LUBID

4 1 0
                                    

Sa pagtahak ko sa daan na tila walang katapusan,
ilang ulit ko na ding nasubaybayan kalungkutan ng kapwa kong lumaban,

naglakbay, naghanap upang makita ang dulo at hangganan..
Ngayon alam ko na kung bakit ang iba sa kanila ay lumilihis ang daan, tinatakasan ang kapalaran, winawakasan ang kapaguran..

Ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit ang iba sa kanila ay pinili ang patalim at lansenta na kung hindi mawasak ang buhay ng iba ay ginagamit upang wakasan ang mismong buhay na mayron sila..

Ngayon mas malinaw na sa akin kung bakit dumadami ang katulad ni Inday na nakaramdam na ang tanging kalingang magpapasaya sa kanya ay ang pagyakap ng lubid sa leeg nya kasabay ang pagduyan ng nakabiting katawan nya doon sa sikretong lugar ng kawalan..

At ngayon maari ko na rin sigurong ibahagi ang pakiramdam nila..

O pakiramdam mo, nila o ng kahit sinong nakakabasa o nakakarinig nito..

Magkakaibang dahilan pero di nagkakalayo ang pakiramdam.

Bago ko simulan, gusto ko sanang huminga ng malalim upang kahit papaano'y gumaan itong nararamdaman..

Papansin, emotera, OA, madrama,puro kaartehan, pabebe..

Ano pa ba?
Ano pang ibang tinatawag nio sa kanila? Ano pang depinisyon nyo sa kagaya nila?

Mapasocial media man o sa personal nyong nakikita.

Mga brad, hinay hinay kayo sa pagkokomento at baka mamaya o bukas makalawa, yang pinagtatawanan nyo ay nakaburol na dyan sa may kanto.

Palibhasa mga happy go lucky karamihan sa inyo kaya hindi nyo siguro, malamang alam yung pakiramdam ng "pasan ang mundo"

Yung mga pagkakataon na walang makaunawa sa mga trip mo kase may nagdidikta sayo..

Maaring tao na mahal mo sa buhay, kaibigan, kamag anak at minsan ay mga eksena at sitwasyon na parang imposibleng tanggihan..

Kaya naman patuloy mo paring sinusunod, ginagawa yung mga bagay na nagpapasaya sa iba o sa kanila kahit para sayo ay nakaka pü###6 !n@ na.

Yung para bang ang bigat bigat ng dala mo pero hindi mo pwedeng bitawan?

Yung minsan naiisip mong tumayo sa gitna at sumigaw ng "Ayoko na" o magmakaawa sa kanila na nahihirapan ka na sa simpleng gusto nila.

Pero alam mo kung anong mas nakakasakit don?

Siguro nga hindi naman nila sinasadya na hindi makita yang mga pinaghirapan mo't pinag gagawa.

Siguro nga hindi nila sinasadya na iparamdam sayo na walang kwenta at balewala lang sa kanila ang pagsunod mo sa gusto nila.

Siguro nga hindi nila sinasadya na iparamdam sayong may kulang lagi sa ginagawa mo at ipamuka lahat ng iyong kamaliang nagawa.

"SIGURO NGA".

Sa isip mo ay hinahanapan mo nalang ng positibong paraan at dahilan upang bawat kirot ay malabanan.

Isa pa.. Sa kabilang banda nitong napakaraming mukha ng nag iisang kalungkutan.

Ito yung kalungkutan ng umasa sa wala. Sige tumawa ka.

Madalas naririnig lang to sa mga linya ng hugot diba?

"UMASA SA WALA"

masakit naman talaga ang umasa sa wala at maswerte ka kung makakaahon ka sa kalungkutan na to o yung mas sikat sa tawag na "MOVE ON"

Pero pano naman silang hindi nausuhan ng salitang move on?

Brad, uulitin ko, wag mo silang husgahan.

Magkakaiba tayo ng kalagayan at ugali lagi mong tatandaan..

Kung minsan naman talaga, hindi natin kailangan ng payo ng kaibigan o ninuman.

May ibang sapat na ang may mapagkwentuhan at maramdaman na handa din syang pakinggan.

Sa ganoong paraan kahit papano pakiramdam nya ay gagaan.

Para mo narin syang inahaon sa pagkakalunod sa katotoohanang ang umasa sa wala ay walang patutunguhan.

Tagos diba?
Yung pakiramdam na umaasa kang meron kang babalikan sa nakaraan,

na sana wag ka ng iwanan, na sana pinili mo ang tama kaso nga ay wala ng mahanap na paraan,

at kahit gasgas na ang mga katagang ito na "sana kaya kong ibalik ang nakaraan at itama ang lahat ng aking kamalian" ay paulit ulit mo paring iniisip.

"SANA"

Binubulong ng bibig.
Yung pakiramdam na tila ba ikaw ay nakapiit sa kulungan kahit bukas ang pintuan ay pinipili mo pading makulong sa nakaraan dahil hindi mo matanggap ang mga pangyayari, mga bagay bagay at ang yong kamalian..

Yung para bang nakalubog ang mga paa mo sa kumunoy ng kahapon na kahit anong takbo mo ay hindi ka makausad at makaalis sa kahapon..

Yung para bang paulit ulit kang hinihila sa tubig upang malunod at hindi na makaahon..

..pero brad, wala na yatang mas sasakit pa sa pakiramdam ng sabay sabay itong nararamdaman.

Dagdagan mo pa ng mga pangyayari sa kasalukuyan na nagpapalugmok sa kanya bukod pa sa kanyang nakaraan

Yung pakiramdam ng araw araw ay sinasaksak ka sa twing pinapaalala nila o ng mismong isip mo lahat ng nakapagpapasakit sayo.

Na para bang araw araw ikaw ay pinapatay upang mabuhay at mamatay.
Upang mabuhay at mamatay at upang mabuhay at mamatay sa sakit.
Sa paghihirap.
Na kahit alam mo namang maaring mayroon pang paraan ay nilalamon ka ng takot at lungkot dahil walang nakakaunawa sayo.

Walang nakikinig at makikinig sayo. Dahil ang sabi nila ikaw daw ay papansin, emotera, OA, madrama, puro kaartehan, pabebe at kung ano ano pa.

Kaya isang gabi ikaw ay nagpasya,

masama man ito at labag sa kasulatan ng Biblia,

kumuha ng lubid at mga paghihirap ay winakasan na...

Apathetic Words and Poetry Where stories live. Discover now