CHAPTER 10

50.1K 389 1
                                    

Nasa hospital parin si andrea nagbabantay sa ama,habang ang ina ay kinakausap ang doktor na umaasikaso sa ama.

"Misis kelangan nyo na pong ilipat ang pasyente sa lalong madaling panahon,kailangan nya po ng agarang gamutan sa lagay nya madami na pong komplikasyon na lumalabas sa katawan nya"

"Doc wala na po bang pag asang magising ang asawa ko?

"Misis sa ngayon po hindi pa po namin masasabi,kasi kulang po ang hospital sa kagamitan para sa lagay ng asawa nyo,but we are doing our best,kaya kelangan n natin syang ilioat ng hospital"

"Sige po,mag hahanap po ako ng pera para sa agarang paglipat nya"
Iyak na sagot ni aling lora.

Dinig na dinig ni Andrea ang pag uusap ng ina at ang doktora.
Saan sila kukuha ng perang gagamitin para sa agarang gamutan ng ama?
Wala naman silang maasahan sa mga kamag anak kasi simulat sapul hindi na nila sila tinuring na kadugo.

"Ma huwag na po kayong umiyak gagawan po natin ng paraan"

"Oo anak,pasensya ka na kay mama ha"
Sagot nito na naka yuko.

"Anak uwi muna ako saglut para mag hanap ng bibili ng bukirin natin,makakatulong din iyon"

"Pero ma alam natin na hindi papayag si papa,mahal nya ang bukirin na yon"

"Mas mahalaga ang buhay ng papa mo,ang bukirin pwede nating makuha ulit yun pag nakaluwag luwag na tayo"

"Sige po ma,tutuling po ako sa pag hahanap ng pera"

"Sige na anak uwi  na muna ako ha"
Sabi nito habang hawak ang kamay nya.

"Opo ma,mag iingat po kayo"

Nang maka alis ang ina,agad na tinawagan ni andrea ang kaisa isang kaybigan nito.

"Hello jen"

"Oh andrea kumusta ang lagay ng papa mo?

Hayun gaya ng dati hindi pa din gumigising si papa,ngayon kelangan naming ilipat sa private hospital para sa maibigay lahat ng gamot na kelangan"

"Naku friend,sana gumising na ang tito"

"Jen may sasabihin sana ako"

"Ano yun best?

"Pwede bang makahiram ng pera sayo? Wala na kasi kaming ibang malalapitan eh"

"Naku,walang wala din kame ngayon best,si bunso nagkasakit kaya yung konting ipon ko nagamit na din"

"Ah ganun ba? Pasensya na ha wala na kasi akong ibang mautangan eh"

"Ok lang yun,wag kang mag alala mag try ako mangutang sa mga kakilala ko ha"

"Naku wag na,ako nalang best"

"Ano ka ba ,ok lang,bsta i text kita pag may nahanap na ako"

"Salamat jen ha,napa ka bait mo talaga"

"Sige na mag pahinga ka na jan,wag mo pabayaan sarili mo,mag paka tatag kayo ni tita"

"Oo,sige salamat,bye na ha"
Andrea has been exhausted,hindi nila alam kung san sila kuluha ng pera.

After how many days dumating si jen sa hospital kasama si peter.
Nagulat si andrea,pero oinaliwanag ni jen kung bakit kasama nya si peter.

"Bestie pasensya na ha,nakwento ko kasi kay peter ang kalagayan nyo,kaya ayun nag alok ng tulong,nung una tatanggihan ko pa sana,pero he insist na tumulong eh"

"Rea bat di mo sinabi sakin,makakatulong ako"

"Peter salamat sa pag punta,pero pasensya na ha hindi ko matatanggap ang tulong mo"
Maiksing sabi nito,ayaw nyang gamitin ang dahilang nanliligaw sya sa kanya.

"Rea wag mo muna isiping nanliligaw ako sayo,kaya ka siguro tatanghi sa tulong ko dahil jan,isipin mo nalang na kaybigan mo ako,na handang tumulong"

"Sorry talag peter,pero hayaan mo kung wala na talaga ako mahingan ng tulong lalapit ako sayo"

"Sige ikaw ang bahala,pero pag kelangan mo na talaga,wag kang mahihiya na tawagan ako"

"Salamat peter"

"Oh sige na,alis na ako,may lalakarin pa kasi akong rea" at nag martsa na ito palayo.

"Bestie pasensya na ha"

"Ok lang yun"

"Jen may itaranong sana ako sayo"

"Ano yun?

"Baka naman pwede mong kausapin ang ate mo,na bka pwede nya akong ipasok sa club kahit server lang"

"Sigurado ka?
Gulat na tanong ng kaybigan

"Oo,nakaka takot man,pero alam mo naman kaya kong gawin lahat para sa pamilya ko,saka ngayon lang naman ito.

"Andrea pag isipan mong mabuti yan ha,

"Ilang beses ko ng napag isipan,kaya
Ok lang ba na kontakin mo ang ate mo?

"Ako ang kinakabahan jan sa ginagawa mo,wala na bang ibang mas magandang paraan?
"Kita mo nga ikaw,kahit make up di ka nag lalagay sa mukha mo,tapos bigla kang papasok sa club?

"Ero nalang yung nakikita kong paraan para maka hanap ng pera eh"

"Ikaw ang bahala,bsta mag isip ka ng mabuti"

"Wag mo nalang sana masabi kahit kanino ang napag usapan natin"

"Ano ka ba? Syempre noh"
"Kung may pera lang sana ako eh"

"Salamat jen"

"Oh sya ibibigay ko nalang ang numero ng ate ko,ikaw nalang ang kuma usap sakanya ha,alam mo naman na asot ousa kame nun"

"Ph sige salamat"
Takot man,pero yun nalang ang oag asa nya,saka nalang nya iisipin ang sarili pag ok na ang kanyang ama.

MY FIRST AND LASTWhere stories live. Discover now