Kabanata 24

783 20 3
                                    

Kabanata 24

Coffee

"Anong nangyari sayo?" si ate Ally ng makita ang paa ko.

It is already lunch time and we are all inside the mini caffè. Naka upo ako sa gilid habang hinihintay ang iba na makarating para maka kain na kaming lahat.

I smiled a little.

"Wala ate. Nabagsakan lang ng painting."

Nagulat siya. Nag aalala siyang lumapit para tingnan ang paa ko. Hinayaan ko naman siya.

"Huh? Nagamot mo na ba 'to? Namamaga!" she exclaimed.

"Nagamot na ni Simeon kanina at uhh-" hindi ko madugtungan ang sinasabi.

I don't want to tell the name of the other one who took care of my swollen feet. Kumunot ang noo ni ate Ally habang naghihintay ng karugtong ng aking sasabihin.

"A-ayos naman na ngayon," dagdag ko ng nag aalinlangan.

Tumango siya at nilubayan ako. Nang lumapit si ate Reign at ang iba pa ay si Simeon na ang nagpaliwanag. Nahihiya lamang akong ngumingiti sa kanila. I know I've been careless and I don't want to make it a big deal.

Nagsisimula ng kumain ang lahat. Maraming tao doon sa loob at halos hindi na kami kasya kaya lumabas ang iba. Malaki naman ang clinic at maraming sofa at iba pang upuan kaya ayos lang na doon sila.

Hindi nga lang ako tumatayo para kumuha ng pagkain dahil may hinahanap pa ang aking mata. After he applied a cold compress on my feet, he left the clinic with the girl. He left all the work to his men. Nasabi rin ni ate Ally na Veryl daw ang pangalan ng babae. She is Veryl Cortez, an international model of Victoria's Secret. That explains her perfectly toned body and the nice curve.

"Hindi ka ba kakain?" si Alfred na sumulpot sa tabi ko.

Nag angat ako ng tingin sa kaniya at napabalik sa wisyo.

"Uhh- mamaya na lang siguro," sabi ko at ngumiti.

I look at my hands in my lap and play with it a little. Medyo down ako ngayon. Alam ko ang dahilan pero hindi ko pa rin maamin sa sarili ko. I don't want anything to mislead me anymore. Hanggat 'di sigurado ay ayoko.

Hanggang maghapon ay hindi ko siya nakita. Nalaman ko nalang bigla na hindi na siya ang tatapos sa pag aayos ng trabaho sa clinic. He let his men do the finishing. Ilang araw pa ang itinagal ng pag aayos sa clinic. Nakakatanggap na kami ng mga pasyente kaya medyo naging abala ako. Hindi na ako nagkaroon ng panahon para isipin pa siya.

Sometimes I would think about him at night but then I would let myself be busy at work.

"Postpone ang medical mission natin ngayong linggo sa Batangas," simula ni ate Karrie.

Nilingon ko siya pagkayaring i check ang temperature ng pasyente ko. Sinabayan ko siya sa paglabas sa isang kwarto sa third floor.

"Bakit daw ate? Anong sinabi ni Doc?" tanong ko.

She pressed the fifth floor when we get into the elevator. I am wearing my normal plain white uniform. Papunta kami sa fifth floor para i check ang ibang pasyente namin. Saliente clinic is like a private mini hospital. Hindi ganoon kalaki kumpara sa ibang mga hospital pero 'di hamak na mas malaki ito kumpara sa mga normal na clinic.

"May mga ibang team na ang nagpunta doon. Dahil hindi naman sobrang malala ang mga natamo nilang sugat ay hindi kinakailangan ng maraming tao," sabi niya at ngumiti.

"No major cassualties? Wala bang namatay ate?"

Nagbuntong hininga siya at umiling.

"Fortunatelly, there is none. Nawalan lang sila ng tahanan at kabuhayan pero wala namang naitalang namatay. Nakapag evacuate kasi ng maaga."

Between those Words (Montalban Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon