Chapter Two : Books & Games

3 0 0
                                    

Books & Games

Chapter Two

"Its good to have you back on the team, Allyson." Nakangiti akong nagpasalamat kay Coach Barrameda dahil sa pagtanggap niya ulit saakin. "Next week, start na ang try outs. I want you there." Tumango ako sa kaniya bago umalis ng kaniyang office.

Varsity ako sa volleyball, kaya lang hindi ako nakasama last year dahil kailangan kong atupagin ang grades ko para grumaduate na Summa Cumlaude ngayong year. At ngayon na maayos na, babalik na ako sa extra curricular ko.

"Hey, Captain." Inirapan ko si Aira na nakasalubong ko sa paglabas.

"That's impossible. Nawala ako ng 1 year."

"Nothing's impossible kay Coach." Ngumiti nalang ako bago magpaalam sa kaniya.

Hindi ko naman inaasam na magiging captain pa ako dahil nawala nga ako lastyear at may mas deserving pa maliban saakin.

Dumaretsyo ako sa soccer field para sunduin ang mga kapatid ko. Pero nung makita ko na nagtetraining palang sila ay umupo nalang ako sa isang bench at nilabas ang isang fiction book. Nawawala ako sa realidad kapag nagbabasa, pero hindi niyon matatakpan ang ingay ng tili at sigaw ng mga babae na nandito. Mukhang meron kasing maglalaro sa basketball court na malapit saakin kaya talaga malakas ang tili ng mga babae.

"Omg! Fajardo is now a student in our school!"

"Shocks nakita ko siya kanina sa gate! Ang hot niya!"

Hindi ko alam kung malakas lang ang pandinig ko o talagang sinisigaw na nila ang pinaguusapan nila.

Nang hindi na ako makatiis ay sinarado ko na ang librong hawak at nilagay sa bagpack ko. Alas kwatro palang ng hapon at mamayang ala sais pa ang tapos ng training ng mga kapatid ko. Gusto ko na nga sanang magpasundo kaya lang nasasayangan ako sa gas na pabalik balik dito sa school. Kaya ko namang hintayin sina Alex kaya pagtitiisan ko na itong basketball game dito.

Namataan ko si Angela sa di kalayuan kasama ang mga alagad niya na nagtitili kahit wala pang game.

Nilabas ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Ally! Can you go to court 5 and reserve seats." Yumi. "Allyson!"

"Yes! I'm here and-" Nagsasalita pa ako pero pinatayan niya na ako ng tawag. Matalino tong si Yumi e pero may pagkabastos.

Tumunog ulit ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon.

"Nasaan ka part?" Luminga linga ako baka makita ko si Yumi.

"Gilid ng engineering dept. Malapit sa door."

"Got it." Pinatay niya ulit ang tawag at narinig ko nalang ang sabay nila ni Mimi na tili sa gilid ko. Inirapan ko sila dahil sa lakas ng tili nila. Hindi lang sa books magaling ang mga kaibigan ko, magaling rin sila sa paglanghap ng balita.

"Akala ko uuwi na kayo?"

"Trial game ni Yvo Fajardo ngayon!" Mimi. Nagtatalon pa siya na parang pusa. Oh well, mukha naman talagang pusa si Mimi. Bagay na bagay sa nickname niya.

"Sino yun?" Inirapan nila akong dalawa.

"Hindi mo kilala si Yvo pero nandito ka manonood?"

"Ang lalakas ng tili kanina e. Nakisingit nalang ako."

Lumakas ang tili ng mga babae kaya lumingon kami sa court. Nandun na ang ibang players. Nakita ko si Coach Barrameda at iba pang coaches na mukhang manunuod rin. Yung Yvo ba na sinasabi ni Mimi ang gusto nilang makitang maglaro?

Lumakad ang isang lalake palapit sa bench at doon na nagwala ang mga babae. Kasama na doon ang dalawa kong kaibigan na babasagin na ang eardrums ko.

Mas umingay ang mga babae at gumawa pa ng chant na puro 'Yvo'.

"Omg, Ally! Ang hot niyaaa!" Nagtatalon ulit si Mimi na sinabayan rin ni Yumi. Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa na sinisigaw rin yung chant.

Naging doble ang ingay nung magtanggal na ang players ng mga jacket at ipakita ang kanilang mga jersey. Namataan ko ang isang lalake na parang modelo sa pagtanggal ng kaniyang jacket. Nakatalikod ito kaya pangalan sa likod ng jersey ang agad na nakita. Lumakas ang hiyaw ng mga babae nang humarap ito at seryosong iniikot ang mata.

Napanganga ako ng maalala kung sino siya. Siya? Siya yung nakabungguan ko sa mall at siya rin yung natapunan ako ng ice cream sa t shirt na hindi ko na nagagamit ngayon!

Umiiling ako at hindi makapaniwala sa nakikita. Nang tumingin ulit ako sa court ay nakita kong may tinitignan siya sa harap ko. Oo sa harap ko. Assumera na kung assumera pero nagkatinginan pa kaming dalawa. Iniwas ko ang tingin ko at tumingin sa mga kaibigan ko na nagtutulakan na.

"Ughhh! Tumingin siya rito!" Yumi.

"Omg! Sino ang tinignan niya?" Luminga linga si Mimi hanggang sa tumigil ang tingin niya saakin. "Ikaw ba, Ally?"

Umiling ako at itinuon na ang atensyon sa game. Ang lakas ng hiyawan kapag si Fajardo ang nakaka shoot ng bola. Tama nga sila, magaling siya at malinis siyang makipaglaro. Hindi man lang siya ngumingiti kahit na sinasamba na ng mga babae ang pangalan niya.

Natapos ang game na nanalo ang group nila. Nagtakbuhan ang mga babae palapit kay Fajardo kasama na ang mga kaibigan ko. Good thing hindi nila ako nahila.

Pagkatapos ng game ay hindi na ako nag-abala na hanapin sina Yumi at Mimi. Sina Alex nalang ang hinanap ko para makauwi na kami. Nakita ko naman si Alec na nakaupo sa isang bench.

"Where's Alex?" Ngumuso si Alec at tinuro ang kumpol ng tao sa basketball court. Umupo nalang ako sa tabi ni Alec. Siguro naman babalik agad si Alex e.

"You watched, Ate?" I nodded.

"Kanina pa ako nandito. Pero you guys are still training." Tumango nalang siya. Sabay kaming lumingon ng marinig ang tawanan. Kasama ni Alex si Angela. Tumayo na kaming dalawa ni Alec para sabay sabay ng makauwi.

"Varsity ka na ba ulet?" Turo saakin ni Angela na tinanguan ko lang.

Kinuha ko na ang ibang gamit nila Alec at sabay sabay na kaming umuwi.  Nakarating kami sa bahay at sinalubong kami ni Mommy. Humalik ako sa pisngi niya ng maabutan ko siya.

We had dinner at kasama rin si Daddy. They were smiling dahil kumpleto raw kami. Oh well, hindi naman ako yung laging wala.

__

Nikie's Note

Love, Hate & Everything Between is not affiliated with any published books. This is pure NikieDom made fiction.

Love, Hate & Everything In BetweenWhere stories live. Discover now