Chapter Three : The Ball

2 0 0
                                    

The Ball

Chapter Three

Boring ang buhay ko before I completely fell inlove with volleyball. My parents were hesitant at first sa pagpayag na sumali ako dahil ang nakikita lang nila ay ang pagkahilig ko sa libro. It kinda changed me a little. Hindi na ako ganon kahiyain and I can now start a conversation with other people.

After a chill week at school, naging busy na ako dahil sa volleyball. Buti nalang talaga at onti nalang ang subjects ko ngayong year.

Ngumiti ako ng pumasok sa gym. Lumapit muna ako kay Coach at binigay niya naman saakin ang isang clipboard na naglalaman ng mga names ng mga magta-tryout. I am the newly elected Captain of the Volleyball Team. Nakakatuwa nga na kahit hindi ako nakasama sa kanila last year ay nabigyan parin ng pansin ang kakayahan ko.

Nasa kalagitnaan kami ng tryout ng pumasok si Coach Alvarez ng Basketball team. Mukhang tryout rin nila kasabay namin. Nagtilian ang mga ladies ng magpasukan na ang varsity ng basketball.

Oh my god, here we go again.

I had to clap my hands to get their attention. Tinuon ko ang atensyon sa tryout pero ng lumapit si Coach Alvarez kasama si Stanley ay nawala iyon. Nag-congratulate sila saakin. Lumapit din saamin si Coach Barrameda at nagusap na sila ni Coach Alvarez.

"Ikaw rin ba ang Captain?" Tanong ko kay Stanley na nasa tabi ko na pala.

"Hindi pa nakakadecide si Coach." Narinig ko ang buntong hininga niya kaya naman nilingon ko siya. "Naguluhan siya nung biglang nag-enroll si Yvo Fajardo." Tumango nalang ako. I felt sorry for him though, siya ang first pick pero nabago iyon nung biglang dumating yung isa.

Hindi rin naman siya nagtagal sa tabi ko. Nagpaalam na siya at hindi na hinintay si Coach Alvarez. Hindi naman na kami nagusap dahil focused na ang mata ko sa mga nagbabalak na maging varsity.

Natapos ang try out ng volleyball. Nasa harap na si Coach Barrameda at ineexplain sa mga natanggap ang training schedules, training do's and don'ts.

"Ally," lumingon si Coach saakin kaya agad akong tumabi sa kaniya. "Take the lead." Tumango ako sa kaniya bago siya umalis.

"Hi! Congratulations on joining the team. Few reminders, Mahigpit si Coach sa training schedule. Late will get a punishment..." I saw frightened faces as I continue to talk. Matitindi ang mga naging Captain na pinagdaanan ko, and that really helped me to what I am today. Nagsabi pa ako ng ibang kailangang sabihin bago ako nag adjourned.

Nakatayo parin ako at tinitignan ang fellow athlete ko ng biglang may sumagi na bola ng basketball sa paa ko. Pinulot ko ito at luminga sa basketball court. Napatigil ako ng magtama ang mata namin ni Yvo. Nakatingin lang siya na parang binabasa ang mukha ko.

I gulped when I remembered what happened weeks ago. That was really embarrassing. Pumikit ako at huminga ng malalim. Tinaasan ko siya ng kilay at binitawan ang bola na hawak. Umalis ako sa kinatatayuan ko at naglakad na papasok sa locker room. I got all my stuff at agad lumabas ng gym.

I saw Mimi and Yumi in a bench. Parehas silang nagbabasa ng libro with their thick glasses on.

I can't help but remember what happened on the gym. He knows me. He remembers me and probably still remembers what happened week ago. Well, dapat lang. Wala naman akong kasalanan sa kaniya. Siya ang nakatapon saakin ng chocolate ice cream!

"Sino ang nakatapon sayo ng chocolate ice cream?" Nawala ako sa pagiisip ng marinig ang boses ni Yumi. Nakatingin na silang dalawa saakin ngayon. Wait, nasabi ko ba ng malakas ang nasa isip ko?

Huminga ako ng malalim. I needed to vent out this anger dahil baka bigla akong mag explode.

"So this guy..." I started the story noong nagkabungguan kami sa mall at matapunan ako ng Ice cream hanggang sa tingin niya saakin sa gym. "It was Yvo Fajardo." Naka-nganga at nanlalaki ang mata nilang dalawa saakin. Promise, may papasok ng langaw sa bibig nila.

"Yvo 'Freaking' Fajardo?!" Pinanlakihan ko ng mata si Mimi dahil ang lakas ng boses niya at may mga nakatingin na saamin.

"So it was you!" Kay Yumi naman ako lumingon dahil nakaturo siya saakin at naka-nganga pa.

"Anong ako?" Hindi niya ako sinagot bagkus kinuha niya yung cellphone niya at parang naghihysterical doon. Nagtatalon naman si Mimi at hindi ko na naiintindihan ang nangyayari sa kanila.

Nilapit ni Yumi ang cellohone niya saakin in a way na maduduling na ako. Nilayo ko ito at tinignan ang gusto niyang ipakita.

It's a picture of a handkerchief na may burdang 'A' sa gilid. The handkerchief looked really familiar. It looked like my handkerchief na hindi ko na nahanap simula noong...

"OMG!" Napatayo ako ng mapagtantong akin nga iyon. Bigay iyon ng aking Grandma na siya mismo ang nagburda. Meron kami magkakapatid pero iba iba lang ng kulay.

"Interesting?" It's the caption of the photo and It was posted by Yvo Fajardo weeks ago.

Oh my god.



___

Nikie's Note:

Love, Hate and Everything In Between is not affiliated with any published books outside the app. This is pure fiction by NikieDom.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love, Hate & Everything In BetweenWhere stories live. Discover now