Chapter 22
Make Up
"Gago ka pero gusto kita." I said. "'Wag ka na nga ulit maglalasing!"
Biglang napatayo si Beau sa kama niya at nanlaki ang mga mata nang makita ako.
Ilang saglit lang ay yumuko siya at humawak sa ulo niya.
"My head hurts like hell, Ate Nurse. Ibang mukha ang nakikita ko sa'yo. Iba rin ang boses." aniya.
"Ako 'to." sabi ko pa.
I'll make it up to him.
Unti-unting nag-angat ang tingin sa akin ni Beau. He's like figuring things out... Like what I'm even doing here in his room.
"Am I hallucinating? Anong gamot ba ang pinainom mo-"
Hindi niya na tinapos ang sasabihin niya dahil sinarado ko na ang natitirang espasyo sa aming dalawa. I hugged him as tight as my little arms could.
"Ikaw na bungang araw ka, 'wag kang paladesisyon! Sino ba may sabing iiwanan kita?" singhal ko sa kanya.
I immediately felt his head over my shoulders. He chuckled a bit. "Bungang araw... Ikaw nga 'yan. I thought my head is messing with me, Yeye."
"I'm going to mess with you if you don't pull yourself together! Hindi porket Presidente ka ay may karapatan ka nang uminom at mag-cutting!" sermon ko pa.
Muli lang siyang tumawa. "I'm sorry, Ma'am."
"Tsk!"
"So, hindi mo talaga ako iiwan?" tanong niya. He's tone is back to being soft and sad.
"Bakit mo ba iniisip 'yan?" tanong ko pabalik. I just don't get him.
Is he insecure of Ethan and I's past relationship? Because he didn't need to. And I want him to know that.
"Hindi kita iiwan. Hindi, dahil ayaw kong mawala ka sa akin." I told him.
That's the truth.
You can't teach your heart who to love and at to what extent. You just feel it and you just embrace the moment.
There would be a day in your life when you'll meet your soulmate. And I believe that day came to me already. That's when some perv snapped at me.
Sounds crazy but this is just love. Theandra knows.
Kumalas ako sa yakap at hinarap siya.
"Hindi mo ba naisip na kaya ayaw kong mawala ka, kasi ikaw na lang ang nandito?" sabi ko at tinuro ang puso ko.
He's face turned so red and so does his eyes.
Napailing-iling siya.
"I can't believe it..." he said as he took a deep breath. "I just look at you and my heart is pounding violently. I'm crazy for you, Theandra."
Bago magkaroon ng room check ay bumalik na ako sa kwarto ko. Pinagpahinga ko na si Beau dahil masakit pa rin ang ulo niya.
Inom pa!
Kinabukasan, napagdesisyunan kong sumabay kay Beau at Mac sa lunch.
"Guys, doon muna ako kina Beau." sabi ko sa mga kaibigan. Ethan is there at the table as well.
Tumango lang siya, ganoon din sila Andy, Rose, at Kol.
Bago umalis ay bumulong ako kay Andy. "Ands, ikaw na bahala riyan, ah!"
"Oo, sis! Ethan at Rosean? Madali lang 'yan!" bulong niya pabalik.
Paglapit ko sa table ay si Mac pa lang ang nandoon.
"Nasaan si Beau? Sasabay ako ng lunch ngayon, ah." paalam ko kay Mac.
Kung may isisimangot pa ang mukha niya, iyon ang reaksyon niya ngayon.
"Ayoko ng drama." aniya.
Kumunot naman ang noo ko tapos ay umupo na sa harapan ni Mac. "Anong drama ka riyan?! Si Beau ba nasaan?"
"Locker." anito at sumubo ng California Maki.
Nagbabasa na naman siya ng libro. Hindi ba nauubusan ng babasahin itong lalaking ito?
Tinaasan ko lang siya ng kilay kahit hindi naman niya ako nakikita. Nakakapagod siyang panuorin!
"Reading brings knowledge and knowledge is power. Therefore, reading is power." ani Mackenzee sa harapan ko.
Napanganga na lang ako. May mata ba ang mga libro niya o ano?!
Hindi ko talaga gets kung bakit sila magkaibigan ni Beau. Hindi ko pa kasi natatanong si Beau pero curious talaga ako, eh. I mean paano? They're completely different!
"Mac, tanong lang. Paano kayo naging magkaibigan ni Beau? Hindi ko talaga maisip, eh..." sabi ko.
Alangan naman naging bff sila dahil pareho silang mahilig magbasa? Nope! No way!
"I knew him even before Garnet Academy happened." anito.
So, magkaibigan na sila bago pa sila pumasok dito? That explains why first day pa lang may sariling connection na ang dalawa!
"Paano kayo nagkakilala-"
Hindi ko na natapos ang itatanong nang marining ko ang boses ni Beau.
"Mac?!" malakas na tawag nito, hindi nalalayo sa amin.
Napatingin kami pareho ni Mac kay Beau.
"How could you?" si Beau ulit.
Kumunot ang noo ko. Anong problema?
Napailing naman si Mac sa gilid ko. "I told you, ayoko ng drama."
"Huh?" tanong ko.
"Ayan. Madrama ang batang 'yan." sabi pa ni Mac.
Natawa ako roon. Bata?!
"Akala ko magkaibigan tayo. Bakit magkasama kayo ni Thea? Pagtataksilan mo lang pala ako... Salamat sa lahat. Sana masaya ka-
Natigil si Beau nang binato siya ni Mac nang bookmark. "Shut up, I'm reading here."
Humagalpak ako sa tawa. "Baliw ka! Kanina pa kita inaantay para sabay tayo kumain!"
"Ah hehe." sabi ni Beau at mabilis na umupo sa tabi ko. May dala pa siyang isang tray na may mga tacos. "Kala ko de-date kayo, eh."
Saltik talaga!
Susubo pa lang ako nang biglang may naghihikahos na babaeng sumulpot sa gilid namin. Tumaas ang kilay ko, Mac is unbothered, and Beau is eating his taco.
"Pres! Si Xyla, naaksidente!" sigaw no'ng babae.
Binitawan ni Beau ang taco niya. "What are you saying?"
"Nag-malfunction iyong gamit niyang cart tapos ay nag-crashed iyon sa poste." sabi no'ng babae.
"Where is she?" Beau asked.
"Nasa GA Hospital na po."
"Eh 'di goods." sabi ni Beau at sumubo na ulit ng taco.
Napa-face palm na lang ako. Gutom ka, ghorl?
"She's in a serious condition, Pres. Nagkaroon po ng maraming bleeding. Kino-contact na po ang parents niya." saad no'ng babae.
Napaawang ang labi ko nang marinig iyong kalagayan ni Xyla. Mas umawang pa nang makita ko ang mabilis na pagtayo ni Beau. "Let's go to the hospital."

BẠN ĐANG ĐỌC
Chasing After You
Lãng mạn(Garnet Boys Series #1) Thea will never stop until the notorious playboy, Beau Santiago, fall for her again like before. Gaano man siya masaktan, hinding-hindi siya titigil. She will always go chasing after him.