CHAPTER 1

234K 1.1K 195
                                    

   "Hoy gising na Andrea" gising tanghali na may lakad ka pa.

Sigaw ng nanay ni andrea.
Nag iisa syang anak,ayon sa mga magulang nya maswerte na daw sila at nabiyayaan ng anak sa kaalamang matatanda na sila.
Parehong lampas kalendaryo na ang kanyang mga mahal na magulang.

   "Ma,maaga pa po mamaya pa po yung pasok ko"

"Naku!! Batang eto talaga malate ka na naman nyan"

"Sige na nga po at maliligo na ako,alam ko namang hindi nyo din ako tatantanan"

Andrea is 19yrs old,at nag aaral sya sa pribadong paaralan.
Kahit gaano kahirap ang buhay nila,pinag sisikapan ng kanyang mga magulang pag aaral nito.
Kaya naman kinalakihan na nito ang mangarap at mag aral ng mabuti para mai ahon sa hirap ang kanyang pamilya.

"Ma,asan ho si papa?

"Nasa bukid na anak,madilim palang umalis na ng bahay,alam mo naman yun hilig ang pang huli ng palaka"

"Ganun ho ba? Si tatay talaga wala ng sawa sa mga palaka" nakangiting sagot nito.

"Sige na po ma,alis na ako at ng di ako malate"

"Sige anak mag iingat ka ha,mag aral ng mabuti"

"Opo ma,paki sabi nalang ho kay papa"

Paborito ng kanyang ama ang palakang bukid,kaya naman araw araw itong lumulusong sa bukid para lang maka huli.

"Andrea kumusta ang weekend mo?
  Tanong ng matalik na kaybigan nitong si jen.

"Eto ayos lang,ikaw kumusta ang weekends mo? Di kita nakita satin ah"

"Dinalaw ko ang ate sa maynila"

"Ah kaya pala,kumusta naman ang ate mo dun?

"Ayos naman sya,ayon sume sexy lalo",nakatawa nitong sagot.

Jen has a sister,nag tatrabaho ito sa isang club,isang pribadong club,kaya naman ang pamilya nito ay nangunguna sa chinichismis sa kanilang barangay,sabi nv nakararami malas daw sa buhay ang trabaho ng ate nito.
Pero malawak ang pang unawa ng kaybigan nya,alam nyang may mga dahilan  ang ate nya kung bakit pinasok nya ang ganung uri ng trabaho.

"Hoy bessy kumusta naman ang manliligaw mo?

"Sus si jomar? Masungit na sagot ni jen.
Wala na yun nalaman na isang magdalena ang ate ko,kaya ayun nawala na parang bula ang loko.

"Grabe na talaga ang mga tao ngayon noh"

"Sinabi mo pa,sabagay di ko din naman sila masisi kasi pangit nga namang trabaho iyon"

"Hm sabagay"
Gaya nya may mga kamag aral din syang tinutukso sya dahil sa antas ng kanilang pamumuhay,kesyo assuming daw sya  kasi sa private school pa napili nyang pasukan,minsan napupuno na din sya,pero eto tuloy parin ang buhay kinekeri lang lahat.
Wala din naman mangyayari kung papatol sya.

"Malapit na palang matapos ang school year noh"

"Oo nga eh,san ka sa bakasyon?

"Sa bahay lang siguro,wala naman akong ibang mapuntahan"
Isa pa ayaw naman akong payagan nila mama na pumunta kung saan.

"Iba na kasi ang nag iisang anak ano? Bantay sarado"

"Ok lang para din naman sakin yun,saka sa bahay nalang ako tutulong kila mama.

"Ako sa bahay lang din siguro,pero kung papuntahin ako ni ate sa manila,baka dun ako mag vacation,maarteng saad ni jen.

MY FIRST AND LASTWhere stories live. Discover now