MakaTAO

6 1 0
                                    


Ang mahulog sa sarili mong hukay na 'yong kinatatakutan

Mga bagay o pangyayari na para bang nasa dulo na at sukdulan

Mga isipin na nakakapagod at nakakapagod ng pakinggan

Sa mundong nakabibingi sa kabila ng katahimikan

Ikaw ay nagkukulong sa sariling bisig
sapo ang mga luha mo ng 'yong unan

Nag iisip, nagtataka, napapatanong at natataranta

"Ako pa kaya ay mabubuhay pa sa darating na umaga?"

O muli ay papatayin ako unti unti ng takot ko sa katahimikang tangi kong sandata.

Kung tutuusin ako naman dapat ay manhid na

dahil ako'y ginagamot ng masasakit na salita, masasama nilang gawa, kasuka sukang nakikita

Nalunasan na ang sakit at ang pait
subalit naiwan nila akong manhid at said na said

Sa katotoohanang may pag asa pa SANA na mabuhay ng may hininga

Sa mata ng mga mangmang na ang hangin lamang ang nagdadala ng tinatawag na "buhay" nila

Sa mata ng mga mangmang na ang tanging alam lamang ay mangutya ng buhay ng iba

Sa paulit ulit na pakikipag sapalaran ko sa halakhak nila ay nadudurog ako

Sa paulit ulit na pakikihalubilo ko sa gaya nilang mapagbalatkayo..

Sa paulit ulit at paulit ulit na pagsubok kong makibagay sa huwad na kayo

Ay paulit ulit ko lang nilulubog ang sarili ko sa grasa ng pagiging tao na hindi makatao..

Manhid na ako.

Ano pang pinagkaiba ng huwad sa totoo?

Anong pinagkaiba ng mali at tama sa mundo?

Nabubuhay pa ako.

At sa huling yugto nito,
pinipili ko ang mamuhay ng tama sa mundong napapalibutan ako ng mga tao
na hindi alam ang salitang "makatao"

Apathetic Words and Poetry حيث تعيش القصص. اكتشف الآن