Rain

204 8 0
                                    

Scarlet's POV

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko samantalang ako ang humingi nito. Ang sakit sakit lang na makita siyang masaya sa iba.

Tanghali na ngayon at naghahain na kami dito sa kwarto ni tita Sharlene. Kagaya kaninang umaga dito kami kakain.

Nakapag-usap na rin pala kami ni tita. I was expecting her to get mad at me pero hindi 'yon ang nangyari. Sa halip na ako ay siya ang humingi nang tawad. Sabi niya siya daw ang rason kung bakit ko nagawa 'yon, pero alam kong ako talaga ang dapat humingi nang tawad. Naikwento ko na rin kay tita yung narinig ko kay Daddy.

Kagabi naman hindi ko na namalayang nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Mali rin ang akala kong ayos na kami ni Tristan. Kagaya kasi kagabi hindi niya nanaman ako pinapansin. It's like I'm here pero as a hangin lang.

Yung feeling na gustong-gusto mo siyang sumbatan at pagbawalang lumapit sa babaeng 'yon pero, I asked for it eh. Kaya wala akong karapatan. Feeling ko nga kada tibuk ng puso ko masakit na eh. Yung feeling na nasasakal ka. Yung parang gusto mong sumigaw pero kailangan mo pigilan. Ang sakit lang.

"Tristan your so pasaway. Put it dawn!" inis konwaring sabi nitong isa na tumatawa naman. Kumuha nanaman kasi si Tristan ng chicken na niluto nitong Cassandra. She was trying to get the chicken, ayan tuloy ang lapit lapit na niya kay Tristan, tsh!

"What if I don't want to?" natatawang sagot din nitong si Tristan saka kinagatan yung chicken na hawak.

"Tristan!" inis daw kunong sabi niya may pa kurot kurot pa sa tagiliran nitong si Tristan. Hoooo ang lalandi nyo!

"Oh yung kutsara kawawa naman. Baka mamaya maging tinidor yan sige ka." mahinang bulong ni tita na dahilan nang pagtingin ko sa kaniya.

"Sakit tita." nakangusong sabi ko naiiyak na.

"Don't worry ate Rose, I also don't like ate Cass for kuya." pabulong na sabi ni Sammy tapos ay lumingon siya doon sa dalawang tuloy sa landian. "They're not bagay with each other." dagdag niya pa nakalagay ang isang kamay sa kaliwang pisngi, nakatingin pa rin sa kuya niyang malandi. "Don't worry, Mommy and I are both on your side." natawa ako sa sinabi niya. She's so cute haha. Yeah Rose ang tawag niya sa akin. Ayaw raw kasi niya nang may kapareho ang tawag sa akin. Lahat daw Scarlet ang tawag sa akin so siya ate Rose nalang.

"Thanks baby." ngiting sabi ko bago siya niyakap nang mahigpit, pinanggigigilan.

"Don't worry anak, mahal ka niyan, pakipot lang." dagdag pa ni tita na napapa-erap sa anak. "Huy, kayong dalawa tama na ang landian, kakain na." saway niya do'n sa dalawa, napapahiya tuloy silang lumapit sa amin. Tss buti nga sa inyo. Na upo na kami sa hapag at nagsimula nang kumain.

"Here, try this." napatingin ako kay Cassandra nang subuan niya si Tristan. May magigilitan talaga ako ngayong araw.

"Hmm." sagot ni Tristan habang ngumunguya.

"Masarap? I cook this for you, alam ko kasing paborito mo ang Caldereta." pacute pa ni Cassandrang bruha.

"Hmm hmm hmm." nag thumbs up pa si Tristan, ngumunguya pa rin. Mabulunan ka sana. "Aherm aherm *ubo-ubo-ubo*" buti nga sayo. Sinong nabulunan? 'Yan makipaglandian ka pa.

Ito namang isa, to the rescue ang water at himas sa likod sabay sabing. "Dahan dahan lang kasi. Ayan tuloy nabulunan ka. Gano'n ba kasarap ang luto ko?" shuta ka, humanda ka sa aking bruha ka kakalbuhin kita!

My Girlfriend is a MafiaWhere stories live. Discover now