psh bitay ko kayo diyam isa isa eh

"Nakakunot nanaman noo mo Jems, bakit?" Tanong niya

"Maraming hipon baka agawin bespren ko" sabi ko

"Tsk, ang possesive naman" tukso niya

"By the way san si Ricci?" Tanong ko

"Sa UP pinaaral para daw hindi kami magkita ng isang buwan, para exciting daw sa engagement party" naiirita niyang sagot

"Ba't si Maddie pati Kat andito pa rin?" Tanong ko

"Well dito sila aaral pero bawal daw sila magtabi o magsama ng sila Aly at Maddie lang, same as Bea and Kat" paliwanag niya at andito na kami sa cafeteria

"Jema, Deannan, dito oh" kaway ni Vannie sa amin at umupo kami

"Bili muna ako ha" sabi ni Den

"Ako din" sabi ni Jho

"Anyare doon? Ba't parang bad mood" tanong ko

"Hindi daw nag reply yung mga fiance nila" paliwanag ni Maddie with a smirk on her face

Hmmmm something is going on here na hindi namin alam

"Tss buti pa fiance ko ang sweet at nag reply" sabi ko

"Baka ma fall ka diyan sa secret fiancé mo Jems" sabi ni Dani

"Maybe? Pero sana mabait siya, maalaga, matululungin at masipag" sabi ko at dumating na si Den at Jho na nakabusangot ang mukha na may dalang pagkain

"Kahit ganun lang okay na sa akin" dagdag ko

Panay naman ang tingin ni Amy kay Ella, ganun rin si Aly kay Den, si Bea kay Jho

"Guys, Hon excuse me muna, tatawagan ko lang si daddy" paalam ni Maddie

"Your dad or mine?" Tanong ni Aly

"Yours" sabi ni Maddie

"Bakit?" Seryosong tanong ni Aly

"Ah eh, may sasabihin  sana ako para sa engagement party eh" nauutal na sagot ni Maddie

"Sige" malamig na tugon ni Aly










Maddie's POV

Nung nakalayo na ako sa cafeteria, nilingon ko muna ang paligid kung may tao, nung kakaunti nalang ay tinawagan ko na si Tito Ruel

Dialling tito Ruel......

OTP

"Morning Maddie, bakit?" Bungad sakin ni tito

"Well tito, the progress is going perfectly" sabi ko

"Well how's-"

"Good, Perfect, before the engagement everything will be alright" putol ko sa sasabihin niya

"Thank you for agreeing to this plan, alam na din ni Ricci at Kat ito, don't worry after ng engagement babawi ako sa inyo, I really owe you three big time, well how can I repay the things that you do?" sabi niya

"Well tito I have an idea" sabi ko

"What is it?" Tanong niya

"After engagement party nalang, bye po tito " sabi ko

"Bye iha, salamat ulit" sabi niya at tinapos ang call







-------------------
Bakit kaya malaki ang 'utang' ni Mr. Valdez kay Ricci, Maddie and Kat?

Well you will know the answer in the engagement party😝

Hope you enjoyed this chapter and see yah in the next update:)

This is our fightWhere stories live. Discover now