Use the hashtag #ChasingAfterYouWP if you're going to tweet about this story so I would be able to see it.Chapter 17
Basketball
Hinatid ako ni Beau sa aking kwarto. Hila-hila niya ako ngayon sa wheel chair. I sprained my ankle and it hurts a lot. Ni hindi ko magalaw ang isang paa ko.
Ang sabi ko nga ay okay na ako sa saklay, but Beau insisted. Pinapili niya pa ako kung wheel chair o siya ang sasakyan ko. Wholesome naman ako kaya wheel chair na lang.
Dahan-dahan akong binuhat ni Beau papunta sa kama ko.
"Thank you." sabi ko no'ng komportable na ang pagkakahiga.
He went near me and caress my head. "I'll always be here for you."
I smiled at him. "Pahinga ka na rin..."
It's been a long day for the both of us. Hindi pa nga dapat ako lalabas sa GA Hospital. Ang sabi ng Doktor, para raw matignan 'yung sprain ko for 24 hours pero hindi naman ako makakatulog doon. Mas maiging sa sariling kwarto na ako magpahinga.
Beau is so mad earlier. Gusto niyang ma-suspend iyong mga bumuhat sa akin kanina. Hindi ako pumayag sa desisyon niya dahil aksidente naman ang nangyari. It's not like they want me to be injured.
Buti nga at kumalma rin siya. Ewan ko kung ano ang ginawa ni Mac. Kinausap niya lang si Beau tapos okay na, eh.
"You should have stayed at the House of Sick People Including Treatment and Labour." Beau said seriously.
Napahalakhak naman ako roon. "Pinahaba mo pa! Pwede mo namang sabihing HOSPITAL!" I even emphasized the word hospital.
"Just using my knowledge." aniya.
Muli akong mapatawa. Flex niya lang?
"Okay naman na ako. My foot surely hurts, but I can handle. There's no need to stay there." sabi ko sa kanya.
"Are you sure?"
"Yes."
He then crossed his arms at tila malalim ang iniisip.
"Tomorrow is our basketball game... Pero pwede namang hindi na lang ako pumunta para mabantayan at maalagaan kita." saad niya.
Agad na kumunot ang aking noo.
I was told that he's a star player! Importante siya sa game na iyon at isa pa, paano na ang grades niya sa PE pag hindi siya nag-participate?
"Ano ako bata?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay. "I'm really fine, Beau. Go to your game."
Tinignan niya lang ako at parang sinusubukan basahin ang kung ano man ang nasa utak ko ngayon.
"I know you're concerned about me and I really appreciate that... Pero hindi mo kailangang i-ditch ang basketball game mo para sa akin. Ayaw kong maapektuhan ang grades mo. Studies ang priority natin, remember?"
Dahan-dahan siyang tumango.
Napag-usapan na kasi namin iyon. Studies first, before anything. Kaya kung halimbawa ay may exam kami bukas at monthsary namin ngayon, we will celebrate our day by reviewing together.
Buti sana kung kasing sipag niya si Mac De Guzman pagdating sa pag-aaral. Kaso hindi naman. Sa extra-curricular na nga lang siya bumabawi, eh!
Beau is really smart. He's just easily distracted and doesn't like reading.
Kaya nga hindi ko alam kung bakit magkaibigan sila ni Mac. Kung bakit sila ang laging magkasama. The two of them are completely different from each other!

ESTÁS LEYENDO
Chasing After You
Romance(Garnet Boys Series #1) Thea will never stop until the notorious playboy, Beau Santiago, fall for her again like before. Gaano man siya masaktan, hinding-hindi siya titigil. She will always go chasing after him.