CHAPTER 22

39.3K 413 8
                                    

Nasa hotel na si andrea,maghapon itong nasa kwarto at naka higa lamang.
Kumain na ito ng pang gabi ng maramdaman ang gutom,mag hapon kasi itong walang kain.

Pag katapos kumain nag tungo sa banyo uoang maligo,hindi mawaglit sa isip nito ang asawa.

"Kumain na kaya si alex,kumusta na kaya ito,hinahanap kaya nya ako?
Mahal na mahal na nya ang asawa,pero sa ngayon kelangan nya munang lumayo dito,ng makapag isip ng maayos.

Nanonood sya ng tv ng biglang mag ring ang kanyang telepono,sa pag aakalang si alex ito ay agad nya itong sinagot.

"Hell? Nagmamadali nyang sagot,excited itong marinig ang boses ng asawa.

"Hello ma'am andrea?
Tanong ng sa kabilang linya,si manang lordes ito.

"Manang napatawag ho kayo?
Malumanay na sagot nito.

"Nag aalala na ho kami sayo eh,gabi na,san ka ba nag punta? Kahit si sir alex hindi na mapakali kung saan saan na sila nag hanap sayo"

"Manang wag nyo po sabihin kay alex na nakontak nyo ako"

"Bakit naman hija? Mababaliw na ang asawa mo sa kakahanap sayo"

"Gusto ko lang ho munang mapag isa ngayon manang"

"May pinag awayan ba kayo hija?

"Ah konting problema lang po manang"
Malungkot na saad nito.

"Alam mo ba hija na mas mabuting mapag usapan ang kahit na anumang problema? Mas maigi kung alam nyong dalawa ang pag kakasala nyo sa isat isa"

Napa kunot nuo sya sa sinabi ng matanda pero wala pa syang lakas ng loob na harapin ang asawa.

"Saan ka ba ngayon hija?

"Nasa isang hotel ho,kung maari wag nyo po sana munang masabi kay alex"

"Alam mo bang kaninang umaga pa walang oahinga ang asawa mo hija sa kahahanap sayo?

"Hayaan nyo ho muna sya manang"

"Tinatawagan nya ang telepono mo pero hindi nya daw makontak kaya naman sinubukan ko"

A blinock ko po pala sya"
Naisip nya kaya pala wala syang matanggap na tawag sa asawa kasi blinock pala nya ito.

"Gusto mo bang sunduin kita jan?

"Hwag na po manang,dito ho muna ako"

"Sige ikaw ang bahala hija,pero sana wag mong patagalin ang pag tira jan ha,nakaka awa na ang asawa mo hija,parang mababaliw sa kakahanap sayo"

"Pasensya na ho manang"
Naawa sya sa asawa sa narinig pero ayaw pa kasi nya itong makita,gusto nyang mapag isa at makapag isip.

"Pwede bang sabihin mo kahit saang hotel ka manlang hija?

"Itetext ko nalang po sa inyo manang"

"Oh sya sige na din,mag iingat ka jan"

"Manang wag nyo ho sanang mabanggit kay alex ako nalang ho ang mag message sakanya maya maya"

"Oo hija,makaka asa ka,o sya sige na,mag pahinga ka na at kumain ha,wag mo pabayaan sarili mo jan"

"Opo manang sige na po"
Napag isipan nyang imessage ang asawa para hindi naman ito mag alala sakanyan.

Makalipas ang ilang minuto na send na nito ang message sa asawa,sana lang hwag muna syang puntahan ni alex,pero sa isang banda ng kanyang isip nanalangin ito na sana pumunta ang asawa,kahit ilang oras lang silang di nag kita namimiss na nya ito.

MY FIRST AND LASTWhere stories live. Discover now