Resume

228 12 0
                                    

Tristan's POV

It's all back to normal. Natigil na yung mga pagsabog mula nang mapatay namin ang kapatid ni Mr. Sy. Ngayon ay balik kami sa pagiging college students.

Nasa kalagitnaan ako ng klase nang makatanggap ako ng text galing kay Chief. Pasimple kong itinago ang cellphone ko sa aking notebook at saka binasa ang mensahe.

Tristan,

I want an update. I'll expect you 6 pm sharp.

-Chief

Napabuntong hininga nalang ako before I delete the message. I wonder, si Chief ba kagaya rin nila Mr. Sy at nang iba pang mga nasa gobyerno? Pwede ko kaya siyang pagkatiwalaan? Kasi ako napatunayan ko nang mali kami nang mga taong pinagkatiwalaan. Mali kami nang pinanigan. And now I want to make a change.

"Mr. Dela Cruz? Are you still with us?" agad akong napatingin kay sir nang marinig ang malakas na pagsigaw niya. Napapahiyang napakamot ako ng ulo at saka napatayo.

"I'm sorry sir." sabi ko habang naka yuko.

"I asked you a couple times now. Ano ba Dela Cruz? Nasaan na ba yang utak mo't parang napunta sa Mars?" sermon pa ni sir. Mas lalo naman akong napayuko, napapahiya.

"Sorry sir. It won't happen again." ayon lang ang naisasagot ko sa kaniya dahil sa hindi ko naman alam kung ano ang tinatanong niya. Malay ko ba eh nag-iisip ako... tss panot!

"You better be, Dele Cruz. Ayoko sa istudyanteng lutang, nakakatanga 'yon." sabi pa nito. "Open your book and read the pages 105-107. Then answer the corresponding questions. Parusa mo 'yan sa pagiging lutang." sabi pa nito.

Tumango nalang ako at agad na kinuha ang aklat ko at ginawa ang sinabi niya. "Magaling. Ulitin mo ulit yang lutang moment mo para maganda, okay ba Dela Cruz?" sabi pa ni sir nang matapos ko ang pinagawa. Tumango nalang ako sa kaniya. "You may take your seat Mr." si sir na agad kong sinunod.

Nang maka-upo na ay siya namang lapit ni Scarlet. May iniabot itong isang piraso ng papel. Kunot noo akong tumingin sa kaniya kasa inabot ang papel.

What's the matter?

'Yan ang nakasulat sa papel. Hinarap ko siyang muli pero nasa pisara ang mga mata niya. Kaya sinagot ko nalang ang tanong niya.

Nothing.

Ayon lang at pasimple kong iniabot pabalik sa kaniya ang papel na agad niya namang inabot. Tumingin muna ako kay sir na busy sa pagsusulat kaya ibinalik ko sa kaniya ang paningin.

Kunot ang noo niya habang nakatingin sa papel pagkatapos ay binalingan ako. Matiim, nag-aalam at nag-hihinala niya akong tinignan. I smiled at her and pop my thumbs up telling her that nothing is wrong.

Nakita ko siyang kumunot ang noo bago ibinalik ulit ang tingin sa pisara, hindi pa rin kumbinsido. Bahagya lang akong napabuntong hininga at itinuon na rin ang paningin sa pisara.

Hanggang sa matapos ang subject naming iyon at ang mga sumunod pang subjects ay buong atensyon akong nakinig. Hindi na gustong mapahiya muli. Tss it's the first time that my teacher actually scolded me. I was a good kid yah know?

"What happened?" nang mag lunch break na kami ay si Scarlet agad ang nag-usisa. Unfortunately I can't tell her that Chief needs to talk to me so yeah, lying again.

My Girlfriend is a MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon