11

2.5K 49 2
                                    

Deanna's POV

"Maam pumunta po dito si Ricci kanina, mukhang nagtampo kasi hindi niya daw alam na uuwi na kayo dito" sabi ni Kuya, nung nakarating kami sa bahay at kumunot ang noo ni Jema

'Ka cute ba ouy'

"Ganun talaga yun si Ricci kuya, hindi ka pa nasanay" sabi ko

"Tara sa sala guys" yaya ni Ate ly at sumunod silang lahat maliban sa amin ni Bei

"Kuya uwi muna kayo sa pamilya niyo, balik nalang po kayo sa monday, pakisabihan nalang din po yung iba" utos ni Bea

"Thank you po" sabi ni kuya at umalis na

Nakatayo lang ako sa harap ng pinto, nagdadalawang isip kung sasabihin na ba talaga namin sa kanila

"Deans tara na, pero kung ayaw mong mag kwento ok lang" sabi ni Bea at hinawakan ako sa balikat

"Hindi Bei, they are our friends din kasi tapos sasabihin nalang din natin kay Fhen para fair" sabi ko

"So, let's go" yaya ni Bea at pagpasok namin ay sisigaw sana kami na meron kaming sasabihin kaso nakita namin na nakapabilog silang lahat at may space banda kay ate ly

"Guys? Anong meron?" Sabi ko

"Sabi ni ly may sasabihin daw kayo" sabi ni Ponggay

"Oo nga pero bat kailangan nakabilog?" Taka kong tanong habang umupo sa tabi ni Ate ly

"Para cool" sabi ni Jaja

"Jaja magkapatid ba kayo ni Jho?" Tanong ni Bea

"Yup, hindi halata noh kasi mas maganda ako diba Bei?" Nakakaasar na tanong ni Jaja at kumunot ang noo ni Jho

Mukhang na gets naman ni Bea yun at sinabayan niya yung trip ni Jaja

"Oo naman Jaja" sabi ni Bea at kumindat kay Jaja

Maslalo namang kumunot ang noo ni Jho at mukhang sasabog na si Jho

"Selos ka Jho? Pulang pula ka na sa galit oh?" Nakakaasar na tanong ni Den

"Porket wala kayong progress ni alndjxdnkdo" hindi natapos ni Jho ang kanyang sasabihin kasi tinakpan ni Den yung bibig niya

"Tama na nga yan, so ano yung sasabihin niyo?" Tanong ni Vannie

"Tungkol ito sa away ni Deanna at Amy" panimula ni Aly

"Anong meron dun? Diba bati na sila?" Tanong ni ella

"Besh, shut up muna" sita ni Den

"It was about our best friend, she died years ago and nakita namin siya kanina sa NBS, hindi namin alam kung kamukha niya lang yun o siya talaga kaso diba patay na nga siya" sabi ni Bea

"Dati before she died, we we're the quadritos, since when we are on our diapers we were best friends" sabi ko

"She was our setter nung Shakeys V League Juniors, yung kayo pipili ng ka team niyo" sabi ni Bea

"Ah kayo yung champion nun, yung squad niyo,nakalaban namin kayo tapos ang hirap niyong talunin" sabi ni Jema

Ah kaya pala comfortable ako sa kanya kasi nagkita na kami dati

"S-she was ate Jia Morado" sabi ko

Na shock silang lahat

"Yung na awardan ng best setter of the year for her age" sabi ni Den

"Namatay siya dahil sakin" malungkot kong sabi

"Deanna, don't blame yourself" sabi ni Amy at ngumiti ako ng mapait

"B-bea ikaw nalang mag kwento please baka d ko kayanin" pagmamakaawa ko at tumango siya

"3 weeks after ng Shakeys V League" panimula ni Bea

Flashback

































--------------------
Sorry guys cliffhanger muna:)

Hope you enjoyed this chapter and see yah in the next update

This is our fightWhere stories live. Discover now